Chapter 1

19.6K 244 14
                                    

Chapter 1 ||Matagal Ko Nang Mahal

Mikkaella's POV

"Makakasama na ba talaga si Cyrish?" tanong sa akin ni Kailer nang pumasok ng CR si Cyrish. I faked a smile and nodded. Nandito kami sa bahay ni Cyrish ngayon dahil pinaguusapan ang summer getaway ng barkada. Busy ang iba naming kaibigan na sina Felix at Dianne kaya naman kaming tatlo lang ang nandito ngayon.

"Tinanong mo pa eh kakasabi nga lang niya." binatukan ko si Kailer para tumigil. Sobra kasi kung makangiti siya. Halatang-halata na kinikilig. Matagal na niyang gusto si Cyrish pero ang loko, hindi makapagtapat sa kaibigan namin. Naturingang summa cum laude pero napaka torpe pagdating sa babae. Siya kasi 'yung tipo na makulit pero may pagkamisteryoso. Tahimik lang siya most of the time pero sa aming lima siya ang pinakamakulit.

"Eh hindi lang talaga ako makapaniwala!" pinanggigilan na naman niya ang braso ko. Pinipisil-pisil niya ako ngayon. Sino ba namang maniniwala na pinayagan si Cyrish ng parents niya na sumama samin sa isang resort for 2 weeks? Napakaprotective kasi ng parents niya lalo na't only child pa siya. Tinulungan ko lang talaga siya kina Tito at Tita. Yup! Magpinsan kami ni Cyrish pero at the same time, kaibigan ko rin siya.

Siniko ko siya. "Tigilan mo na nga ako. Sige ka at baka bigyan 'to ng malisya ni Cyrish." biro ko at natawa siya. Oo na alam ko naman na wala akong panama sa pinsan ko. Siya kasi, mukhang prinsesa pero ako? Mukhang alipin. Malabong pagselosan ng kahit na sino. Yes masyadong malupit ang description ko sa sarili ko but it's true. Napakasimple ko lang manamit kumpara kay Cyrish at mas malapit pa ako sa boys dahil sa wala akong arte sa katawan. How I wish na 'yung puso ko hindi rin pangbabae diba? Nang sa ganuon ay tumigil na ang pagtibok nito para kay-

"Magiging masaya talaga ang bakasyon na 'to! Sisiguraduhin ko na makakapagtapat na ako this time sa kanya." Inakbayan ako ni Kailer kaya ako natigil sa pagiisip. Nagulat din ako sa sinabi niya. Inaasahan ko naman na magtatapat na siya kay Cyrish pero bakit ganito? Parang bumigat kasi bigla ang pakiramdam ko.

"G-good for you." sabi ko at pinisil naman niya ang pisngi ko.

***

Chubby ako swear at hindi naging sexy kahit na kailan. Si Dianne at Cyrish ang magkasundo pagdating sa pagda-diet at pagpapaganda pero ako, hindi. Ayokong magdiet at magpaganda kasi okay na ako sa itsura ko. Isa pa, si Kailer sabi niya mas bagay sa akin ang itsura ko ngayon. Mas kita kasi ang cheekbones ko.

"Una na muna ako ah? Sabihan ko na rin 'yung dalawa para bukas makaalis na tayo. Susunduin namin kayo bukas ng umaga." sabi ni Kailer sa amin ni Cyrish bago siya sumakay ng kotse niya. Mayaman nga pala sina Kailer at kaming apat? Nasa average lang ganun.

Pumasok na kami ni Cyrish nang makaalis si Kailer. Dito na ako matutulog para mabilis kami bukas at pumayag naman sina Tito at Tita. Sa kwarto ako ni Cyrish tutuloy. Syempre since birth naman ay magkakilala na kami ng pinsan ko kaya ok lang at tiwala sila.

Kami pala ni Felix at Dianne naging magkakaibigan lang nung college pero kami ni Kailer, 10 years na. Ganuon niya na rin katagal gusto si Cyrish. Na-love at first sight daw siya eh. Kaya ayan tuloy at hanggang tingin pa rin siya hanggang ngayon.

"Saglit lang Mikka ah." sabi sa akin ni Cyrish. Mikka pala ang tawag nilang lima sa akin. Short for Mikkaella Louise Villaroel. Ang haba kasi ng pangalan ko kaya binigyan nila ako ng palayaw.

Nauna na siya sa taas at naupo muna ako sa sala kasama ng mga gamit ko. May kukunin sana ako sa bag ko nang tumunog ang cellphone ni Cyrish sa may lamesita. Napatingin ako roon at hindi ko inasahan na lilitaw 'yung kaunting laman ng message kahit hindi pinipindot.

Yes, I miss you too babe...read more

Galing sa isang lalaki 'yung message at akala ko roon na matatapos pero another text came. This time galing na naman ito sa ibang lalaki. Joseph 'yung kanina tapos ngayon Xander.

Sexy, wanna have some fun? :)... read more

Anong ibig sabihin ng mga text na nakita ko? All this time I thought may gusto rin siya kay Kailer dahil nagpapakita siya ng motibo. She's always been the sweet girl we all know. 'Yung babaeng hindi makabasag pinggan. Then what now? Malalaman ko na napakarami niyang lalaki? Pati ba ang kaibigan naming si Kailer balak niyang lokohin at paglaruan?

***

Sana mali ako ng hinala tungkol sa tunay na kulay ng pinsan ko dahil kapag nalaman ko ang totoo, hindi ko hahayaan na saktan niya si Kailer.

"Ayos na ba lahat ng gamit niyo?" tanong ni Felix sa amin ni Cyrish. Van nga pala ang sasakyan namin at may driver na rin kaya makakapagrelax kaming lima sa loob ng sasakyan. Sa harap nakaupo si Felix kaya kinalabit ko siya.

"Sus, gusto ko dyan eh." tumawa naman 'to sa 'kin.

"Mas gusto kita." sabi niya sabay tawa ng mas malakas.

"Tigilan mo nga ako sa kalandian mo dude." sabi ko sabay batok sa kanya. Siya nga pala ang total opposite ni Kailer. Napakaingay niya at sobrang maloko. Lahat ng maisip sinasabi. Wala atang filter ang utak niya eh. Pero kahit naman ganyan siya ay mabait naman siya sa 'kin kaya okay lang. Sadyang trip niya lang ako lagi. Dude pala ang tawag ko sa kanya. Trip ko lang naman.

"Tabi tayo rito?" sabi ni Felix. "Kumandong ka na lang?"

"Thanks but it's fine." sabi ko at naupo ako sa likod, doon sa dulo na katabi ng bintana. Nasa may harapan ko si Dianne at naupo naman sa tabi niya si Cyrish. Nagusap kaagad sila. May space pa sa tabi ni Cyrish so I was expecting na doon uupo si Kailer kasi chance na niya 'yun.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko...

"Yow." si Kailer. Imbes na sa tabi ni Cyrish ay naupo siya sa tabi ko.

"Dapat dun ka naupo." bulong ko sa kanya at bumelat siya.

"Ayoko nga. Wala kang katabi eh." pagkasabi niya 'non ay ngumiti siya. Oo at ngumiti siya...

Medyo nawala ako sa sarili tapos parang bumagal ang kilos nila. 'Yung parang nagkaroon ng slow motion sa paligid ko?

"Ang init naman dito!" reklamo ko sabay paypay gamit ang kamay ko.

"Namumula ka, okay ka lang ba?" tanong ni Kailer pero hindi na ako nagsalita.

***

"Will you marry me?" tanong ni Kailer habang nakaluhod. Pero hindi siya sa akin nakatingin dahil malayo ako sa kanya. May babae siyang kaharap at namumukhaan ko ito.

"C-cyrish?"

"Yes!" sagot nito sa tanong sa kanya. Niyakap nila ang isa't isa at tumingin sa direksyon ko si Kailer. Ngumiti siya. 'Yung ngiting nagsasabi na sa wakas, magpapakasal na sila ng babaeng mahal niya.

Nagtaka ako dahil nakikita ko ang sarili ko. Umiiyak akong naglakad palayo.

***

Nang dumilat ako, nasa byahe parin kami at tulog silang lahat pero pwera sa driver syempre. Hindi ako nakakilos dahil nakasandal ang ulo ni Kailer sa akin at mahimbing itong natutulog.

Panaginip lang pala 'yon. Pero bakit parang totoo? Parang nangyari na? Nararamdaman ko 'yung pakiramdam ng sarili ko sa panaginip ko. Hay nako. Ilang beses na akong nananaginip na nanduon si Kailer at Cyrish.

"Hello babe, pasensya na ah? Wala kasi ako ngayon sa Manila. Let's date next time okay? I love you..." boses 'yun ni Cyrish. May boyfriend na ba siya? Sa pagkakaalam ko wala naman kaya nga hinahayaan niya na magkagusto sa kanya si Kailer. Alam niya na may gusto ito sa kanya dahil sinabi ko. Dahil nagpapatulong si Kailer sa akin. Sinabi naman niya sa akin na hindi niya ito babastedin kasi may pag-asa naman daw.

"Hi Xander, sorry ah.. yes I miss you too." Another guy? Mukhang mali kami ng pagkakakilala kay Cyrish. She has another side that I finally discovered. Tama nga ako noon palang sa tingin ko sa pinsan ko.

Hindi ko hahayaan na pati ang kaibigan namin masaktan niya.

Dahil matagal ko nang mahal si Kailer...

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon