Chapter 7 || Larawan Ng Nakalipas
Mikkaella's POV
Madaling araw na akong umalis sa kwarto ni Kailer. Hindi ako natulog gaya ng sabi ko sa kanya dahil sa takot ko na managinip na naman.
Pagbalik ko sa kwarto ko ay naligo agad ako. Tinagalan ko talaga para mas makapagisip ako tungkol sa nangyayari sa akin nitong nakalipas na ilang araw.
Bakit ganun ang mga panaginip ko? Palagi akong nasasaktan. Palaging may Cyrish at Kailer. Kagabi, nagising ako at nabigla nang maramdaman kong may humahalik sa akin. Si Kailer iyon na hindi ko inasahan. Lalayo sana siya pero pinigilan ko. Buong puso ko siyang hinalikan dahil tumutugon din siya sa akin. Sa pamamagitan ng paghalik ko sa kanya ay nabawasan ang takot na bumalot sa buong sistema ko dahil sa panaginip ko. Nung maghiwalay kami ay umiiyak na ako. Late ko nang nailabas ang sakit at lungkot na nasa loob ko.
Sa panaginip ko kasi... ikinasal na si Kailer at Cyrish... Hindi lang doon nagtapos dahil nakita ko na nasaktan ni Cyrish si Kailer. Umiiyak si Kailer... pero hindi ko siya malapitan.... Wala ako sa eksena hindi gaya noon. Nasaan ako? Ewan ko rin... pero ang panaginip kong 'to ang pinakamasakit sa lahat ng napanaginipan ko kasama silang dalawa.
Paglabas ko ng CR, nakabathrobe pa ako. Nagulat tuloy ako nang makita ko si Felix na nagiintay sa akin. "Woah. Mangmamanyak ka ng ganitong oras?" Kakasikat pa lang ng araw ah. Ang aga naman kasi niya rito. Mukhang bagong ligo rin ito.
"Saan ka natulog kagabi?" tanong niya. Walang halong biro ang tanong niya.
"Sa kwarto ni Kailer." sagot ko kaagad. Wala naman akong dapat ikatakot sa kanya dahil kaibigan ko siya. Tyaka nagstay ako sa kwarto ni Kailer dahil sa sarili kong desisyon. Sinuklay ko ang basa kong buhok at tumabi sa kanya sa kama. Hindi naman ako kinakabahan sa kanya kasi nga dude ko siya 'diba? Kumbaga sabi ko sa kanya noon isipin niyang bakla ako para hindi niya ako pagnasaan eh haha.
"Bakit hindi ka bumalik dito?" tanong pa niya. Tumingin na ako sa kanya. Magbibiro pa sana ako kasi nakita kong seryoso siya. Seryoso? Anong nangyari kay Felix na maloko ha?
"Kasi gusto ko doon muna ako?" patanong na sagot ko. Para kasi siyang nagseselos kung iba ang magiisip. Pero siguro concern lang naman siya sa akin.
"Mikka..." Kinilabutan naman ako sa pagtawag niya sa akin lalo na 'yung tingin niya. "Hindi mo ba naisip na baka seryoso ako sa palagi kong biro? Na mahal kita?" Napalunok ako sa sinabi niya. Bakit niya sinasabi 'to ngayon?
"Magbibiro ka na naman ba?" nagtaas ako ng kilay. "Kasi handa na akong sapakin ka." Tumawa ako ng mahina habang pinapakita ang kamao ko.
"Hindi kasi ako nagbibiro Mikka eh. Minsan kasi seryosohin mo naman ako." Ang diin ng pagkakasabi ni Felix nun bago niya ako iniwan. Tulala tuloy ako.
Anong nangyari ngayun-ngayon lang? Nagtapat ba si Felix sa akin na mahal niya talaga ko? Nagalit ko ba siya? Hayy! Ewan ko ba! Dumadagdag pa siya sa isipin ko.
Para siyang panaginip ko na magulo!
Kumuha ako ng damit sa lalagyan ko at nang kunin ko 'yung shirt ko, may nalaglag na notebook. Natandaan ko na ito pala 'yung binigay ng lola ko sa akin bago ako nagpunta rito para magbakasyon. Akala raw niya sa akin dahil parang ako raw 'yung sumulat. Kilala kasi ni lola ang kakaibang penmanship ko na walang ibang makagaya. Kinuha ko na lang para matingnan ko. Ang sabi ni Lola, galing ito sa library namin sa lumang bahay. Naghahanap daw siya ng lumang libro ng makita niya 'to.
Ito nga pala ang Lola ko sa side ni Mama na higit na kasundo ko sa magulang ko. Sa probinsya siya nakatira. Doon sa lumang bahay namin. Wala na si Lolo na asawa niya at ang balita ko may inampon siya para hindi siya malungkot magisa doon. Ayaw naman kasi niya rito sa Maynila dahil daw masyadong magulo.
Naupo muna ako imbes na magbihis na. Tiningnan ko 'yung notebook. Luma na talaga ito at may mga sira pa. 'Yung tipong parang mapipilas na ang mga bahagi. Nakita ko na malinaw na nakasulat ang pangalang "Cristina" sa bandang baba ng cover at 'yung penmanship parang akin nga. Wala naman akong natatandaan na nagsulat ako rito sa notebook na 'to ah. Ngayon ko lang ito nakita. Binuklat ko na nga iyon at nabigla ako sa larawang nakita ko.
Ako, si Kailer at si Cyrish.
Parang makaluma na ang ayos namin sa larawan. At doon ko narealize na sa panaginip ko pala... Luma na ang mga suot at ayos namin! 'Yung parang pangsinauna na. Kinilabutan ako lalo. B-Bakit may picture kami sa lumang notebook na 'to? Parang kami talaga 'yung nasa picture pero never kaming nagpapicture na ganito kaluma ang suot at ayos! And to be precise, luma na rin mismo 'yung picture. Black and white!
Nabasa ko ang caption sa ilalim ng picture.
"Kung sana nagawa ko lang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya, kami sana ang nagkatuluyan ni Fernando, hindi sana sila ni Rosa..."Sino si Fernando? Sino si Rosa? Sino si Cristina?!
Pero kamukha ni Kailer at Cyrish ang sinasabi niyang Fernando at Rosa! Gusto kong magmura sa sobrang frustration na nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan talaga ako. Ang dami kong tanong sa isip ko ngayon.
"Goodmorning!" Medyo nataranta ako sa pagdating ni Cyrish. Tinakpan ko ng damit ko 'yung notebook. Mamaya ko na lang siguro titingnan ulit. "Ano 'yan?" Medyo sinilip pa niya niya kung anong ginagawa ko.
"W-Wala. Labas ka muna. Magbibihis lang ako." Hindi ko yata na-lock ang pintuan kaya nakapasok siya ng walang paalam.
"Ay okay sige! Kita na lang tayo sa lobby. Pupunta raw tayo sa sikat na cave dito eh. Bilisan mo ah." sabi niya bago ako iwan. Tinago ko sa gamit ko 'yung notebook bago nagbihis.
Dahil kay Cyrish, naalala ko tuloy ang halik na pinagsaluhan namin ni Kailer. First kiss ko 'yun... hindi ko alam sa part ni Kailer... Ang maramdaman na gusto niya akong halikan ang nagpasaya sa akin. Bakit? Kasi sa paraang iyon ay nabigyan ako ng pag-asa na pwedeng magkaroon ng KAMI. Sana hindi lang hanggang dun ang mamagitan sa amin... sana maisip niya na mahulog din sa akin.
Alam kong pinsan ko si Cyrish pero kung... kung sasaktan lang din niya ang lalaking mahal ko, kakalimutan ko nang kadugo ko siya. Ipaglalaban ko si Kailer...
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...