Chapter 69

4.5K 74 22
                                    

Chapter 69 || Feelings

Mikkaella's POV

Sa totoo lang ay hinanap ko si Kailer nang hindi siya dumating sa boutique. Dumaan lang talaga ako para sabihan siya na aalis kami ng pamilya ko pero wala siya. Nagtext ako at hindi siya agad nagreply. Tapos magkikita rin pala kami sa Sky Ranch? Wow. Tadhana anong nangyayari?

Tama si Kailer... Ang pangiinis niya sa akin ang naging dahilan kung bakit naiisip ko siya madalas. Sa tuwing pumapasok ako sa boutique ay inaasahan ko na siya lagi. 'Yung pangit niyang boses at sayaw... Nung una hindi ko kinakain ang mga pagkaing dala niya pero kalaunan ay hindi ko rin natiis dahil alam niya ang paborito ko. I'm being unfair with Tyron kaya naman pinilit ko pa ring magsungit kay Kailer kahit na pakiramdam ko ay lumalambot na muli ang puso ko.

But guess we were defeated lalo na at kami ni Kailer ang magkasama ngayon sa Sky Eye. I didn't expect our cousins to set us up but that's what they did though. Balak pa naman naming magcover ng kanta ni Tyron pero hindi na namin magagawa. I said he should trust me about taking care of myself.

"I can't live without him..." Iyon kasi ang tingin ko kaya hindi ko maiwan si Tyron. But I have another thought... Hindi ko nga ba kayang mabuhay ng wala siya o ayaw ko lang siyang mag-isa?

Alam ko sa sinabi ko ay nasaktan si Kailer dahil hindi na siya muling nagsalita. Ramdam ko na mahal niya ako kahit hindi niya ulit-ulitin ang pagsasabi nun... But then somehow I still doubt him because I doubt myself too.

Nang makarating kami sa Moon Garden ay dumiretso kami sa kinuha naming kwarto. Tatlo iyon. Isa kay Mama at Papa, Isa para kay Joshua, Xian at Tyron at isa para sa amin ni Xandreen. Naghiwalay na rin ang pamilya ko at ng mga Ramirez.

Magkikita na lang kaming lahat mamayang dinner dahil gusto muna naming magpahinga.

Agad akong humiga sa kama pag pasok pa lang sa kwarto. "Ate... kamusta kayo ni Kuya Kailer?" Tiningnan ko siya na tumabi na rin sa akin sa kama.

"We're not even friends Xanxan." Ito ang tawag namin ni Kailer kay Xandreen pero mas madalas niya itong tawag kaysa sa akin. I still prefer her first name. Trip ko lang gayahin si Kailer hehe.

"Why not? Kasi may feelings ka pa Ate?"

"H-Hindi a!"

"Then you hate him?"

"Yes I hate him!" I rolled my eyes at humiga ng diretso, facing the ceiling.

"You hate him because you still have feelings for him?"

"NO WAY!" protesta ko na medyo nagpagalaw sa kama.

"There is always a way Ate." Wala talaga akong kawala pagdating sa pinsan kong 'to.

"Fine. I have feelings for him but it's kinda blurry aryt?"

"Blurry? You mean you're not sure about that feelings? Whether it's real? Or whether it's love or infatuation?"

"I dont know if it's real or if it's love or just infatuation. Kasi may feelings din ako para kay Tyron okay?" I snapped.

"Ok chill ate." And she giggled. She's so adorable whenever I hear her laugh. It's music to my ears. I moved closer to her and fell asleep while hugging her.

It's like I'm hugging my own angel...

***

Kumain kami ng hapunan kasama ang mga Ramirez. Wala naman akong nagawa sa gusto ng parents ko. I guess they still like Kailer kahit na sinasabi nilang okay si Tyron sa kanila. But in the end I know it's up to me. Pumayag na rin naman ako para makasama ko si Darlene at Dashiell. This two kids are so possessive with each other and they're so cute!

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at itong si Xandreen tahimik lang sa tabi ko. Maingay kasi sa lamesa dahil sa pagkukwentuhan ng mga kasama namin. Dashiell is quiet too at nakatitig lang sa harapan niya. Then there I realized why Xandreen seems to be so uncomfortable.

Nakatitig kasi si Dashiell sa kanya habang kumakain siya!

That's not part of Dashiell's personality. Kakain lang 'yan ng kakain lalo na at hapunan pero he'll never stare at anyone! Si Darlene tuloy masama na ang tingin sa kapatid niya. Sinisiko pa niya. Ewan ko ba pero blanko naman ang ekspresyon ni Dashiell habang nakatitig sa pinsan ko.

"May nangyari ba sa Sky Eye kanina?" bulong ko kay Xandreen kasi tumigil na siya sa pagkain ngayon. Namumutla na siya. Imbes na mamula siya ay namumutla siya. I guess that's her way of showing she's shy.

Umiling siya. "Palagi siyang nakatitig ate." sabi ni Xandreen na pabulong din. I just smiled then looked at Dashiell.

"May candy ako, gusto mo?" tanong ko kay Dashiell at agad siyang tumingin sa akin. Inabot ko sa kanya ang candy mula sa bulsa ng hoody ko at nagfocus na siya dun.

I laughed at the realization, siguro crush ni Dashiell si Xandreen! Haha I know it may sound ridiculous because he's in love already... in love with sweets!

Mukhang kaya nga niyang ipagpalit lahat para lang makakain ng matamis e!

***

Pabalik na kami ngayon sa mga kwarto namin pero pinauna ko na si Xandreen. Sinundan ko kasi si Tyron na magpapahangin lang daw. Tahimik akong sumunod para sana isurpresa siya sa presence ko pero laking gulat ko nang may babaeng tumakbo palapit sa kanya at inakap siya ng mahigpit.

Naalala ko tuloy na noon ay susurpresahin ko sana si Kailer pero ako ang nasurpresa nang marinig ko ang pag 'I love you' niya kay Cyrish...

Hindi ako ganun kalayo kaya nakita rin ako nung babaeng na parang pamilyar. Saan ko ba siya nakita? "Hi!" sabi nito sa akin at natulala ako.

She's Celestine Kim. Tyron's Ex.

Anong ginagawa niya rito?

She's wearing a white robe na para bang kaliligo lang dahil basa rin ang buhok nito. She looks so hot and seductive.

"Your friend?" tanong nito kay Tyron na ngayon ay gulat akong tiningnan. May kirot akong naramdaman sa loob ko. "I'm Celestine Kim. And you're?"

"Mikkaella Louise Villaroel." pakilala ko at nang maglahad siya ng kamay ay kinuha ko ito para makipagkamay. Hindi naman ako bastos para tanggihan ito. "You're his?" dagdag kong tanong.

"Future wife." Nanlaki ang mga mata ko. Wife? Future?

"Ces!" galit na tawag ni Tyron sa pansin nito.

"Joke. Friends lang din kami gaya niyo." paglilinaw ni Celestine.

"Uhmm sige una na ako Tyron." sabi ko at tumalikod na. Ayoko nang magtagal kasi masakit. Hindi ko rin alam bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nagmadali akong maglakad pabalik sa kwarto namin ni Xandreen nang may kamay na humigit sa braso ko. Pagtingin ko ay si Tyron iyon at nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya. "I-I'm fine. Matutulog na ako." sabi ko pero iniharap niya ako sa kanya. He cupped my face with his hands at naging magkalapit ang mukha namin.

"I don't want you to misunderstand what happened Mikka. Hindi ko alam na nandito siya. It was purely coincidence." Pumikit siya ng mariin bago akong muling tiningnan. Para akong matutunaw sa tingin niya.

"If you badly want to own me, you can do that. You can have me so please answer me now. Ilang ulit ko na itong tinanong noon but you never gave an answer... now I'll ask you again. Will you be my girlfriend?"

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon