Chapter 10 || Paglilinaw
Kailer's POV
Dalawang araw na lang pala bago matapos ang dalawang linggo namin dito sa resort. Ang bilis ng araw at parang hindi ko namalayan na patapos na pala ang bakasyon namin.
Sa huling araw ko balak tanungin si Cyrish at sana maging maswerte ang araw na 'yon. Sana maging maswerte ako at sagutin niya na ako. Sana talaga!
Nandito kaming lima sa rooftop ngayon. Dinala ko sila kung saan ako madalas nagpupunta kapag nandito kami ng pamilya ko. Dito kasi sa rooftop, mahangin at tahimik. Hindi pa mainit ngayon kaya mas maganda rito. Ang ganda pa ng view sa ibaba mula rito sa taas. Mahahalagang tao lang ang hinahayaan kong pumunta rito dahil sabi ko noon pa man na property ko 'tong taas.
Naglatag lang kami sa sahig para maupuan at mahigaan namin. Katabi ko si Felix ngayon at 'yung tatlo busy sa paguusap. "Ayos lang ba kayo ni Mikka?" tanong ko dahil napansin ko na parang iniiwasan siya nito. Sinigurado ko naman na kami lang ni Felix ang makakarinig ng paguusap namin.
"Naiilang ata dahil sa sinabi ko sa kanya." sagot niya at bakas sa mukha niya na malungkot siya.
"Sinabi mo na?" Naiintindihan na nya ang tinutukoy ko kahit hindi ko pa sabihin. Tinatanong ko siya kung sinabi na niya kay Mikka ang nararamdaman niya.
"Oo pero wala pa siyang matinong sagot o reaksyon man lang." sagot niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakaawa tuloy. Dapat siguro tulungan ko siya kay Mikka. Lalo na't may atraso pa ako dahil hinalikan ko ang babaeng mahal niya.
"Kakausapin ko nga siya." sabi ko naman.
"Talaga?"
"Oo. Baka malaman ko rin kung anong iniisip niya. Sasabihin ko sa 'yo para magawan mo ng paraan." sabi ko at nakipagapir ako sa kanya.
***
"Dito ka muna." sabi ko kay Mikka. Nauna na sina Felix. Siya na ang bahala kay Cyrish at Dianne dahil balak nilang mangisda.
"Bakit? Ayaw mo bang mangisda?" tanong niya sa akin. Nakaupo parin kami ngayon.
"Mamaya na. Magusap muna tayo." sabi ko at kinagat niya ang labi niya. Palagi niya naman itong ginagawa dati pero bakit ngayon kakaiba sa pakiramdam ko ang makita siyang ginagawa 'yun?
Bigla kasing pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin nung isang gabi. Dapat siguro ay maging maayos muna ang bagay na 'yon para mabalik ko ang dating kong tingin kay Mikka.
"'Yung... nangyari sa atin nung isang gabi. Kalimutan mo na 'yun. Hindi ko sinasadya. Lasing lang kasi ako." sabi ko at nakita ko na nagbago 'yung aura niya. Parang may masama akong sinabi. Siguro dahil pinaalala ko pa ulit sa kanya ang tungkol doon. Gusto na rin siguro niya 'yon kalimutan gaya ko.
"Okay na 'yun. Wala 'yon." sabi niya. Ngumiti siya pero halata na hindi totoong ngiti 'yon. Hindi kasi lumitaw 'yung cheekbones niya. Basehan ko kasi 'yun para malaman kung talaga bang masaya siya o pilit lang.
"Sigurado ka ba? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko pa. Mukhang hindi naman kasi okay sa kanya at nagkukunwari lang siya.
"Wala 'to." seryosong sabi niya.
"Kamusta nga pala kayo ni Felix?" Iniba ko na lang ang usapan dahil pakiramdam ko hindi ayos na pagusapan pa namin ang tapos na. Isa pa, kaya ko naman siya kakausapin dahil kay Felix.
"Sinabi na naman niyang mahal niya ako. Ayoko ngang maniwala sa kanya. Ang lakas ng trip nun lagi eh." Tama nga ako ng hinala. Hindi pa rin naniniwala si Mikka sa sinabi ni Felix. Dapat kasi mas iparamdam niya na nagiisa lang para sa kanya si Mikka eh. Puro kasi siya pambababae. Sabi niya sa akin, he can't resist girls. Tss. Nasuntok ko siya noon dahil sa ugali niya at sinusubukan naman daw niyang ayusin 'yon. Sinabi ko rin sa kanya na para magustuhan siya ni Mikka, dapat ayusin niya ang sarili niya. Dapat hindi na siya mambabae. Ako kasi bilang lalaki, gusto ko rin na ako lang ang mahal ng taong mahal ko. Sino ba namang gugustuhing may kahati hindi ba?
"Paano kung seryoso pala siya sa 'yo?" Tiningnan niya ako na para bang nagbibiro ako. "Uy seryoso." sabi ko naman.
"May mahal na akong iba." Bago 'yung sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman. Sa tagal na naming magkaibigan, wala siyang nakwento kahit minsan na lalaki. Kahit nga yata hinahangaan wala siyang nasabi sa akin nung nagtatanong ako sa kanya noon. Tatahimik lang 'yan kapag tinatanong namin ni Cyrish tungkol sa 'crush' at 'love'.
Natatandaan ko pa noon na sa tuwing nagpapasagot sa slam book ang mga kaklase ko, nilalagay niya ang salitang Mr. Ker sa part kung saan 'Who is your crush?' ang tanong. Kinulit siya ng buong klase at ilang schoolmates tungkol dun at sa bandang huli sabi niya imbento lang niya 'yon para may maisulat siya.
"Sino naman ang maswerteng lalaki na 'yan?" tanong ko.
"Secret." Mas gusto ko tuloy malaman kasi syempre kaibigan ko siya.
"Para namang hindi tayo magkaibigan." sabi ko at nagkunwari akong nalungkot. "Siguro babae 'yan no! Tomboy mo talaga!" biro ko at binatukan niya ako. "Sino nga kasi?" pangungulit ko.
"Ayoko ngang sabihin! Teka nga ako naman may tanong." sabi niya kaya pinalampas ko na lang. Kapag ayaw niya kasing sabihin, hindi niya talaga sasabihin kahit anong mangyari.
"Mahal mo ba talaga ang pinsan ko?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" Parang mas kilala pa nga ako ni Mikka kaysa sa sarili ko eh. Lahat kasi ng bagay nakukwento ko sa kanya at 'yun ang gusto ko sa kanya bilang kaibigan ko. Naiintindihan niya talaga ako.
"Edi sige eto. Ano bang nagustuhan mo kay Cyrish?" tanong pa niya ulit.
"Lahat sa kanya." mabilis na sagot ko sabay ngiti. Mahal ko si Cyrish kaya tanggap ko siya ng buong-buo.
"Paano kung may kagaya pa niya sa mundo? Sinong pipiliin mo?" Kung anu-ano naiisip na tanong ni Mikka kaya natawa ako.
"Bakit pa ako maghahanap ng iba eh nandyan na si Cyrish." sabi ko dahil totoo naman. Wala ng dahilan para piliin ko pa 'yung ibang tintukoy niya dahil nandiyan naman si Cyrish simula pa lang.
"Mahal ka ba niya? Tingin mo mahal ka niya? Tingin mo ba hindi ka nya sasaktan at sasaya ka kasama siya?" mariin ang mga binitiwan niyang tanong. Syempre nagulat ako kasi parang may pinanghuhugutan 'yung tanong niya sa akin. Nagtaka tuloy ako kung bakit niya tinatanong ngayon 'yun at kung may ibang kahulugan iyon.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...