Chapter 44

5.9K 125 11
                                    

Chapter 44 || I Miss Her

Kailer's POV

Have you ever missed someone so much that you feel physically sick?

I hate missing someone and not being able to do anything about it.

Sinabi kong bibigyan ko ng panahon si Mikka pero hindi ko gusto ang ganito. Bakit hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon? Tatlong taon na ang nakalipas pero hindi ito umuuwi sa kanila. Lagi akong pumupunta pero walang Mikka na humaharap imbes ay suntok galing kay Joshua ang sumasalubong sa akin. Matagal bago ko nalaman na hindi naman ito napapadpad sa kanilang bahay.

Ayaw sabihin sa akin nila Tito, Tita at Joshua kung nasaan ito. Ipinagkakait nila si Mikka. I feel like I'm insane! Sa tuwing mababanggit ang pangalan niya o kahit katunog lang ay napapalingon agad ako. Sa tuwing nakakakita ako ng kahawig niya o kahit 'yung likod lang, hinahabol ko agad! All our memories make it hard for me not to see her. Damn! I'm really crazy but God knows how much I miss her... I don't know why I'm acting this way now!

"Okay na ba 'yung mga models na 'yan?" tanong sa akin ni Dianne. Umiling ako dahil may nakita akong babae na hindi nakameet sa requirements. Tinuro ko ang profile nito at alam na ni Dianne ang dapat gawin kaya lumabas na siya at iniwan akong mag-isa.

I keep myself busy with things to do but everyime I pause, I still think of her.

Napasandal ako sa swivel chair at pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko. Pumasok naman si Cyrish. We're cool lalo na at magkatrabaho kami rito sa modeling agency na tinayo namin. We fixed our misunderstanding at sa ngayon ay purely business na lang ang mayroon kami. She's still in to flings and boys pero wala na akong pake. To be honest ay parang bulang naglaho ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala lang talaga akong maramdaman. Parang namanhid na ako. To think I thought I'll die without her before, nagkamali pala ako.

Sabi nga ng ate ko, baka raw nauntog ako o ano dahil bigla raw akong natauhan. Ayaw din niya kay Cyrish para sa akin lalo na ang parents ko.

I also found out about the lie behind her evidence... She made me hear their real conversation and I almost hit her. Kung hindi siya babae ay baka ano ang nagawa ko sa kanya. I loathed her so much to the point I don't care about her. I gave her forgiveness but I can't forget what she did. It left a really big scar.

"I heard something interesting." nakangiting bungad niya sa akin. Seryoso akong nagintay sa sasabihin niya. "It's Louise Crown Boutique. Ang gaganda ng mga designs dun. Why don't you check it out?"

"What's interesting about it?"

"Alamin mo." makahulugang tingin ang binigay niya bago umalis.

Louise Crown Boutique?

I got curious kaya agad kong nilabas ang tab ko to search for that place. Something urged me to do so.

Nabigla ako sa lumabas sa net. It's a new boutique at ang may-ari... Kumunot ang noo ko.

"Mikkaella Louise Villaroel." I sighed. From what I've researched, Mikka came back from France and started her business here in the Philippines. Kaya pala nawala siya rito kahit saan ko siya hanapin. She's out of the country! I'm so stupid not to think about it kahit na halos nasuyod na yata ng mga inutusan kong maghanap ang buong Pilipinas.

I searched for her FB account. Noon ay deactivated na ito pero nagulat ako dahil buhay na ulit ang account niya. I immediately looked at her timeline kahit na kabado ako. I saw images of her and some designs. She looked stylish maybe because she studied in France about Fashion. Ibang-iba na siya sa Mikka noon.

I clicked her profile picture and was shocked to see her with three guys. Magkakaakbay sila at mukhang candid shot iyon. Kuha iyon sa France na halata sa background. Who are those men na mukhang koreano at bakit parang ayaw ko sila sa picture kasama si Mikka? I want to kill them now. Nakatag ang mga lalaking 'yon sa picture.

Tyron Han, Philip Josh Lee, Fred Vincent Lee

Tiningnan ko ang mga profile nila pero natigilan dahil napansin kong para akong STALKER. Sh*t! I'm not jealous! Natigilan lang ako nang mapatingin ako sa account nung Tyron Han. Parang pamilyar siya sa akin.

Siya 'yung sa club at sa ospital!

And that assh*le! Buong mukha ni Mikka ang profile picture niya! Ugh! BAKIT PARANG NAGSESELOS AKO?

After years of hide and seek, hindi ko na siya balak pang pakawalan. She's mine... Only mine.

***

Para sa naging successful na event ng mga models namin, dinala namin sila rito sa bar para magsaya. Malakas ang tugtog at medyo madilim. Humanap ako ng bakanteng table na pwedeng upuan at nagpadala ng liquor.

Tumabi sa akin ang ibang lalaking modelo namin at nakipaginuman. Tahimik lang ako at malalim na nagisip. May isang babae na tumabi pero hindi ko siya pinansin. Pilit niyang hinawakan ang kamay ko pero tiningnan ko lang siya ng masama kaya agad siyang lumayo.

Ever since Mikka left, wala nang ibang babae ang naging malapit sa akin bukod sa Ate at Mama ko. Issues about me being gay came out and I don't care kahit hindi naman totoo.

Naisip ko lang ngayon... kung nandito na si Mikka, bakit hindi niya ako pinuntahan? Galit pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon? Is she avoiding me? Matagal na?

Sana hindi. Ayokong kamuhian niya ako. It hurts like hell.

"Sino siya? Wow."

"Awesome pre."

"Pormahan ko?"

"Uy sir o, galing nung babae. Ganun ba tipo mo?" Napatingin na ako sa dancefloor dahil sa pangungulit nila kahit na wala akong interes. Mapagbigyan lang sila talaga.

I saw a girl at the center of the crowd. She's dancing so great like no one's watching, like she's f*ckin free. Nagsalubong ang kilay ko because I realized who she is. I clenched my jaw while watching her. She's dancing skillfully, with deft and intricate movements. She still has the same figure. No. Much sexier. Hotter. But I stared at her face. That cheekbones.... that captivating eyes. That addictive lips.

Hindi ako nagkamali dahil siya nga ito. Anong ginagawa niya? Bakit ganun siya makasayaw sa harap ng maraming tao? Nagkakamai ba ako o siya talaga ang nakikita ko?

"Mikka?" I mumbled in despair.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon