Chapter 17

5.1K 121 12
                                    

WARNING: Medyo SPG. Hihi. ^^\/

Chapter 17 || One Night Stand

Mikkaella's POV

Hindi ko alam na susundan ako ni Kailer at gagawin niya 'yon kay Felix para sa akin. Si Felix kasi sumobra na. Akala ko tatanggapin niya ng maluwag na may iba akong mahal pero hindi eh. Masama pala ang ugali niya. To think na all these years akala ko mabait siya... pareho lang pala sila ni Cyrish.

Narinig ko ang paguusap ni Kailer at Cyrish sa cellphone. Siguro iisipin ng iba na ang sama ko dahil nakaramdam ako ng tuwa nang piliin ako ni Kailer kaysa kay Cyrish. Kasama ko siya ngayon... Parang good thing pa tuloy ang ginawa ni Felix sa akin...

Buong byahe ay tahimik lang ako. Wala akong gustong sabihin eh. Mas natahimik ako nang maramdaman ko ang init ng kamay niya sa kamay ko. Mabilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata.

Nang makarating kami sa bahay, pinapasok ko muna siya sa loob. Pumayag siya dahil gusto raw niyang magkwento ako tungkol sa nangyari. Nakita naman siya ni Papa at Mama.

"Si Joshua?" tanong ko. Lagi ko namang tanong 'yan pag umuuwi ako. Ewan siguro ganito lang talaga. Worried ako lagi kasi after all kapatid ko pa rin siya.

"Sa barkada na naman niya matutulog. Anyway, iho kamusta party? Medyo napaaga ata kayo ah." sabi ni Mama. Humarap ako kay Kailer para sana senyasan siya na wag nang ikwento ang tungkol kay Felix pero naunahan na niya ako.

"Okay naman po. Nagenjoy kami. Gusto na kasing umuwi ni Mikka kaya hinatid ko na po." magalang na sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi siya nagsalita tungkol sa nangyari.

"Sa kwarto ko muna kami Pa ah. Tulog na kayo. Pauuwiin ko na lang siya pagkatapos naming magusap." sabi ko at hindi na sila kumontra dahil dati pa naman pumupunta si Kailer dito at sa kwarto kami lagi. Tiwala sila sa amin.

"Osige ingat ka na lang paguwi iho ah?" sabi ni Papa at pumasok na sila sa kwarto nila. Sa baba pala sila samantalang kami ni Joshua sa taas.

Kumuha kami ng pagkain sa ref at mabilis na kumain. Hindi kasi kami nakakain sa party. Naaya agad akong magsayaw tapos siya puro usap kay Cyrish.

Nauna na ako sa pagakyat at nakasunod naman si Kailer sa akin. Pagpasok ko ng kwarto, napatingin ako sa plastik na nakapatong sa kama ko. Nakita ko na beer 'yon. Eh? Nagkamali na naman ng kwarto si Joshua. Ilang beses na niya 'tong nagagawa.

"Sa 'yo?" tanong ni Kailer sabay upo sa paanan ng kama ko.

"Kay Joshua. Pero sa akin na lang muna. Sabayan mo ko ah?" sabi ko sabay abot ng isang can sa kanya.

Hindi naman niya tinanggihan at gaya ko ay binuksan na niya 'yon at ininom. Naupo ako sa may sahig ng paindian sit. "Nagpaalam ka ba kay Cyrish na nandito ka?" tanong ko.

"Oo kaso ayun at nagalit." sagot niya at halatang nalungkot siya dahil sa nagalit si Cyrish which is really what I'm expecting. Alam niyang alam ko na ang sikreto niya at ayaw niyang makuha ko si Kailer sa kanya. "Ikaw ba? Anong nangyari sa inyo ni Felix?"

Ikinwento ko na nga lahat. Simula dun sa sayaw hanggang sa makarating kami sa parking lot. Parang nasaniban si Felix eh. Ayaw niya kasi akong bitawan. Pilit niyang sinisiksik sa akin ang sarili niya. Okay pa sana kung sinabi niyang hahayaan niya muna ako at manliligaw siya. Na iintayin niyang magbago ang nararamdaman ko pero hindi eh. Naging marahas siya kaya mas inayawan ko siya.

"Eh adik pala siya eh." sabi ni Kailer at natawa na lang ako. Kinilig din to be honest dahil sa ramdam kong pinahahalagahan niya ako. Inubos ko na ang laman ng can na hawak ko at ramdam ko ang init na dulot nito sa lalamunan ko at katawan.

Hindi ko napansin na sa pagkukwentuhan pala namin, nakarami ng kami ng nainom. Ang dami ng nakakalat na can sa sahig at alam kong lasing na rin si Kailer dahil mapungay na ang mata niya habang nakatingin sa akin. Parang iginuhit na lang tuloy ang mga mata niya dahil sa napipikit na siya.

"K-Kailer..." Hindi ko alam kung bakit bigla niyang hinaplos ng marahan ang mukha ko. Inilapit niya ako lalo kaya amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya. I never crave this much in my entire life... gusto kong angkinin ang mapula niyang labi sa mga oras na 'to. Pero mali alam ko... Baka magalit siya pag ginawa ko 'yun. Idinikit ko ang noo ko sa kanya. "Lasing ka na..." sabi ko. Medyo hilo na ako pero alam kong mas nasa katinuan ako kaysa sa kanya.

Napapikit ako nang hawakan niya ang baywang ko. Walang salita ang lumabas sa bibig niya. Hinila niya ako pataas ng kama ko. Napahiga ako at pumaibabaw siya sa akin. Ang lapit pa rin niya.. sobrang lapit kaya naghuhuromentado na ang puso ko. Nakatingin siya sa akin. Hindi. Sa labi ko siya nakatingin. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na halikan na niya ako pero natulala lang ako sa mukha niya. Sa mukha ng lalaking pinapangarap ko.

Unti-unting dumikit ang labi niya sa pisngi ko. Pinaulanan niya ako ng small kisses hanggang sa hindi ko na kayanin... Hinila ko siya palapit sa labi ko at ako na ang gumawa ng kanina ko pa gusto. Tumugon din siya sa bawat halik ko. Napakalambot ng labi niya. Nakakapanghina. Mas ramdam ko ito ngayon, kaysa nung unang naglapat ang mga labi namin.

Kung kanina'y mabagal lang ang halik namin, ngayon hindi na dahil unti-unti kaming naging mapusok. Nang mawala ang labi niya sa labi ko ay nadisappoint ako. Pero hindi pala dapat dahil bumaba ang labi niya sa may leeg ko. Kung saan-saan na rin dumadapo ang mga kamay niya hanggang sa huminto ito sa may dibdib ko. Napasinghap ako sa sensasyong dinudulot niya. Dalawang layers pa ng tela ang harang pero ramdam ko ang kamay niya.

Ang init na talaga kaya naman pilit kong tinanggal ang jacket ko. My bare shoulders appeared and he kissed them gently. Pilit akong umupo hanggang sa magkaharap na kami. Pinulupot ko ang braso ko sa may leeg niya at hinuli ko ang labi niya. Masyado akong nagfocus sa paghalik sa kanya kaya hindi ko namalayan na nabuksan na niya ang zipper ng dress ko sa likod. Naexpose na tuloy ang likuran ko. Nahinto ako at napatingin sa mga mata ni Kailer. Bakit niya 'to ginagawa sa 'kin? Mahal na rin ba niya ako? "K-Kailer-" Inangkin niya ulit ang labi ko kaya hindi na ako nakapagsalita. Natatakot ako oo pero gusto ko rin ang nangyayari sa amin... gusto ko ang bawat halik niya... Ang bawat paghawak niya sa akin. Ang ideya na baka nahuhulog na rin siya sa akin.

Naramdaman ko ang pagkawala ng suot kong dress nang ihiga niya akong muli. Napatakip ako sa harapan ko dahil makikita niya ang dibdib ko nung lumayo siya. Kaso wala rin akong nagawa dahil pilit niyang inilagay ang mga kamay ko sa may leeg niya at dumampi ang labi niya sa harapan ko. Mabilis niyang natanggal ang huling sagabal and I felt his tongue there... I softly whipered his name dahil nakakabaliw ang ginagawa niya sa akin ngayon. I know we should stop here pero ayaw ng katawan ko.

Wala na. Hindi ko kayang tumigil... Ako na mismo ang nagtanggal ng suot niya hanggang sa boxer na lang ang matira sa kanya. Ang pangibaba ko na lang din ang natira sa akin kaya mas naginit ang pisngi ko.

Si Kailer ang nagtanggal ng natitira naming suot at hinalikan niya ako pababa hanggang marating niya ang sensitibong parte ng katawan ko. Nasabunutan ko siya nung una pero agad ko ring tinigil nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Ito ang mas nagdadala ng kuryente sa buong katawan ko. Tumingin siya sa akin saglit at napakagat ako sa labi ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa ibaba ko. Sobrang sakit sa umpisa habang paulit-ulit ang ginagawa naming indayog. Parang may Musika kaming sinasabayan. Hinalikan niya ulit ako habang nasa dibdib at pang upo ko ang magkabila niyang kamay. This is really happening to us. This is not just a dream. And even before this happened, I already said to myself na kay Kailer ko lang gustong gawin ang bagay na 'to. Wala ng ibang lalaki ang pwedeng umangkin sa akin... Kung hindi rin siya ay wala ng iba.

"K-Kailer..." I said in between his kisses. "Mahal kita..." Mahal na mahal...

"I love you..." nagulat ako sa sinabi niya pero agad tumulo ang luha ko sa sunod kong narinig. "C-Cyrish..."

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon