Chapter 40

5.9K 118 15
                                    

Chapter 40 || Nangyari Na

Kailer's POV

Nawalan ng malay si Mikka at tumawag agad ako ng doktor. Nagkagulo sa loob ng kwarto ni Mikka at pakiramdan ko maputlang-maputla ako ngayon. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko.

Ilang oras din ang lumipas bago lumabas ang doktor na mukhang nanghihinayang.

"I'm sorry Mr. Ramirez but the baby is gone..."

Sumigaw ako ng malakas nang malaman kong wala na ang anak namin. Magkahalong galit sa sarili at sakit ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung saan ko ibubuntong ang nararamdaman ko kaya naman nasuntok ko na lang ang pader dahilan para dumugo ang likod ng kamay ko. Sinipa ko ang kahit anong nakita ko sa harapan ko.

Bumuhos ang luha ko. Sobrang sakit para sa akin at alam kong mas masasaktan siya kapag nalaman niya 'to. Sh*t! Kung nakinig sana ako sa kanya at hindi na ako nagmatigas na kausapin siya ay hindi sana nangyari 'to!

Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya. Nang dumating ang pamilya niya ay sinabi ko sa kanila ang nangyari. Nasuntok ako ni Tito at nasampal naman ni Tita. Sobrang sising-sisi ako pero wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat! Pinilit ako ni Ate na gamutin ang kamay ko pero hindi ko na ginustong gawin 'yon. Kahit ang mga magulang ko ay mukhang disappointed sa akin... I can't blame them.

Namanhid na ako sa sobrang sakit na pakiramdam ko walang pisikal na sugat ang makakapantay sa nararamdaman ko sa loob.

***

Lumabas ako ng ospital para sana magpahangin lang nang makita ko si Cyrish sa isang coffee shop. Nagsalubong ang kilay ko. May kasama siyang lalaki na ngayon ko lang nakita. Ang mas ikinagulat ko ay ang paghawak niya sa kamay nito. She's acting like a flirt at panay pa ang tawa niya. Kinuyom ko ang palad ko habang mabigat ang lakad papunta sa kanya.

Nang makapasok ako sa coffee shop ay hinigit ko ang braso niya at balak sana siyang hilahin palabas pero nagpumiglas siya kaya nabitawan ko siya. "Cyrish!" sigaw ko at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong ako ang humigit sa kanya.

"K-Kailer-" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"What? Sino siya?" Pinutol ko ang sasabihin niya at tiningnan ng masama ang lalaking kasama niya. "Is it true that you're cheating?" Halos hindi ko mailabas ang tanong ko na 'yon mula sa bibig ko. Hindi ko matanggap na hindi ako naniwala kay Mikka. Hindi ko matanggap na nagawa kong saktan ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ako ng totoo!

Imbes na magmukha siyang takot at malungkot ay ganuon pa rin ang itsura niya, confident at parang walang ginawang mali. "Boyfriend ko." sagot niya at humalukipkip siya.

"Pero Cyrish ako ang-"

"You love me right? Then just accept the fact that it's not only you who can love me!" nagtaas siya ng boses at hinawakan ko ulit siya sa braso. Mas mahigpit. "Masakit! Ano ba?!" protesta niya habang pilit kumakawala.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Damn, it hurts so much. She lied. Nagsasabi ng totoo si Mikka. What have I done?! "Why do you have to do this to me?" nanginginig na tanong ko at pinalis niya ang kamay ko. Ni hindi ko nagawang tingnan siya nang magsalita siya sa sobrang sakit nang nararamdaman ko. Bumagsak lang tingin ko sa sahig.

"Iwanan mo na rin ako! I don't need you! I don't need anyone! Stop loving me!" sigaw niya at tumakbo siya palabas ng coffee shop habang ang mga tao sa paligid ay nakikiusyoso na sa amin.

Hinabol ko siya pero napahinto nang makita ko si Mikka na palabas ng ospital. Parang wala ito sa sarili at takot na takot. Sumakay siya sa taxi at hindi ko alam kung sino sa kanila ni Cyrish ang susundan ko.

I immediately made a decision.

Napasabunot ako sa buhok ko. Ugh! Tumakbo ako pabalik ng ospital at naabutan ko ang parents ni Mikka na naghahabol ng hininga. "Ano pong nangyari rito?" tanong ko kaagad.

"Ayaw niyang maniwala na wala na ang anak niyo!" sigaw ni Tita na bakas pa ang hinanakit sa akin at napahilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Sumakay ako ng taxi kahit na hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta. Anong tumatakbo sa isip ni Mikka ngayon at umalis siya ng ospital?! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil natatakot ako ng sobra at kinakabahan pa.

Ilang sandali ay nakatanggap ako ng tawag. Unknown number pero sinagot ko ito at narinig ko ang boses ni Mikka... Tinanong ko agad kung nasaan siya pero tinanong niya lang ako kung kahit minsan ba ay minahal ko siya ng higit sa kaibigan.

God! Kung alam ko ang sagot ay magsasalita agad ako ng Oo o Hindi pero wala! Hindi ko alam ngayon kung anong sasabihin ko. Wala akong maramdaman kundi pagaalala para sa kanya. Ito lagi ang pakiramdam ko sa tuwing nagkakasakit siya. Para akong mababaliw! Kaya nga kapag may sakit siya ay hindi ko pa siya maiwan sa ospital noon. Tinatanong niya ako lagi kung bakit hindi ko pa siya iniiwan pero ang sinasagot ko noon ay dahil favorite place ko ang ospital. Nagsinungaling ako dahil ang totoo, hindi ko lang siya maiwan! HIndi ko maatim na magisa siya!

"Mikka please-"

Binabaan niya ako at mas lalo akong kinabahan. Nasaan ba siya at anong balak niyang gawin?! I imagined her doing all sorts of things at nang dumapo sa isip ko ang isang bagay ay halos mabasag ang puso ko. No... No... you can't end your life Mikka. You can't leave me... Can't you please stay? Can't you please let me understand myself? I don't want you to leave me... I... I don't know why I'm like this!

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon