Chapter 39

5.4K 101 16
                                    

Chapter 39 || Gone

Mikkaella's POV

Nasa kweba ako ngayon. Parang may inaantay. Naiinip na ang itsura ko at hapong-hapo. Tahimik ko lang na pinapanuod ang sarili ko. Parang nasa soap opera ako kasi ang drama dahil umiiyak pa ako. Ano kaya ang inaarte ko?

"Fernando... Kung hindi ako, ayoko nang masilayan pa ang pagsikat ng araw." sabi ko roon sa eksena. Hindi ko alam pero nagfast forward ang lahat tapos unti-unti akong pumayat sa eksaktong pusisyon hanggang sa bumagsak na ang katawan ko. Nakakadiri at nakakasuka dahil sa mga sunod na nangyari. Nakita kong naaagnas pa ang katawan ko. Ang hirap tingnan ng itsura ko...

***

"Ahh!" Nagising ako at napagtantong panaginip lang pala.

Si Cristina na naman.

Nasa ospital pa rin ako at nakita ko ang parents ko. Napansin kong parang namumugto ang mga mata nila. Kahit si papa. "Pa, Ma!" Nang tawagin ko sila ay lumapit agad sila sa akin at inakap ako. Ano kayang problema nila at parang namatayan sila? Okay lang naman ako. Humihinga pa ako.

"A-Anak..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Mama. Nagalala siguro sila talaga sa akin. Thanks to Tyron at nailigtas niya ako.

"Why Ma? May problema ba? Sa school? I'm fine." Ngumiti ako at nakita kong umiyak na ito. "What? Bakit ba kasi? Okay kami ng baby ko so you should be happy for us." Ngumiti ako sa kanila para ipakitang okay lang naman talaga ako at wala na silang dapat pang ipagalala.

Napatitig ako sa parents ko. Para nga talaga silang namatayan. Sobrang lungkot ng mga mukha nila na hindi ko makaya. Bakit kaya sila ganito kalungkot? May nangyari ba habang nagpapahinga ako?

"Your baby..." Napahawak ako sa tyan ko. "...is... gone." Napatingin ako kay Papa.

Natawa ako ng bahagya. "Stop kidding Papa, mahina lang ang kapit ng bata pero nandito pa rin siya. Ang O.A niyo naman po." sabi ko habang hinahawakan pa rin ang tyan ko. Tinatakot naman nila ang baby ko.

Umiling si Mama sa sinabi ko. "No Mikka, the baby is gone..." Kumunot ang noo ko. Ang kulit naman nila.

"Ano ba? Buhay nga po sabi ang baby ko!"

"Mikka your baby is gone!" mariing sinabi ni Papa at para akong hinampas ng malakas. It's as if I was struck by lightning.

"No! Buhay ang baby ko! Nasa tyan ko siya! Buhay ang baby ko! Sinungaling kayo!" sigaw ko at tinanggal ko ang kung anong nakatusok sa kamay ko kahit masakit at umalis ako sa kama ko. Hinabol ako ng parents ko pero mabilis ko silang tinulak at nakalabas ako ng kwarto.

No kukunin nila ang baby ko... buhay ang baby ko. Walang pwedeng makapanakit sa baby ko.. Sa baby namin ni Kailer. Aalagaan namin 'to at papalakihin ng maayos. Marami akong pangarap para sa baby ko. Buhay ang baby ko! Siya lang ang kakampi ko!

Halos madapa na ako sa pagtakbo ko at pagtulak sa mga nakaharang sa daan ko. I don't know where I want to go! But I want to leave this hospital! This place freaks me out bata pa lang ako and I'm always stuck here! My baby should leave this place too!

"MIKKA!" Hindi ako titigil! Ayoko rito! AYOKO! "Mikka stop!"

Nakita kong may guard pero abala ito sa pakikipagusap sa isang tao kaya nakalusot ako. Huli na nang makita niya ako dahil nalagpasan ko na siya at ngayon ay sumakay ako sa taxi na tumigil sa harap ng ospital. Mabilis ko itong sinabihan na magmaneho na palayo.

"Baby ko..." tumulo ang luha ko. "Wala ka na ba talaga?" Hinaplos ko ang tyan ko.


Pero hindi magagawa ni Cyrish ang binibintang mo...


And I can?


Napasinghap ako sa naalala ko. Iyon ang narinig kong sinabi ni Kailer... Hindi ba panaginip lang 'yon?

T-Totoo nga? Wala na ba ang baby ko? Na-Nakunan ako...?

Bumuhos ang luha ko lalo na nang maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. I saw blood stained on my bed! I just lost a precious life!

"Saan tayo?" tanong ng driver pero hindi ko alam ang isasagot. Wala rin akong perang dala. Nakita ko ang gold bracelet na suot ko kaya binigay ko iyon at bumaba na.

Nakasuot pa ako ng hospital gown ngayon. May ilang tao na napatingin sa akin. Dito ako bumaba malapit sa tulay. I don't care about other people now...

Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng mga batang naglalaro. If my baby is still here in my tummy, mararanasan niyang makipaglaro sa ibang bata...

Napatingin ako sa kalsada. May tumatawid na babae at may karga itong baby. Natulala ako sa kanya... I will never experience holding my baby that way. Ang swerte nung babae...

Tumulo ang luha ko... wala na ang baby ko.

Nakakita ako ng tindahan malapit sa kinatatayuan ko kaya dumiretso ako roon.

"Pwede pong makitawag?" tanong ko at mukhang naawa 'yung babaeng tindera kaya pinahiram niya ako ng cellphone niya. Pinunasan ko ang basang pisngi ko.

I dialed Kailers phone number na kabisadong-kabisado ko kahit na nanginginig ang mga daliri ko. Ilang ring lang ay sinagot na niya.

"H-Hello Kailer?" I tried to stop crying to be understood.

"Mikka! God! Where are you?!" May pakielam ba siya? May pakielam ba siya kung nasaan ako? Talaga?

"Can I ask you a question?" Pinigilan ko ang paghikbi at tinakpan ko ang bibig ko.

"Nasaan ka ba?!" sigaw niya.

"Minahal mo ba ako kahit minsan ng higit pa sa kaibigan?" Halos mabasag ang boses ko sa tanong kong 'yon. Ang sakit sakit na talaga sa loob ko. Para akong pinagpipira-piraso. Natatakot ako sa magiging sagot niya but I need to know.

Natahimik siya sa kabilang linya. Silence... I didn't know it hurts so much. Is it so hard to tell me one word? It's just Yes or No!

"Mikka please-" Binabaan ko na siya. Nagpasalamat ako sa tindera at pagkatapos ay nagdesisyong maglakad-lakad sa tabi ng tulay. Nakita ko pa ang mabilis na pagdaan ng mga kotse. Ang lakas ng ihip ng hangin na dumadampi sa balat ko. Mainip. Mahapdi.

Wala sa sariling napatitig ako sa ilog...

Naalala ko tuloy ang panaginip ko. Si Cristina, sobrang lungkot niya parang ako. Bakit ba kasi umasa ako na mamahalin din ako ni Kailer. I even lost my child because of that hope! Ang sama ko talaga. Hinayaan kong mawala ang baby ko... Hindi man lang niya naramdaman kung paano mabuhay. Siguro ito na ang ganti ng kapalaran dahil tinangka kong baguhin iyon.

Should I just put an end to this? Maybe I should. Maybe I should...

Bumalik ang tingin ko sa ilog at ang marahang pagagos nito...

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon