Chapter 62

4.1K 82 13
                                    

Chapter 62 || Secret Admirer

Kailer's POV

"Tapos 'yun na? Wala na? Bitin!" Nangungulit si Ate sa akin ngayon. Nawala lang si Dashiell ay ako na ang kinukulit niya. Naikwento ko sa kanya na nagkita kami ni Mikka at panay ang tanong niya ngayon kahit na tapos na nga ang kwento ko. More siya ng more sa akin!

"Yup." simpleng sagot ko. Sinundan pa talaga niya ako sa kwarto ko kaya natawa na lang ako. Gustong-gusto niya talagang malaman ang kwento namin. Nahiga na ako sa kama at nahiga rin siya kaya magkaharap kami ngayon.

"Why not court her now? Hindi ka na naman niya pinagtabuyan e. Baka hindi na siya ganun nasasaktan gaya ng dati. And she forgave you right?"

"Pero hindi siya papayag." sinabi ko naman agad. Alam ko dahil kanina nga lang ay ayaw niya nang magtagal kasama ako, ang manligaw pa kaya?

"Then be her secret admirer!" Parang nagkaroon ng lightbulb sa taas ng ulo ko dahil sa sinabi ni Ate. Tama siya. Hindi naman niya agad kailangang malaman na ako ang manliligaw niya e. I can court her secretly instead!

***

"Salamat!" sabi ko sa kabilang linya. Napadala na kay Mikka ang bouquet of red roses na binili ko. Ang nilagay ko lang sa card nun ay..

Don't forget to smile this day! :)

From: Secret Admirer

Alam kong 'yung iba maiisip na ang corny ko pero wala akong pake dahil okay lang maging corny para sa babaeng mahal ko.

Ngayon ay papasok na ako sa agency gaya ng lagi kong ginagawa. Wala namang bago e. Kahit na ako bored na bored na sa ginagawa ko araw-araw kaya pagdating ng lunch ay pumunta ako sa restaurant namin para naman magkaroon ako ng ibang nakikita kahit papaano.

"Nandun po si Ma'am." sabi ng guard sa akin sabay turo sa isang lamesa pagkapasok ko sa loob ng restaurant. Mukhang may kausap ito kaya hindi ko muna tinawag ang atensyon. Naglakad lang ako palapit at medyo natigilan nang mapansin ko kung sino ang kausap niya. Likod pa lang ay alam ko na.

"Yes tita... It's fine." Boses pa lang siya na.

"Kailer!" tawag ni Mama. Lumingon 'yung kausap nya sa akin at naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko nang makita kong si Mikka nga iyon. Halatang hindi rin niya inasahan ang pagkikita namin.

"Hi Ma." sabi ko na hindi pa rin nawawala ang tingin kay Mikka. Ito naman ang nagiwas ng tingin sa akin na parang nahiya sa pagtitig na ginawa kanina.

"Upo ka. Sabay na tayong tatlo kumain." sabi ni Mama at alam kong hindi makakatanggi si Mikka. Tumabi ako sa kanya at nang tumayo muna si Mama para magpakuha ng pagkain ay pinandilatan niya ako.

"Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko kasi inis na inis siya e nandito siya sa restaurant ng mama ko. Dapat inasahan na niya na posible kaming magkita rito.

"Pinapunta ako ng Mama mo rito para ipatikim ang bago niyang recipe." Tumango na lang ako. Oo nga pala at isa sa mga tumitikim ng mga bagong recipe ni Mama si Mikka. Siguro ay na-miss talaga siya ni Mama. At siguro naisip din niya na pupunta ako ngayon.

Dumating si Mama kasama ng chef at waiter na may dala ng mga pagkain. Kumain naman ako ng tahimik at si Mikka nagbigay ng detalyado at magandang komento niya sa kinakain.

Hindi ko maiwasan ang lihim na pagsulyap sa kanya.

***

"Salamat po Tita. Nabusog ako." sabi ni Mikka nang makalabas na kami ng restaurant.

"Sa susunod ulit a? Magpahatid ka na kay Kailer imbes na magtaxi." sabi naman ni Mama. I can't help but smile sa tulong na ginagawa nito.

"Sige na hatid na kita sa boutique." sabi ko rin at pumayag na lang siya. Alam naman niyang hindi niya mahihindian si Mama kaya hindi na siya nakipagtalo pa.

Sumakay na kami na walang sinasabi. Nang paandarin ko na ang kotse ko ay tyaka ako nagsalita. "Bakit hindi ka bumili ng kotse?" tanong ko dahil malaki na rin naman ang kinikita niya so I guess there's no problem financially.

"Ayoko nang makadagdag sa traffic at pollution dito sa Maynila." simpleng sagot niya na nagpangiti sa akin. May punto nga naman siya haha.

Binuksan ko na lang ang radio at medyo nabigla nang tumugtog ang isang kanta na narinig ko na noon pero ngayon lang nagkaroon ng kahulugan.


"Didn't mean to take you for granted... Didn't mean to show I don't care... Didn't mean to throw away this once in a lifetime of chance... Being with you."


Humigpit ang hawak ko sa manibela. Ano ba namang kanta 'yan. Noong una ko 'tong narinig ay hindi ganito ang epekto sa akin. Sadyang ganito talaga ang mga kanta sa taong may pinagdadaanan. Lakas makahugot!


"This time I surrender... My everything forever... Life doesn't matter... Just our souls together..."


Napatingin ako kay Mikka at nagkasabay yata kami dahil nagtagpo bigla ang paningin namin. Ang cliche! Mas nagwala ang loob ko dahil sa tingin niya.


"Pride no longer has room in me... On bended knees in public I cry... Your name for everyone to know that I love you, I love you...Please hear me now."


"Hay ano ba 'yang kantang 'yan!" sabi niya bigla at pinatay na ang radyo. Hindi ko alam pero ang kaninang hirap na paghinga ko ay umayos.

Tama 'yung kanta. Wala nang puwang sa akin ang pride ngayon kaya gagawin ko ang lahat. Kung kinakailangan man na lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal.

Binuksan niya ang bintana ng kotse at nilabas ang kanyang kamay. Napangiti na lang ako. Tutok ang atensyon ko sa pagmamaneho nang bigla siyang sumigaw. "'Yung panyo ko!" Tsk. Ayun at nilipad ang panyo niya dahil sa bukas na bintana.

Inihinto ko sa tabi ang kotse at agad bumaba ng kotse. "Hey Kailer hayaan mo na!" Hindi ko na siya pinakinggan at nagingat sa pagtakbo papunta kung saan ko nakikita ang kanyang panyo. Mabuti at hindi ito sa kalsada natangay. Hindi naman ako nahirapan dahil nakuha ko ito. Humarap ako kay Mikka at winagayway ko 'yun. "Uy halika na nga!" tinatawag niya ako pabalik at sa tuwa ko ay sumigaw ako.

"HINDI NA KITA PAPAIYAKIN! I LOVE YOU MIKKA!" Nakita ko ang pagtingin at paghinto ng mga tao sa paligid at natawa ako lalo na nang makita ko ang pulang mukha ni Mikka sa malayo habang pilit na tinatakpan ang kanyang mukha.

Cute!

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon