Chapter 23

4.5K 98 6
                                    

Chapter 23 || Lunch

Mikkaella's POV

I didn't expect Kailer to ask me out this lunch! Nang matanggap ko ang text niya ay agad 'kong inayos ang sarili ko. This will be our first date so I don't want to mess it up syempre.

Nagsuot ako ng dress na kulay white. Plain lang ito at hindi sleeveless pero above the knee. Nagsuot ako ng silver necklace para magkaroon ito ng buhay at high heels na peach ang kulay para naman sa paa ko. Naglagay ako ng light make-up at pagkatapos ay sinuklay ko ng mabuti ang tuwid kong buhok.

Nang matapos ako sa pagaayos ay dumiretso na ako sa restaurant malapit sa subdivision namin. I know that place kasi madalas kami roon.

Hindi nagtagal at narating ko rin ang restaurant. Medyo kabado ako pero excited. I checked my reflection on my phone bago tuluyang pumasok sa loob. Nakangiti akong pumasok pero unti-unting naglaho dahil sa nakita ko.

"Mikka!" tawag ni Kailer na parang natutuwa pa siya. He's with Cyrish! Akala ko date namin 'to pero kasama niya ang pinsan ko! Apat ang upuan sa lamesa at sila ang magkatabi. Naupo ako sa upuan sa harap ni Kailer. I can't believe we're all here!

"Mukhang nagpaganda ka pa talaga a. Hindi ka ba nasabihan na nandito ako?" Cyrish giggled at mas nairita ako. Nakakahiya syempre dahil umasa akong date namin ni Kailer 'to. Kinuha ko ang baso sa harapan ko na may lamang tubig at agad na ininom iyon.

Umorder na kami ng pagkain at hindi rin nagtagal ay dumating ito sa lamesa. Tahimik lang ako habang nakikita ko silang naglalandian sa harapan ko. Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Akala ko ba malinaw na ang lahat? I didn't expect they'll still do this in front of me.

"I hope you don't mind me being here." sabi ni Cyrish at ngumiti pa. Hindi ako plastik kaya seryoso ko siyang tiningnan.

"Mikka?" Si Kailer ang nagsalita at hindi ko siya kinibo.

"Well just eat. Nandito naman tayo para kumain." walang ganang sabi ko sabay subo ng pagkainng nasa plato ko.

"So we're already preparing for the agency. Sana maging successful tayo babe!" sabi ni Cyrish sabay haplos sa mukha ni Kailer. Naubo ako dahil dun at agad akong inabutan ng basong may lamang tubig ni Kailer. Ininom ko 'yun at tumayo siya para haplusin ang likod ko.

"Kailer..." tawag ni Cyrish na parang may masakit sa kanya kaya naman itong si Kailer ay iniwan ako at lumapit sa kanya. "Nakagat ko ang dila ko." mangiyak-ngiyak na sabi niya at napairap na lang ako. I want to give her a big round of applause for being a great actress!

Nagtagal pa kami at nakasaksi pa ako ng ilang landian. Holding hands? Haplusan? Tss. Hindi ko na talaga kaya, kaya halos lamunin ko na lahat ng pagkain sa plato ko. Nang matapos ako ay tumayo na ako. "I'm... leavin'" sabi ko nang papahina tapos palampas na nang table namin pero hinawakan ni Kailer ang kamay ko kaya napahinto ako.

"Ayaw mong sumabay sa amin para maihatid kita sa inyo?" Tumingin ako sa kanya. I don't want to sound irritated but I'm really pissed!

"Ayoko nang maging third wheel if that's what you want." Hinawi ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

***

Humilata ako sa kama nang makauwi. Nakakapagod magpanggap kanina. Hay! Kung bakit ba naman kasama pa si Cyrish sa lunch. Tsk. Napatitig ako sa kahon na pinaglalagyan ng lahat ng alaala namin ni Kailer. Imbes na magpalit na ng pambahay ay iyon muna ang inatupag ko. Nilabas ko ang isang maliit na kahon mula roon at nakakita ako ng isang papel.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko dahil sa nabasa ko:

I am willing to do what Mikkaella Louise Villaroel wants in exchange of what she did for me this day

Tapos may pirma niya sa ibaba. Ginawa niya 'to dahil sa pagtulong ko sa kanya nung highschool kami. May project kasi siya pero last minute ay nasira, tinulungan ko siyang gumawa ng project at mataas ang nakuha niya roon. Ito ang binigay niya sa akin dahil sa pangaabala niya sa dapat sanay rest time ko.

I thought I'll never want to use this pero mukhang mali ako dahil magagamit ko ito ngayon.

***

"Hello?" sabi sa kabilang linya ni Kailer. Halata sa tono niya ang pagaalala. Nakauwi na siguro siya dahil tahimik lang naman sa background. Ganito katahimik sa kwarto niya. "Okay ka lang ba?" Siya ang tumawag sa akin kaya abot tenga ang ngiti ko ngayon. Nawala na rin ang inis ko dahil sa nangyari kanina.

"Pumunta ka sa amin ngayon." seryoso ang pagkakasabi ko.

"M-Mikka? Galit ka ba?" Hindi. Natatawa na nga ako sa ginagawa ko e.

"Basta puntahan mo ako dali." sabi ko at binabaan ko na siya. Haha he's really cute when he's scared and so I love teasing him.

Hindi nagtagal ay narinig kong tinatawag na ako ni Mama sa baba dahil hinahanap daw ako ni Kailer. Natatawa akong bumaba ng hagdanan at nakita ko siyang nakaupo sa may sala. Siguro ay pinaharurot nya ang sasakyan dito tapos hindi na siya nakapagayos dahil pambahay pa ang suot niya. Hawak ko ngayon 'yung papel kanina at nagpipigil ng tawa.

"Galit ka ba?" seryosong tanong niya nang tabihan ko siya. Nakita niyang nakangiti ako kaya naman napahawak siya sa batok niya. "Naloko ata ako." Natawa na tuloy siya.

"Ang laki mo kasing paasa." ginawa kong biro ang sinabi ko pero sa totoo lang ay hindi ako nagbibiro.

"Nagaya kasi si Cyrish at sabi niya isama kita. Parang hindi ka naman nasanay e dati pa tayo kumakaing tatlo ng sabay." Tama siya. Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Sana maisip niya 'yon. But it's not about what happened earlier kaya ko siya pinapunta rito.

"Hmmm kita mo 'to?" Pinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko. Kinuha niya ito at binasa tapos natawa.

"Nasa'yo pa?" manghang tanong niya. I nodded.

"Lahat naman ng binibigay mo nakatago sa akin e." Kahit 'yung condom na binigay niya sa akin dahil daw inabot for free sa kanya at ayaw niyang makita ng parents niya. Halos mamatay ako kakatawa dahil hindi ko masikmura 'yung namumutla niyang itsura!

Napahawak siya sa baba niya na para bang napaisip. "So gagamitin mo 'to ngayon?" nagtaas siya ng kilay. Kinagat nya ang labi niya at medyo may kuryente akong naramdaman dahil doon. Shocks! Ang hot niya talaga pag ginagawa niya 'yon.

"Yup! Gusto kong umalis tayo bukas. Tayong dalawa lang sa Tagaytay. Mga two days? Okay na 'yun." sabi ko at ngumiti siya.

"Gusto talaga akong masolo?" natatawang tanong niya.

"Yeah. Gusto kitang masolo." kumindat ako at nagtawanan na lang kami. Sa two days sa Tagaytay, I want to make sure that he'll fall for me. Gusto kong tingnan niya ako bilang babae at hindi bilang kaibigan niya. I want a fair fight so hindi pwedeng hindi niya ako nakikita bilang babae...


The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon