Chapter 66 || Broken
Kailer's POV
Sometimes, it takes losing to realize what you've had...
Isang buong araw na siguro ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam pero ayokong magpakita sa kahit na sino. Kahit na kinukulit ako nila Mama at Papa pati ni Ate ay hindi ako lumabas. They got mad lalo na nung hindi ako bumaba para kumain ng tanghalian but then I said I'll leave the house kung ipipilit nila ang gusto nila. In the end ay hinayaan na lang nila akong magkulong. Of course they'll be scared that I'll leave this house again. Who wouldn't be? Lalo na kung alam pa nila ang ginawa ko noon.
It happened two years ago when I suddenly disappeared. They found me drunk one week later in an abandoned building. I didn't know what happen to me either. All I know is that I became crazy trying to find Mikka. I got so sick and I couldn't even stand.
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay nagkaganito na ako. Parang nawalan ako ng gana sa kahit anong balak kong gawin. I am not what I was back then physically, but emotionally and mentally I am. Mikka actually tried to comfort me but I said that if she'll do that, she must stay. Kung aalis din siya pagkatapos niyang pagaanin ang loob ko ay wag na niyang gawin 'yon. I asked her to just leave. I can't take having her for a moment, knowing that she'll leave me later for another man.
Akala ko ay pipiliin niya ang una kong sinabi pero tumayo lang siya at iniwan akong nakayuko sa lamesa. How can something so special turn into a mess? Akala ko para sa akin ang status na 'yon sa FB pero asa lang pala ako. Assuming kung tawagin ng karamihan. Para kay Tyron kaya 'yon? Sana hindi...
I like to think that I actually mean something to her... But I ended up hurting myself. I feel so broken. Maybe I made her feel this way before.
Umiyak ako inaamin ko and I've never been this way before noong sinasabi ko pang mahal ko si Cyrish. I guess it was just infatuation after all... kasi ngayon ko ramdam 'yung tunay na pagmamahal... I love Mikka but then I made her feel worst. I am the one who pushed her away.
Kumbaga ay ako ang nagtulak sa kanya sa bangin, her savior? None other than that Tyron Han.
I am thankful to him dahil sa hindi niya pinabayaan si Mikka pero malaking parte sa akin ang gustong bawiin sa kanya ang babaeng mahal ko.
Tama nga ang sabi nila...
The saddest thing in the world is not loving someone who loves someone else but rather loving someone who used to love you.
Kasi nandun 'yung malaking panghihinayang...
Alam kong nahuhulog na ang loob ni Mikka sa lalaking 'yon. Ayoko man pero iyon ang totoo. Kilala ko siya at basang-basa ko sa kilos, pananalita at reaksyon niya na nagpapatunay na unti-unti na siyang nahuhulog kay Tyron.
She may be falling for him but I'm still hoping that once I offer her my hand, she'll hold on to it and stay with me...
***
I want to spend the rest of my life loving you...
From: Secret Admirer
Ipinagpatuloy ko ang pagiging secret admirer ko kay Mikka. Desidido ako na magpatuloy. Ayokong sumuko dahil lang sa nasaktan ako. Wala ito kumpara sa sakit na pinagdaanan ni Mikka dahil sa akin noon. Kahit siguro na ipagtabuyan niya ako ay hindi ako susuko...
Maaga akong lumabas ng kwarto. Hindi pa rin ako nakakakain at kumakalam na ang sikmura ko. I'm done acting like a kid. I have to be mature to be able to fight in this battle. Alam kong umpisa pa lang ay natatalo na ako but even if I have wounds, even if I am bleeding, I don't care at all as long as in the end I can have her. She's worth the fight.
Nagulat pa si Mama nang makita nya akong kumakain sa lamesa. Pinaghanda ako ng katulong namin. "How are you?"
"I'm fine Ma. Uhmm I have to leave early." sabi ko.
"Why? Is that for work or-"
"I'll be Mikka's servant."
Nanlaki ang mga mata ni Mama. Dumating na rin si Papa at Ate. "What are you trying to say Kailer Eisen?" seryosong tanong ni Mama.
Uminom ako ng tubig after my last bite and I smiled. "Don't worry Ma, this is still for my future."
"For how long are you going to do this?" tanong ni Papa na seryoso rin.
"I'll annoy her hanggang sa mahalin niya ulit ako." I smirked at narinig ko ang pagtawa ni Ate.
***
Bumili ako ng breakfast at dumiretso sa boutique. Kabubukas pa lang nila at nakita ko ang pagdating ni Mikka sakay ng sasakyan na pamilyar sa akin. Kay Tyron iyon alam ko. Hindi na ito bumaba at umalis na kaya ako naman ang lumabas ng kotse. Sumunod ako kay Mikka at nakita naman ako ng mga nagaayos doon. Ngumiti ako at nakita kong ngumiti rin sila. Ginamit ko ang killer smile ko para makalagpas sa kanila at masundan sa loob ng opisina si Mikka.
Malamang ay nagulat siya nang makita niya akong kasama na niya sa loob. Ako na ang nagsarado ng pinto para sa kanya. "God! Why are you here?" iritang tanong niya. Sinira ko agad ang umaga niya?
"I brought you some breakfast." Ngumiti ako and she sighed in disbelief habang napapailing pa.
"Nakakain na ako kaya ibigay mo na lang 'yan sa mga tao sa labas. Or better sa street children. May kailangan ka pa?" Nagtaas siya ng kilay.
"I want to be your personal secretary. Walang sweldo." At kumindat ako. Kumunot naman ang noo niya. I swear I'll never let her see me hurt. I'll show her my positive side hangga't kaya ko. She loved me before because of that side. She hates me whenever I'm acting boring or mysterious. Alam ko dahil sinasabi niya sa akin lagi ang nasa isip niya.
"I don't need one." She rolled her eyes and lazily sat on her swivel chair.
"Kahit ako pa magbayad para maging personal secretary mo. Ako tagadala ng pagkain mo, tagabitbit ng gamit, kahit buhatin pa kita." I know I sound so desperate and stupid but who cares?
"Will you please stop this Kailer? What are you trying to do now?" Humalukipkip siya at pinagmasdan ako ng mabuti.
"Annoy you." Mas lumalim ang tingin niya sa akin. It makes me feel nervous though.
"You already did it so ano pa?"
"Annoy you until you beg for my presence." I grinned at napasinghap siya.
She can't believe what I'm saying and I can't believe what I'm saying too. That's it, I can't believe I've fallen this hard.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...