Chapter 28

4.7K 94 14
                                    

Chapter 28 || Sick

Kailer's POV

"Are you alright iha?" tanong ni Mama kay Mikka. Tahimik lang kasi ito kanina pa at nakita ko ring hindi pa niya ginagalaw ang pagkain sa harapan niya. Medyo namumutla rin siya. Nandito pa rin siya sa bahay dahil dito na siya pinagdinner ng parents ko. Masaya naman siyang pumayag at tumulong pa sa paghahanda ng hapunan kaso nang matapos sila sa kusina ay bigla na siyang naging matamlay ng ganito.

"Mikka?" tanong ko nang hindi niya sinagot si Mama. Napatingin naman siya sa akin at kay Mama na parang wala siya sa sarili.

"Uhmm po?" matamlay na tanong niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko pabalik. Mukhang hindi talaga siya maayos. Hindi ko na inantay ang sagot niya at hinawakan ko ang braso niya kaya naramdaman kong mainit siya. Ipinatong ko na rin ang kamay ko sa noo niya at mainit din ito. "You're sick." pagkukumpirma ko. Sinubukan kong ikumpara ito sa temperatura ko at mas mataas nga ang kanya.

"W-Wala 'to ano ka ba." sabi niya while trying to cheer up at nainis lang ako.

Lumapit ako at bumulong. "Is this because of swimming or because of what happened to us?" Nakita ko ang pamumula ng mukha niya kaya hindi ko na binuksan ulit ang topic tungkol sa nangyari sa kwarto ko. Hindi ko alam pero hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat maging reakyson ko sa bagay na 'yon. Siguro ay dapat ko na lang isipin na parang hindi iyon nangyari.

"Uhmm then just bring her to your room. Gagawa ako ng soup para mahigop niya. I'll just contact her parents na dito na siya matutulog ngayon. Ihatid mo na lang pauwi bukas." sabi ni Mama pero nagtaas pa siya ng kilay sa akin.

"What Ma?"

Ngumisi ito na parang nahihiya. "May sakit siya 'nak ah?"

Kumunot ang noo ko. "Yeah Ma, I will not do anything." matabang na sagot ko tapos humagikgik siya bago kami nawala sa kanyang paningin. Si Mama talaga kung ano na naman ang naiisip. Kanina pa siya ganyan simula nang makita niya- Sabi ko hindi ko na iisipin e. Tss.

Inalalayan ko si Mikka pataas at wala naman itong kontra kaya maayos kaming nakapunta sa kwarto ko. Medyo dumistansya lang ako nang mapatingin ako sa suot niyang T-shirt ko na maluwag sa kanya. Dahil sa maigsi ang pangibaba niya ay parang wala tuloy ito. Napalunok ako. Just like in Tagaytay. Tahimik ko siyang dinala sa kwarto ko at pinahiga sa kama.

"Kamusta ba pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ko. Kinumutan ko na siya dahil baka lamigin siya at kung anu-ano pa ang pumasok sa isip ko.

"O-Okay lang ako." sabi niya kahit halatang hindi naman. Sobrang taas kaya ng lagnat niya. Siguro ay gusto lang niya na wag na akong magalala but I doubt that would happen. I really do care so much about her. Lalo na sa kalusugan niya. "Nagaalala ka ba?" tanong niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-asa.

"Malamang! Ano bang tanong 'yan? Ang sakitin mo talaga." sabi ko. Naalala ko pa noon, nagbibilangan kami kung ilang beses nagkasakit sa isang taon. Siya lagi ang pinakamarami kaya binigyan namin ng award sa pagiging mahina ng katawan niya. Tss. Ewan ko ba sa kanya kung anong klaseng pagaalaga ng katawan ang ginagawa niya at ganito siya kasakitin.

"Hay..." sabi ko na lang at inayos ko ang buhok niya. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Hinaplos ko ito ng marahan at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. "Bakit?" tanong ko at umangat ang magkabilang gilid ng labi niya.

"Masaya lang ako..." sabi niya. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin. It felt so different.

"Masaya? May sakit ka na nga masaya ka pa?" tanong ko kasi parang nangloloko pa siya sa sinabi niya. Ibang klase rin siya at natutuwa pa siya sa lagay niya. Sumimangot ako.

"Masaya ako kasi nandito ka kasama ko. Nagaalala ka para sa akin." Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang sinabi niya pero nawala ang pagkakasimangot ko. I'm just puzzled.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ko at akmang magsasalita na siya pero parang may nagpabago ng isip niya kaya hindi na niya nasabi ang dapat sasabihin niya.

"Wala.. basta I'm just happy." Aniya.

***

Nang mapahigop na ng sabaw at mapainom na ng gamot si Mikka ay nakatulog na siya. Tinabihan ko siya sa kama gaya ng gusto niya at mahimbing siyang natutulog ngayon sa braso ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang marahang hinahaplos ang mukha niya. Bahagya ko ring inayos ang pagkakakumot niya.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Am I wrong for being tempted? Ginusto kong halikan siya dahil sa nagwawalang puso ko. Tama nga kaya siya? Nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya? But I know it's Cyrish... it's Cyrish right?

It's not hard to love Mikka and I don't know why I did fall for Cyrish first. Ang hula ko na lang ay baka mas nagfit sa kanya ang maging kaibigan ko noon because she really understands me and cope up with my attitude. I got used to it for ten years.

"Uhmm..hmm..." Nananaginip yata si Mikka. Gigisingin ko na siya nang magsalita siya. "K-Kailer...." Ako? Nasa panaginip niya ako? Ano kayang klaseng panaginip 'yun? Anyway, I also had her in my dreams before. Pero hindi naman palagi. May tumatak lang na panaginip ko sa akin. Magkakasama kaming tatlo ni Cyrish tapos parang makaluma dahil sa setting at ayos namin? Parang totoo nga kaya akala ko kami talaga. Basta ang eksena roon, Mikka's being desperate about something. Hindi ko alam kung ano pero galit ako dahil sa ipinipilit niya. In the end, bago ako dumilat ay si Cyrish ang kasama ko. I clearly left Mikka in tears and from then on, I really hated seeing her cry.

"K-Kailer..." narinig ko ulit na pagtawag ni Mikka. I just smiled. Ano kayang panaginip niya tungkol sa akin? Dalawang beses na kasi niyang binabanggit ang pangalan ko.

At ang kanina ko pa tanong sa isip ko, tama nga kaya ang ate ko? Posible bang ako ang lalaking mahal niya?

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon