Chapter 30

5.1K 91 9
                                    

Chapter 30 || Parang Mali Na Tama

Kailer's POV

Naiuwi ko si Mikka sa kanila at gaya sa amin, pinilit ako ng parents niya na magstay na rito sa bahay nila. Binantayan ko naman si Mikka dahil mataas na naman ang lagnat nito. Nagulat ako nang maabutan ko siya kasama ang isang lalaki at lasing pa siya. Hindi na ako nagtagal kina Cyrish para mabalikan siya pero ang dami na agad nangyari sa kanya.

False alarm lang pala ang nangyari kay Cyrish. Kala lang pala niya may nanloob sa kanya pero aso lang pala na bigay sa kanya ng Daddy niya. Hay..

Nakaramdam ako ng lungkot sa nakikita kong Mikka ngayon. She's changing. And that change I guess is not good for her.

Sinabi kong umuwi na siya pero hindi niya ako sinunod. Paano kung may masamang nangyari sa kanya? Paano kung may balak sa kanyang masama 'yung kasama niya kanina?! Tss. Kung hindi ko sana siya iniwan doon ay hindi siya magkakaganito. I feel really guilty.

***

Isang linggo ang lumipas. Mukhang hindi naman ganun kalungkot dahil sa may communication pa rin kami ni Cyrish. Kagaya pa rin ng dati ang turingan namin. Parang walang nagbago. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Katext ko siya ngayon nang biglang magtext si Mikka.

Nood tayong movie sa mall? Antayin kita rito? :)

Napangiti naman ako. Hindi naman kami sira ni Mikka kahit na ikakasal kami at okay kami ni Cyrish. Wala naman siyang sinasabi at mukhang walang problema sa kanya ang set up namin. Nagreply ako sa kanya.

Sige I'll be there.

At tinext ko si Cyrish na magaayos lang ako dahil nga may lakad kami ni Mikka. Nang matapos akong maligo at magbihis ay chineck ko ang phone ko. Nakita kong may text si Cyrish at binasa ko 'yun.

Masama pakiramdam ko. Can you stay with me please? :(

Nagalala ako sa sinabi nito at agad na akong lumabas ng bahay. Walang tao rito ngayon dahil umalis si Mama at Papa habang si Ate nasa resort kasama ang mga kaibigan niya. Ngayong linggo ang bakasyon nila roon.

Pagkasakay ko sa kotse ay agad akong nagdrive papunta sa bahay ni Cyrish.

***

"Salamat ulit sa pagstay." sabi ni Cyrish sa akin. Paalis na ako ngayon dahil sabi niya okay na siya. Paglabas ko, nakita kong madilim na. Sh*t! Oo nga pala at may lakad kami ni Mikka. Nakalimutan ko! Si Cyrish kasi kung saan-saan nakakaramdam ng sakit. Sabi ko dadalhin ko na siya sa ospital pero hindi na raw kailangan at ako lang daw ang kailangan niya.

Nasaan ba 'yung phone ko? Hindi ko makita hay! Bahala na nga at pupuntahan ko na lang siya sa may sinehan. I doubt kung nandun pa siya. Kanina pang 1 yun at 6pm na ngayon. Limang oras siyang maghihintay? Hindi siguro. Pero pupuntahan ko na rin para makasigurado.

Nang makarating ako sa sm, tumakbo agad ako papuntang sinehan. May mga tao pero hinanap ng mata ko si Mikka sa paligid. Hindi ko siya makita. Hay. Hindi ko nagawang itext siya kasi nung naisip ko 'yon biglang umaray si Cyrish. Naiwan ko pa yata ang phone ko sa kanila. Stupid!

Tumalikod na ako tyaka yumuko at aalis na lang sana para pumunta kina Mikka kung walang tumawag sa pangalan ko.

"Kailer..." Paglingon ko ay nakita kong si Mikka 'yon. Guminhawa ang pakiramdam ko. Ngumiti siya sa akin at patakbong lumapit.

"Bakit hindi ka pa umuwi ha? Sorry-"

"Okay lang baka may emergency... uhmm tyaka handa akong maghintay." Nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya pero inakap ko na lang siya para makabawi kahit kaunti sa ilang oras na paghihintay niya sa akin.

"Basta I'm sorry. Babawi na lang ako sa 'yo." bulong ko.

"Ok lang sa akin. Ang mahalaga nandito ka na... worth it ang paghihintay ko." sabi niya at nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Galing ako kay-"

"No need to explain. Ok lang." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panghihinayang. Kasi ikakasal si Mikka sa akin. Sa akin na may ibang mahal. Napakabait niya. Parang may mas deserving pa sa kanya at hindi ako 'yon.

Ako kasi... hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ko sa kanila ni Cyrish. Parang mali na tama ang ginagawa ko ngayon. Parang mali dahil ikakasal na ako pero tama dahil may mahal naman talaga akong iba.

"Sigurado ka ba?" tanong ko at tumango siya.

"Bilhan mo na lang ako ng ice cream." masayang sabi niya. Natuwa na ako sa paglitaw ng cheekbones niya. Pinisil ko tuloy 'yon. Ewan ko pero nakita kong namula siya. "Ay sorry masakit ba?"

Umiling siya at nagiwas ng tingin. "B-Bilhan mo na ako dali. Gusto ko ng..."

"Vanilla flavored?" sabi ko bago pa niya matuloy ang gusto niyang sabihin.

"Yup! Paano mo nalaman?" natutuwang tanong niya.

"Malamang kaibigan kita eh." sabi ko at naubo siya.

"Okay ka lang?"

Tumango lang siya bilang tugon.

Nang makabili kami ng ice cream, hindi na namin ginustong manuod pa ng movie. Sabi niya sa susunod na lang daw ulit siguro at umuwi na lang kami. Pumayag naman ako dahil medyo pagod din ako.

Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa kanila. Bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto at paglabas niya, inakap niya ako bigla. Nagulat ako dahil hindi ganito ang mga yakap namin noon. Mahigpit ito na parang puno ng pangamba. "Sigurado ka bang pakakasalan mo ako?" tanong niya sa akin at nanginginig ang katawan niya.

"Alam mo namang wala tayong magagawa 'diba?" sabi ko naman dahil palagay ko ay pareho lang kaming nahihirapan.

"Pero mahal mo pa rin siya?" Si Cyrish ang tinutukoy niya. Nakita kong naluluha na siya nang tingnan niya ako. Pero bakit? Bakit nagkakaganito siya?

"Mikka..." sasagot na sana ako pero lumapit siya at dumampi ang mainit niyang labi sa akin. Hinalikan niya ako. Naguluhan ako sa naramdaman ko. Ito na naman 'yung parang mali na tama. Mali dahil hindi siya ang mahal ko pero tama dahil siya naman ang magiging asawa ko. May kung ano talaga sa pakiramdam ko sa tuwing nakadikit ang labi niya sa 'kin at malapit siya.

Kailer! Gusto kong sabihin sa sarili ko na for once maging tuwid ako sa pagiisip ng totoong tama at mali. Ano ba ang tama? Ano ba talaga ang mali?! This is driving me crazy!

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon