Chapter 59 || Tears
Mikkaella's POV
Naging mahirap sa akin na harapin si Cyrish. Nasampal ko siya ng malakas nung pagtangkaan pa lang niya akong kausapin. Who wouldn't do that lalo na pag ramdam ko na ang pagsabog ko? I didn't slap her once... I slapped her thrice... Bumakat ang palad ko sa kanyang pisngi.
Nakausap ko naman siya pagkatapos. Nakilala ko siya ng mas malalim at nalaman ko ang pinagdadaanan niya. Sometimes a bad memory can ruin a person's personality. Iyon ang nangyari sa kanya. I can't blame her for her attitude pero ang katotohanan na nagawa niya akong saktan ay hindi ko malilimutan. Dahil sa mga alaala naman naming magaganda at sa tingin ko ito rin ang gusto ng anghel ko kaya pinatawad ko na siya kasabay ng pagtulak niya papuntang ibang bansa. Siguro ay iyon na rin ang makakabuti sa aming dalawa. Sana sa muling pagkikita namin ay maibalik pa namin kahit katiting sa relasyon namin noon. Kasi alam kong mahirap sa ngayon na gawin 'yon kahit na napatawad ko na siya.
I asked her if Kailer's coming with her at ang sinabi niya?
"He loves you Mikka and I know naging hadlang ako sa inyo... I'm very sorry. Now I'm leaving and I hope you can still find your forever with him. He's been hurt for three years."
Hindi ko alam kung maiinis ako, magagalit o matutuwa. Namanhid na yata ako dahil sa sakit na binigay nila pareho sa akin...
Wala na akong ibang sinabi at bumalik na sa loob matapos magpaalam.
***
"Mikka alam kong nagkamali ako. Alam kong nasaktan kita. Pero Mikka mahal na mahal kita."
Ikinabigla ko ang pagtangis niya. Iniiyakan ba niya ako? Or did I just hurt his ego dahil ngayon ay hindi ko na siya hinahabol? But then I know I'm not sure about what I feel for him.
Forgiveness doesn't always follow love.
"Pero paano nga ngayon Kailer? I don't know if I still love you." sabi ko at parang mas nasaktan pa ako dahil nakita ko ang panghihina niya. Tumalikod na ako dahil gusto kong tumakas at palabas na sana nang makarinig ako ng pagbagsak. Nang lumingon ako ay nakita ko si Kailer na walang malay sa sahig. Nilapitan ko siya at naramdamang napakataas ng temperatura niya.
Tumawag si Ate Danica kanina para sabihing may sakit si Kailer. Pinapunta niya ako para raw makampante na si Kailer dahil nagwawala ito at gustong pumunta sa akin... nanikip ang dibdib ko. Pinangunahan ako ng damdamin ko kaya ito siya ngayon at mas nanghina dahil sa akin!
"Oh God!" Si Ate Danica iyon at tinulungan niya akong ihiga ng maayos si Kailer sa kama. Si Tita at Tito na ang nagbantay dito kaya nagpaalam na rin ako. I can't stay until he wake up. I'm scared.
Hinatid ako ni Ate Danica sa kanilang gate at dahil aantayin ko pa naman si Tyron ay kinausap muna niya ako.
"Kamusta ka na? Ang laki na ng pinagbago mo a." sabi niya habang tinitingnan ako.
Nahihiya akong sumagot. "Mabuti naman... naging mabuti naman." sabi ko.
"Uhmm may sasabihin ako sa 'yo pero hindi ito dahil kapatid ko si Kailer. Sasabihin ko ito as a friend to both of you since I've been with you for years." Tumango ako at inantay ko ang pagpapatuloy niya. "For three years alam ko na pareho kayong naglakas ng loob magheal pero in the end hindi pa rin kayo okay. Alam kong nasasaktan pa rin kayo. Advice ko lang na siguro hindi ibang tao ang kailangan niyo to heal, why not consider having each other right?"
Be with Kailer to heal? Isn't that impossible? "How can you heal when you're with the one who gives you pain?"
"Bakit sa alcohol nasasaktan ka nga pero tumutulong naman 'to sa pagpapagaling ng sugat mo?"
Natahimik ako sa kanyang sinabi.
***
Pauwi na kami ni Tyron. Nagtanong siya kung bakit ako nagpunta kina Kailer at sinabi kong may sakit ito kaya pinapunta ako ni Ate Danica. Alam kong hindi niya gusto iyon kaya nagsorry agad ako. May kaunting tampo siya pero alam kong mawawala rin naman iyon maya-maya.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad kong inilabas ang phone ko to check on Kailer. I texted his mom. Of course I'm worried kasi ako ang dahilan ng pagkakasakit niya. Siguro ay napagod siya ng sobra sa mga pinagawa ko sa boutique at naulanan pa.
I'm just worried because he's... he's... someone I used to... know.
Good evening po, Okay na po ba si Kailer, Tita?
Ilang minuto ang lumipas bago ako nakatanggap ng reply, mabilis ko itong tiningnan...
You're worried about him?
Ano ba 'tong si Tita hindi pa sumagot... May isang text pa!
I miss you...
Huh?
'Yan ang sabi niya :)
Napakamot ako ng ulo. Ano bang trip ng Mama ni Kailer?
Uhmm okay na po siya?
Tapos nagreply ulit ito.
Okay na ako kasi kinamusta mo ako. :) Salamat Mikka...
Nag-init ang pisngi ko at napatago ako sa loob ng kumot ko! Dammit Kailer Eisen Ramirez! Nakakahiya!
***
Sa sumunod na araw ay hindi ko na inasahan na magkikita pa kami ni Kailer pero nagkamali ako dahil pagdating ko pa lang sa boutique ay nandun na sya at nagaantay sa akin sa opisina ko. Namumutla pa siya kaya anong ginagawa niya sa labas ng kwarto niya?
"Umuwi ka na. Wala na tayong paguusapan ngayon. Napatawad na kita. That's it." matabang na sinabi ko at naupo na sa swivel chair.
I will never heal with him. I hate alcohol.
Bubuksan ko na sana ang folder sa harapan ko nang kunin niya ito mula sa akin at ilapag ulit sa lamesa. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Mikka..."
"What? Go home at baka mas lumala pa ang sakit mo!" I hissed.
"Mikka, mahal mo na ba si Tyron?" Nagulat ako sa kanyang tanong.
I like him... but I don't know if it's already love or gratitude but then... "Kung papipiliin ako ay siya ang dapat kong mahalin imbes na ikaw. Kaya please I said just leave me alone." Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot dahil doon...
"Gustuhin ko man... hindi ko kaya... pero susubukan ko para sa 'yo. I hope I can still live though." He's teary-eyed and I can't take it. Yumuko ako.
Hindi ko inasahan na hahawakan niya ang baba ko at itataas. Naging magkalebe ang mukha namin at dahan-dahan siyang lumapit upang mawala ang distansya sa amin. Hindi ako nakakilos nang maglapat ang labi namin. It was a soft swift kiss that made me puzzled. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa gilid ng mga mata ko nang mapapikit ako.
Pinagdikit niya ang mga noo namin pagkatapos. "I love you..." He whispered and then this three words echoed in the four corners of my office even after he left.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...