Chapter 57 || Worried
Mikkaella's POV
Gustong-gusto kong magpatawad. Gusto kong patawarin si Cyrish at lalo na si Kailer dahil may nagawa rin naman akong masama sa kanila. Magpapatawad naman ako kung kaya kong kontrolin ang damdamin ko e pero mahirap. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari. Parang paulit-ulit na nangyayari lahat kahit na matagal na 'yong natapos.
"Hello Tyron?" sabi ko sa kabilang linya. Kaaalis lang ni Kailer dahil sa inutusan ko siyang magdeliver ng mga kahong may lamang damit sa iba't ibang lugar. He wants to be a servant then I'll give him what he wants. Pahihirapan ko siya para sumuko na siya at siya na mismo ang kusang lumayo.
"I can't go for lunch. Okay ka na ba dyan? Are you okay without me?" Unang naging sagot ko ay hindi pero nang maisip kong tinatanong lang niya ako tungkol sa pagkain ng wala siya ay sinagot ko siya ng okay lang na magisa akong kumain. Alam ko sa sarili ko na ayokong mawala si Tyron sa buhay ko. He's been there when I needed him the most and he stayed with me all this time although I'm hard to deal with. Mahalaga siya sa akin.
"Tyron... gusto kong itanong, bakit palagay mo nasasaktan ako ngayon ng sobra dahil sa kanya?" Natahimik sa kabilang linya... "Tyron?"
"Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi siya mahalaga sa 'yo, kung hindi mo siya mahal...."
Hindi pwede... imposibleng mahal ko pa siya.
Ilang araw ang lumipas at patuloy pa rin sa pagpunta si Kailer sa boutique. Hindi ko siya kinakausap ng mahaba. Inuutusan ko lang siya ng inuutusan. That's what he wants right? Kung akala niya ay madali lang na mapatawad ko siya ay nagkakamali siya.
I feel hatred but I also feel weak because of him.
Sabi ng mga nakapaligid sa akin, dapat ay magpatawad na ako. Ito ang paraan para 'yung sakit mawala. Yes I will still remember what happened, but I will no longer be bound by it. Forgiveness is not for the person who hurt you but for yourself... I deserve to be happy and I thought masaya na talaga ako.
Iyon lang pala ang akala ko dahil sa tuwing nakikita ko si Kailer at Cyrish ay naipapamukha nila sa akin na hindi.
***
Maaga akong pumasok ngayong araw and guess what? Nakita ko lang naman si Kailer na inakap si Cyrish. She's crying. Gusto kong pumalakpak at bigyan sila ng mga korona. The best talaga silang dalawa! Dito pa talaga sa harapan ng boutique ko? Mga walanghiya kayo! Gusto ko silang murahin at palayasin but if I do that, I'm just giving them the satisfaction of seeing me in pain. Sapat nang nagpakatanga ako noon. Hindi na ako aasa Kailer. Hinding-hindi na.
Pumasok ako sa loob ng boutique at tumulong na sa mga kasama ko. Nang matapos kami ay tyaka lang pumasok si Kailer. Hindi ko siya tiningnan sa mata at nagutos lang ng nagutos bago ako pumasok sa opisina ko.
I really hate him!
Nang maggabi na ay nagtext si Tyron na papunta na. Maghahapunan kami ng sabay gaya ng lagi naming ginagawa.
Dumating naman siya at hindi na ako nagintay ng matagal. Kumain kami sa isang restaurant at nagkwentuhan ng kung anu-ano. Natatawa ako kahit na hindi naman masyadong nakakatawa. Nakangiti ako kahit nalulungkot ako. Ngayon ko lang naramdaman 'to kasama si Tyron. Nasasaktan ako ng sobra na tinatago ko 'yon sa bawat ngiti at pagtawa na pinapakita ko sa kanya. Bakit nasasaktan pa rin ako? Ano ngayon kung magkayakap sila ni Cyrish? E kung sila naman ay okay lang 'yon!
Pagkatapos kumain ay sumakay na kami ng kotse niya at tahimik lang ako. Pinagsalikop nga niya bigla ang mga kamay namin pero nawala rin nang sumakay na siya sa driver's seat. Siya na ang nagkabit ng seatbelt ko dahil mukhang nakaligtaan kong gawin 'yon. Tahimik lang akong nakatingin sa may bintana nang basagin niya ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...