Chapter 58 || Forgiveness
Kailer's POV
"I need to go!"
"You're not going anywhere!" At sinarado na nila ang pintuan. I'm stuck here in my room dahil ayaw nila akong papuntahin sa boutique. I know why they don't want to. May trangkaso ako but there's no way I care about that now. Sinabi ko naman sa kanila na ayokong isipin ni Mikka na sumuko na ako pagkatapos ng nangyari kagabi. I'm not giving up! I want to earn her forgiveness. I want our chance!
Hindi lang simpleng payong ang natanggap ko mula sa kanya kundi pag-asa... kahit maliit ay masaya na ako...
"Kuya Kai?" boses iyon ni Dashiell. Napaupo na lang ako sa tapat ng pintuan at sumandal ako roon. Nakalock mula sa labas ang pinto ng kwarto ko. They locked me here so I can't go out. Tss. Gusto ni Mama at Papa ito at alam ko namang iniintindi lang nila ako but geez... I don't care about myself now.
"Just leave me now Dashiell..." matamlay kong utos. Ang sakit talaga ng ulo ko na tipong parang umiikot ang paningin ko.
Hindi ko naman pwedeng tawagan o itext o ichat man lang si Mikka. She'll not believe me for sure. Baka isipin nun tinamad lang ako puntahan siya. I'm not! I don't want to give up!
Kinatok ko ng kinatok ang pintuan. "I have to go! Hayaan niyo na ako!" sigaw ko kahit na hinang-hina na ang buong katawan ko.
"No Kailer!" sigaw ni Mama.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa nasa ganito akong sitwasyon. Ayokong masayang lahat ng efforts ko this past few days dahil lang sa bigla akong nagkasakit ngayon...
***
"What are you doing here?" Hindi ko inasahan na si Cyrish ang makikita ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakaupo ako ngayon sa kama ko at nilapitan niya agad ako.
"What happened to you? You look so pale..." Puna niya at hahawakan sana ang mukha ko pero lumayo ako.
"Cyrish umalis ka na lang." diretso ang pagkakasabi ko. I mean it. I don't want to see her now. All I can think of is the past and I hate what happened in the past. I hate myself the most...
"K-Kailer para namang wala tayong pinagsamahan."
"Kung inisip mo 'yan noon edi sana hindi mo na kami pinaglaruan ni Mikka." Ayoko siyang saktan dahil nga sabi niya, may pinagsamahan kami, minahal ko rin siya. But then I want to let her know my thoughts. How come she's here now after everything?
"Nandito ako ngayon kasi gusto ko lang naman magpaalam. I'm going to California. Our modelling agency is in the hands of Dianne now."
"Sino ang kasama mo?" I'm not surprised that she said that. Inasahan ko na 'to lalo na at nalaman ko ang lagay niya at ng pamilya niya.
"No one." She smiled kahit na may bakas pa rin ng lungkot. Dahil ito ang naging sagot niya ay hindi ko na siya balak pang usisain. She wants privacy then I'll give her what she wants.
"Ingat ka..." sabi ko at inilahad ko ang kamay ko para sana makipagkamay. Kinuha niya 'yon pero lumapit siya at mabilis na hinalikan ang pisngi ko.
"Thanks Kailer."
"Excuse me..." Nagulat ako sa narinig kong boses dahil pamilyar iyon. Napatingin ako sa may pinto at nakita kong paalis si Mikka. Nakita ba niya kami? Namisunderstood ba niya ang ginawa ni Cyrish? No... No. Ayokong iba ang maisip niya. Tumayo na ako para habulin si Mikka pero humarang si Cyrish.
"I should talk to her. Hindi ko siya hahayaang umalis ng bahay niyo but let me talk to her bago ako umalis." Hindi na niya inantay ang sagot ko dahil sa umalis na siya para habulin ito. Napayuko na lang ako at pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay.
***
Tumayo na ako ng kama dahil sa hindi na ako makapagintay. Ang tagal naman nila? Mas sumakit ang katawan ko dahil sa pagaalala.
Nakaisang hakbang na ako nang magangat ako ng tingin dahil sa pumasok sa kwarto ko. Nanlabo pa ang paningin ko sandali. "Anong tinatayo-tayo mo?" mataray na tanong ni Mikka at natulala ako. Nabalik lang ako sa katinuan nang maiupo na niya ako sa kama.
"Mikka..." tawag ko. Napansin ko ang pamumula ng kanyang ilong at mata na nagpapakitang umiyak siya. Ano kaya ang sinabi ni Cyrish sa kanya at nagkaganito siya. Nakangiti siya ng matamlay. Huminga siya ng malalim bago binuksan ang kanyang bibig para makapagsalita.
"I forgive the two of you." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit bigla niya kaming napatawad? Hindi lang iyon ang ikinagulat ko dahil inakap pa niya ako na hindi ko inasahan. Inakap ko siya pabalik na halos ayoko nang tumigil pa. "So please just forget about everything. We have nothing to do with each other anymore. Our connection ends here." Akala ko ay makakahinga ako ng maluwag oras na marinig kong pinatawad na niya ako pero bakit ganito? Parang mas gusto ko nung hindi pa niya ako pinapatawad. Ayokong matapos kami rito. Hindi ko kayang magkunwari na wala lang para sa akin ang mga pinagsamahan namin. Ayokong magkalimutan kami. Hindi ko kaya...
"B-Bakit?" Humiwalay na siya sa pagkakayakap at tiningnan ako.
"Anong bakit?" tumaas ang boses niya.
"Bakit mo kami biglang pinatawad?" halos maiyak na ako sa tanong ko. Ang gulo ko alam ko.
"Hindi ba iyon naman ang gusto niyo? Nakausap ko ang pinsan ko. I now understand Cyrish... and I forgive her. Ngayon ay ikaw naman ang pinapatawad ko. Gusto ko nang maging masaya. 'Yung walang bigat sa loob ko tuwing nakikita ko kayo o naaalala ko ang nangyari sa akin noon. Let's move forward ok? Without all the heartaches and scars..." I saw tears rushing down her cheeks pero agad niyang pinunasan na parang natatakot siyang makita ko iyon. "Ayoko munang makita ka Kailer kasi pag nakikita kita nasasaktan lang ako lalo."
Nakita ko sa mga mata niya ang labis na paghihirap at kalungkutan. Ganito ba talaga ang epekto ko sa kanya? Sa nakikita ko ay mas lalo kong kinamumuhian ang sarili ko.
Tumayo ako at dapat sana'y lalapitan siya pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Akala ko ay babagsak ako sa sahig pero maagap siya at nahawakan ako sa magkabilang braso. Puno ng pagaalala ang kanyang mga mata. "Kailer wake up. Hindi na natin pwedeng ibalik ang nakaraan. You need to just fix yourself." Halos mabasag ang boses niya sa pagsabi nun.
Kahit na ayoko siyang mahawa ay kinulong ko pa rin siya sa yakap ko. Hindi siya kumilos kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. "Kung papatawarin mo ako ngayon, hindi ba pwedeng magsimula ulit tayo?"
"Hindi ganun kadali 'yun Kailer... Masakit pa rin e. Hayaan mo na ako. I've forgiven you! Hayaan mo na ako tulad ng lagi mong ginagawa noon!" puno ng hinanakit ang boses niya.
Mas naramdaman ko ang mainit kong temperatura.
"Mikka alam kong nagkamali ako. Alam kong nasaktan kita. Pero Mikka mahal na mahal kita."
Ito na ang puntong bumagsak na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Mas sumama ang pakiramdam ko ngayong nandito kami sa sitwasyon na pwedeng hindi na kami magkita pang muli.
"Pero paano nga ngayon Kailer? I don't know if I still love you." Nanghina ang mga tuhod ko sa kanyang sinabi lalo na nang ilayo niya ako ng dahan-dahan mula sa kanya at makita ko ang pagtalikod niya sa akin.
Saying goodbye is the hardest thing to do to someone whom you thought would never leave you.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...