Epilogue

9.8K 142 84
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng simbahan at nagiintay na magsimula na ang kasal.

Ang ganda ko sa suot kong gown! I fell in love with this the moment I finished my design. Hindi talaga ako makapaniwala na nandito ako ngayon. After all, marami kaming pinagdaanan ni Tyron. Seeing us both here? As in nakakawow talaga. Philip and Fred didn't imagine this as well.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa sobrang excitement siguro.

Nang bumukas na ang pintuan ay pumasok na kami. Maraming tao sa loob ng simbahan. Nginitian ko sila at dahan-dahan na naglakad...

Aakalain ng marami na kasal ko 'to dahil sa ito nga ang pakiramdam ko pero no way. Single pa ako at mukhang single forever ang peg. Ilang beses na akong umattend ng blind date pero wala pa rin akong makitang perfect match sa akin.

Kasal ng kaibigan ko 'to. Kaibigan ko na minsan kong minahal. Well siguro infatuation lang gaya ng sabi ng pinsan kong si Xandreen. I'm happy for him now though.

Nakita ko ang kaibigan ko na nagiintay sa kanyang bride. I smiled at him and he smiled back. Sumingkit na naman ang mga mata niya. Pumunta na kami sa mga pwesto namin and now is the time for the bride's moment habang naglalakad papalapit sa kanyang groom. They're match made in heaven I must say. Kahit na nung una ay parang wala silang pag-asang dalawa, they worked it out at naging okay naman.

Oras lang talaga minsan ang kailangan para maghilom ang mga sugat.

"I love you..." He said to her and I heard it. Hindi na masakit. Okay na sa akin ang sabihin niya 'yon sa kanyang bride.

"Bagay na bagay si Celestine at Tyron!" sabi ni Fred sa tabi ko at natawa ako dahil tama siya. Bagay na bagay silang dalawa.

***

Tanda ko pa nung huli kong marinig ang tatlong salita na 'yan.

That was the most regretful night of my life.

That was the night I lost him.

***

Our last conversation were still so clear in my head like it didn't happen a year ago.

"I want you to be happy, even if I have to disappear."

"Kai-"

"Mikka, you deserve to love and be loved... you deserve the happiness that I cannot give you..."

***

"I love him..."

I am so stupid for saying something out of the blue without even considering if it's really what I feel.

Sa pagbalik ng Maynila ay parang bulang naglaho si Kailer. Nalaman ko mula sa parents niya na umalis ito ng bansa pagkabalik na pagkabalik galing tagaytay. Anila ay nasaktan daw ito ng sobra. Tinanong nila ako kung anong dahilan pero hindi ko na sinabi pa. Siguro ay akin na lang iyon.

It's already one year since I last saw him...

I miss him so much.

Nang mawala siya ay nawala na rin ang mga bulaklak galing sa nagpapakilalang Secret Admirer ko... Doon ko nalaman na iisa sila ni Kailer. Na lihim siyang nanliligaw. Nakumpirma ko pa ito kay Ate Danica... malungkot niyang ipinagtapat ang totoo. Alam daw kasi ni Kailer na oras na malaman kong manliligaw siya ay tatanggi ako.

Gaya niya ay naloko ako ng sarili ko. I thought I've already moved on... I thought I already love Tyron... pero maling akala lang ang lahat. Because in the end it was just infatuation.

"Nakita mo lang si Kuya Kailer kay Kuya Tyron Ate..."

This was the bottomline I heard from Xandreen. Mukhang tama siya. Kasi malaking parte sa akin ang nawala nang hindi ko na siya muling nakita pa.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon