Chapter 47 || Forget Him
Mikkaella's POV
"So nakita mo na ulit ang gagong 'yun?" tanong sa akin ni Philip, kaibigan ni Tyron na naging kaibigan ko na rin. Kasama niya ang kanyang kapatid na si Celine at pinsang si Fred. Sinali nila ako sa barkada nila three years ago at sobrang saya nilang kasama. Ito nga ngayon at nandito sila sa bahay ni Tyron dahil nalaman nila ang nangyari sa bar. They know my story dahil naikwento ko rin ng buo sa kanila.
Hindi ko nga inakala na magiging malapit ako sa kanila. Well, we have different personalities and obviously madalas na silang tatlong lalaki ang kasama ko. Tyron is cool, Philip is serious, Fred is jolly. Haha. I still don't know how to describe the three of them. Basta lahat sila ay may lahing Korean at obvious naman 'yon dahil Lee ang apelyido nila. The Lee family is very popular when it comes to the Entertainment Industry. Ang galing nga dahil kaibigan nila si Tyron kaya medyo nagkakatulungan lalo na fashion ang handle namin.
I learned from Tyron na hindi niya alam kung may iba pa siyang kamaganak lalo na at only child pareho ang parents niya at only child pa siya.
Nakaupo kami ngayon dito sa sala at umorder ng pizza kaya panay ang kain at kwentuhan. Nagkamustahan na nauwi sa issue ko. Si Tyron tumaas para magpalit at si Celine nakahilig kay Philip dahil inaantok na. Si Fred naman abala sa paglalaro ng Xbox na mukhang tuwang-tuwa at walang pakielam sa mundo.
"Yup." sagot ko kay Philip. Inihiga na niya si Celine sa hita niya. "Sa guestroom na kayo matulog." sabi ko at umiling siya. This two are really sweet with each other kaya hanga ako sa kanilang magkapatid. Actually, kapatid din ang turing ni Philip at Fred sa akin kaya naman masaya silang kasama.
"Kailangang umuwi ni Celine kasi may summer camp siyang pupuntahan kinabukasan. Pero bago kami umalis, ano na bang balak mo sa lalaking 'yun ha?"
"Wala. Hahayaan ko siya. Wala naman siyang pake sa akin e."
"Kapag may pake na ano? Iwe-welcome mo with arms wide open?" singit ni Fred at tumawa ng nakakaloko. Umirap naman ako.
"No way!" At humalukipkip. Tumawa sila at hinayaan ko na lang. Dumating si Tyron at tumulong na sa mga kaibigan namin. Tiningnan niya ako saglit at agad umiwas. Hindi ko alam kung anong problema niya. Binitbit ko na lang ang gamit ni Celine. She's still minor dahil sa fifteen pa lang siya. Nakikita ko sa kanya ang cousin kong si Xandreen. But Xandreen is not sociable like her. She's one hell of a beauty pero nakatago iyon sa likod ng suot niyang salamin. Malabo na kasi ang mga mata niya. Well hindi masisisi because she loves reading books. Medyo close kami kaya nga I want to see her if time permits.
"Ingat kayo ha? Bye!" sabi ko kay Philip. Kasama na niya sa sasakyan si Celine at si Fred. Kumaway ako bago niya pinaandar ang sasakyan.
Nauna na ako kay Tyron sa pagpasok sa bahay at paakyat na sana ng hagdanan nang tawagin niya ako. I didn't dare look at him. Kasi naman medyo inis ako sa kanya kasi ang tagal pa niyang kunin ako sa dance floor. He even asked me questions kahit alam na naman niya ang sagot.
Nagpatuloy ako sa pagakyat pero natigilan nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko. This is the first time na naging ganito siya sa akin. He doesn't hug me if there's no reason like there's an occasion or important event that took place. "T-Tyron?" Pinagpahinga niya ang baba niya sa may balikat ko and I feel him breathe.
"Are you going to.. leave me now?" bumilis ang paghinga niya na para bang hirap na hirap siyang sabihin ang mga salitang 'yon sa akin. Humigipit ang yakap niya na muntik nang magpatalon sa akin. "Hmm? Now he's back... are you leavin' me?" I never heard him this way before.
"No Tyron... hindi ako aalis." Hindi naman talaga ako aalis.
"Please be honest with me. Ayokong bigla ka na lang mawala. I'm actually scared but I'm just keeping it. I don't want you to think that I'm so possessive kahit na nasasaktan akong makita na may ibang lalaking pumoporma sa 'yo..." Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang iniisip niya. I thought he has nothing like that in mind.
"Tyron..." Wala akong ibang masabi kundi ang pangalan niya.
"Mikka, you know it'll break me if suddenly you're gone but... but... if that'll make you happy, I'm willing to... to let you go. So don't-" Bago pa niya matuloy ang pagsasalita niya ay umikot ako at hinarap ko siya. Ipilupot ko ang braso ko sa kanyang leeg at inakap siya. Nakaakap pa siya sa akin kaya mas naging magkadikit kami.
Hindi ko maitatanggi na malapit sa puso ko si Tyron. I like him but I know it's not yet the same as what I felt for Kailer. But I want to forget that jerk. I don't want to use Tyron but he said he's willing to be with me in this fight. I'm not using him, I will never use him. I honestly want my feelings for him to grow and so I gave him a chance. He deserves to be loved and I'm still not sure if it should be me.
"To be honest, apektado pa rin ako kay Kailer... but not as much as before. I am really thankful Tyron sa lahat lalo na sa presence mo. Don't be scared okay? No matter what I'll always be your friend."
"But what if I want us to be more than friends? Alam mong manliligaw mo ako..." He sadly whispered.
"Then why did you ask me those questions sa bar? Dapat hinila mo na lang agad ako palayo sa kanya."
"Because your opinion still matters to me kahit gaano ko kagustong maging hadlang sa inyong dalawa. " Masyado akong pinapahanga ni Tyron. He's like a prince from a book. It's like he's someone who can give girls a happy ending. Hindi ko nga alam kung paano nakaya ng first girlfriend niya na makipaghiwalay sa kanya. Isa pa lang kasi ang nagiging girlfriend niya at ang rason na ibinigay niya sa akin ay ang differences nila.
He's giving me his hand pero hindi ko pa kinukuha. I'm tempted to say yes but as long as I still cannot leave my past behind, hindi pwedeng paasahin ko si Tyron. Sa totoo lang ay hindi ko pa rin napapatawad si Cyrish at Kailer. Pinsan ko at lalaking minahal ko ng sampung taon ang pinaguusapan dito... both of them joined forces to destroy me kaya hindi ko alam kung paano ko magagawang magpatawad. Masyado akong nasaktan.
"Tyron, I want you to fight for me. Make me forget him." Ito ang unang pagkakataon na sinabi ko ito sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mata. I saw his eyes widened. "Wag kang magalinlangan."
"Are you sure?"
I nodded. Maybe Tyron can help me completely forget him.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...