Chapter 5 || Beauty Contest
Mikkaella's POV
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Malapit nang tawagin ang pangalan ko!
Sa beauty contest na 'to, kailangan lang namin lumabas nang nakaswimsuit, casual at formal. Tatlong beses lang kami lalabas pero dapat sa tatlong beses na 'yon, maipakita namin na deserving kami. Sampu kaming maglalaban at tatlo lang ang mananalo. It's either 1st, 2nd or 3rd place. Sana lang talaga wala roon ang babae na 'yon para kahit di ako manalo, patas lang...
Woah. Nakakakaba! Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako sasali sa contest na ganito! EXTREME TRAINING talaga ang pinagdaanan ko lalo na pagdating sa pagkain. Grabe at gutom ako hanggang ngayon. Hindi pa kasi ako kumakain. Ayaw nila Cyrish at Dianne. Oo raw at imposible na sumexy agad ako sa loob lang ng ilang araw pero dapat daw kahit kaunti mabawasan ako ng timbang para magkacurve man lang ang katawan ko. Maeexpose kasi syempre sa swimsuit 'yung katawan ko. Hay! Naiisip ko pa lang na may mga taong titingin sa katawan ko, kinikilabutan na ako.
Nakasuot na ako ng swimsuit ngayon. Mabuti na nga lang at may tela 'yung sa tyan ko eh. Hindi masyadong revealing 'yung swimsuit ko unlike sa mga nakikita ko sa beach.
Hinayaan pala namin na nakalugay ang mahaba kong buhok tapos nilagyan nila ako ng make-up na magmumukhang natural. Hindi sila nahirapan dahil talaga namang mapula na ang labi at pisngi ko. Matangos din ang ilong ko kaya hindi na ito kailangang patangusin pa. Kung ganda nga raw ang paguusapan ay walang binatbat lahat ng babaeng kasali rito sa akin.
"Mikkaella Louise Villaroel!" Ako na 'yun!
"Go girl!" sabi ni Cyrish.
"Pataubin mo silang lahat." sabi naman ni Dianne. Huminga ako ng malalim bago lumabas at nagpakita sa stage. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko pagkakita sa maraming tao. Nakita ko agad si Kailer dahil nakaupo siya sa upuan para sa mga judges! Hala! Isa siya mga judges?! Mas kinabahan tuloy ako!
Naalala ko 'yung nangyari kagabi. 'Yung sinabi niya at pagakap niya sa akin. Kailangan manalo ako rito. Kailangan maipakita ko sa kanya na deserving din ako na magustuhan niya.
"Go Mikka!" si Felix 'yung sumigaw. Dun ko napansin na hindi pa pala ako naglalakad kaya naglakad na ako. Rumampa ako gaya ng pinagpraktisan ko. Hindi ako magpapatalo. Ngumiti rin ako habang iniisip ang nagpapasaya sa akin na walang iba kundi si Kailer.
Tumatak tuloy sa isip ko ang maamo niyang mukha. Alam ko may lahi silang chinese kaya chinito siya. He's so close to perfection dahil sa mata nyang mapangakit, matangos na ilong, mapulang labi. Maputi rin siya at matangkad. Tyaka kung abs lang ang paguusapan ay grabe ang kanya... Kaya nga maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya eh. Aissh. Nangangarap na naman ako ng gising dito.
Pero alam ko naman na kahit maraming babae sa paligid ni Kailer, sobrang loyal pa rin siya kay Cyrish...
Tumingin na ako sa audience.
Kung kanina'y mahina lang ang palakpak at wala pang sumisigaw, unti-unting umingay ang mga tao. Sinisigaw nila ang pangalan ko. Sinisigaw nila na hindi man daw ako ganun kasexy sobrang ganda ko raw. Totoo ba?
Napatingin ako kay Kailer. Ngumiti ako at nakita ko na parang may iba sa tingin niya sa akin. Alam kong may iba dahil ngayon lang niya ako tiningnan ng ganun. Parang may ibang kahulugan ang tingin niya dahil ganuon siya tumingin kay Cyrish. Alam kong ganun ang tingin niya sa pinsan ko dahil sa tuwing titingin siya rito, nakatingin naman ako sa kanya. Assuming lang ba ako o hindi ako nagkakamali?
Mas lumakas ang loob ko dahil sa reaksyon niya. Huminto ako sa gitna at nagpose. Ngumiti ako na parang mapangakit gaya ng pilit pinapagawa nila Cyrish sa akin. Nawala 'yung insecurity ko dahil sa syempre hindi ako sexy. Mukhang hindi naman nila masyadong pinansin 'yon eh. Parang hindi naman big deal.
Nang makabalik ako sa backstage, nakasalubong ko 'yung babaeng humamon sa akin. Siya na yata ang sunod sa akin. Grabe! Ang laki ng boobs niya (pero parang mas malaki 'yung akin lalo na't malaman ako haha) tapos ang sexy niya! Nakakalubog sa kinatatayuan pero hindi ako dapat magpasindak! Hipon naman siya eh! Hindi siya kagandahan. Tiningan niya ako at sumibangot siya. Nilagpasan ko na lang siya at pumunta ako sa mga kaibigan ko para maayusan ako.
***
Nang matapos ang dalawang pagrampa, mas kalmado na ako at mas naging confident na rin. Last na pagrampa na 'to suot ang gown na talagang pinili ni Cyrish para sa akin. Ang ganda nito at pakiramdam ko ikakasal ako. Puti kasi ang pinili niya para raw mangibabaw ako sa lahat. Floral gown ito na pa-tube. Itinaas lang niya ang buhok ko at naglaglag ng kaunting buhok. Light lang din ang make-up kaya naman mas naging angat ang itsura ko. Kahit ako ay namangha dahil gusto ko ang itsura ko ngayon. Simple pero elegante.
Napaisip tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Cyrish. Ito ba siya? 'Yung mabait na tumutulong sa akin? O siya ba 'yung narinig ko? 'Yung babaeng maraming lalaking pinapaikot?
Narinig ko nang tinawag ang pangalan ko kaya naman lumabas na ako. Lumakas ang hiyawan ng mga tao sa akin. Gusto kong maiyak kasi isang malaking achievement ang pagsali ko sa contest na 'to.
Dahan-dahan akong naglakad. Kagaya ng sabi sa akin ng mga kaibigan ko, pinagmukha kong prinsesa ang sarili ko. Ginawa kong mahinhin si Mikkaella Louise Villaroel. Alam kong hindi ko nature 'to pero ginagawa ko ngayon. Parang nagiging si Cyrish na tuloy ako. Pero iyon naman ang plano ko 'diba? Ang gayahin siya dahil baka sa ganuong paraan, mahulog din ang loob ni Kailer sa akin.
Kailer...
Nakita ko siya na nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya at iniwas niya bigla ang tingin niya. Anong nangyari sa kanya ngayon? May mali kaya sa itsura ko? Hay... sana naman wala. Sana nagagandahan siya sa akin. Sa ayos ko ngayon.
***
"Mikkaella Louise Villaroel!" Nagulat ako! Pangsecond pa ako? Talaga?! Nanalo ako! Tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Kailer. Nakangiti ito sa akin. Si Felix naman sumisigaw mula sa audience. Ang lakas din ng palakpakan ng mga tao. May sumigaw pa na dapat ako raw ang first eh pero kuntento na ako sa nakamit ko.
Teka. Hindi pa pala tapos ang isipin ko dahil sinabi nung host na ang sunod na tatawagin niya 'yung pinakapanalo sa beauty contest na 'to. Nakita ko 'yung babaeng naghamon sa akin. Hindi siya sa third so it's either wala siyang napanalunan o first siya. Nagtaka ako nung makita kong naglalakad na siya papunta sa host kahit hindi pa natatawag ang pangalan niya.
"Sharmane Dizon!" Napanganga siya pagkarinig ng pangalan na 'yon. Mukhang hindi siya ang tinawag dahil may ibang babaeng lumapit at napahiya siya. Nagpapapadyak siya at lumapit siya sa host.
"Sigurado ka? Baka mali ka ng nabasa! Hoy!" May mga security guard na nagpunta at hinila na 'yung babae paalis ng stage. Buti nga sa kanya! Akala naman niya madadala lang ng katawan niya ang pagkapanalo eh! Hmp. Anyway, ayokong mawala sa mood. Sobrang saya ko ngayon dahil bukod sa may napatunayan ako sa sarili ko, napatunayan ko sa babae na 'yon na hindi niya ako dapat maliitin.
"Congrats Mikka!" lumapit na sa akin 'yung tatlo pero si Kailer syempre hindi dahil judge siya. Tumayo lang siya para magabot ng bouquet sa aming mga nanalo. Pagkalapit niya sa akin, ngumiti siya. Bumilis ang pintig ng puso ko sa ngiti niyang 'yon.
"Congrats!" sabi niya at ngumiti ako na abot tenga.
"Salamat sa inyong lahat!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...