Chapter 11 || Declaration of War
Mikkaella's POV
Binasa ko ng isang buong araw ang notebook ni Cristina imbes na magpunta sa bar at natapos ko iyon habang umiiyak ng bongga.
Nalaman ko na mahal na mahal ni Fernando si Rosa kaya ikinasal sila. Pinsan din ni Cristina si Rosa at nagparaya siya kahit masakit para sa kanya. Nabigla siya nang malaman niya na may ibang lalaki si Rosa. Nalaman iyon ni Fernando galing sa kanya pero hindi siya nito pinaniwalaan. At nang malaman din nito na totoo ang sinabi ni Cristina, naging bulag at bingi ito para kay Rosa dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ganuon kamahal ni Fernando si Rosa.
Binanggit ni Cristina sa notebook ang araw-araw na pinagdaanan niya. Nakwento niya ang laman ng panaginip ko noon. Ang mga date ni Fernando at Rosa. Ang pagpo-propose din nito. Ang pagpapakasal nung dalawa...
Napanaginipan ko rin ang tungkol sa kwintas. Kay Rosa pala dapat iyon pero inagaw ni Cristina. Si Cristina ang nasabing babae na nagmumulto dun sa kweba. Naisip ko rin na baka kaya nagparamdam siya kay Kailer... kaya tinawag nito si Fernando... akala niya sa wakas ay pinuntahan na siya ng lalaking mahal niya.
Totoo. Totoo ang kwento tungkol sa kweba. Totoo na nagpakamatay si Cristina roon. Alam ko dahil napanaginipan ko! Napanaginipan ko at malinaw sa akin ang sakit at dalamhati niya. Damang-dama ko ang dinanas niyang hirap dahil sa hindi siya minahal ng lalaking mahal niya. Na hanggang sa huling hininga niya, walang pagmamahal na naibigay si Fernando sa kanya. Ang buong pagkatao nito ay kay Rosa lang napunta.
Ngayong alam ko na ang dinanas ko sa nakaraang buhay ko... takot ako oo. Dahil alam kong noon pa ako natalo sa laban namin ni Cyrish nung ako pa si Cristina. Pero ngayon na ako na si Mikkaella, hindi ako pwedeng magpatalo. Gagawin ko ang lahat para hindi sila magkatuluyan ni Kailer. Para mahalin din ako ni Kailer. Para mapasaya ko siya hindi gaya ng balak ni Cyrish.
Ayokong masayang ang pagkakataon na 'to. Sino ba namang magaakala na maaalala ko pa kung sino ako noon? This is not ordinary. So there's really a so called past life?
***
"Mahal ka ba niya? Tingin mo mahal ka niya? Tingin mo ba hindi ka nya sasaktan at sasaya ka kasama siya?" Kahit ako nagulat sa tanong ko kay Kailer. "Uhmm sorry, nacarrried away lang." dahilan ko na lang.
"Kung hindi niya ako mahal, handa ako magantay hanggang sa mahalin niya ako. Kung sasaktan niya ako okay lang sa akin. Sasaya ako basta kasama ko siya." Ouch. Nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Ngayon pa lang kasi ay alam ko nang may dalawang lalaki na si Cyrish... At masasaktan siya panigurado kapag nalaman niya 'yon.
"Paano kung may ibang lalaki na pala siya?" Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ko lang si Kailer. Nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"Hindi naman siguro... alam naman niya na matagal na akong may pagtingin sa kanya 'diba?" Ayokong makita siyang malungkot. Hindi ko masabi sa kanya ang nalalaman ko... Naiisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya parang pinipiga na ang puso ko.
"Ahh..." nasabi ko na lang.
"Basta ah. Walang magbabago sa atin. Magkaibigan pa rin tayo kahit na hinalikan kita??" parang batang tanong niya. Tinawanan ko na lang siya at sinuntok ng mahina sa braso.
"Pinky swear sige." At nakipagpinkyswear nga siya kaya napangiti ako kahit na puno pa rin ako ng pangamba. Sa totoo lang din.... nalungkot ako nang sabihin niya na kalimutan na namin ang nangyari ng gabing 'yon. Kasi ayokong makalimutan 'yun. Masayang alalaa 'yon para sa akin eh. And to think na lasing lang siya at hindi niya sinasadya kaya niya ginawa 'yon, mas masakit sa akin... ginusto ko kasi 'yung nangyari eh... pero iba pala para sa kanya. Umasa pa naman ako na baka magkatulad kami ng naramdaman ng gabing iyon.
***
"Oh? Anong kailangan mo at nagpunta ka pa talaga rito sa kwarto ko?" sabi ni Cyrish sa akin nang pagbuksan niya ako ng pinto kinagabihan. Sabay-sabay kaming bumalik galing sa pangingisda. Sumunod kasi kami ni Kailer.
Naupo siya sa kama niya habang hawak pa rin ang phone niya. "Balak mo bang sagutin si Kailer pag nagtanong na siya kung pwede ka niyang maging girlfriend?" diretsong tanong ko sa pinsan ko. Napatingin naman siya sa akin saglit pero binalik niya ang mata sa phone niya. Nagtetext ata siya.
"Oo naman. Inaantay ko lang siya." sagot niya sa tanong ko. Nakagat ko ang labi ko.
"Wala ka bang ibang manliligaw?" Sana sabihin niya sa akin na nagkamali lang ako. Na magiging tapat siya kay Kailer... para hayaan ko na lang sila. Kasi mahal na mahal siya ni Kailer eh... Ayoko lang naman na masaktan ang lalaking mahal ko.
"Uhmm marami. Maganda ako eh." Nainis lang ako sa sagot niya. Hindi ko na talaga kayang makipagplastikan!
"Wag mong isali sa bilang ng lalaki mo si Kailer." Nabitawan niya ang phone niya sa kama dahil sa sinabi ko.
"H-Ha?"
"Wag ka nang magpanggap sa harapan ko. Hindi na kailangan eh. Alam ko na marami kang lalaki. Na isasali mo lang si Kailer sa marami na 'yon. Ganun mo ba kagusto ng atensyon ha? Pati kaibigan natin balak mong saktan?" sunod-sunod na sumbat ko.
"Eh ano naman sa 'yo ha?" At last lumabas na ang tunay na kulay ni Cyrish. Inisip ko pa naman na itatanggi niya ang mga paratang ko at sasabihin niyang si Kailer lang ang lalaki sa buhay niya pero hindi eh. Tama ako sa lahat ng sinabi ko.
"Eh ano naman sa akin? Cyrish! For 10 years gusto ka ni Kailer tapos ano? Pagmumukhain mo lang siyang tanga dahil lang sa kalandian mo?!" Alam kong masasakit ang salitang binitawan ko pero kailangan para magising siya.
"Gusto mo ba si Kailer ha? Matagal na kitang napapansin eh." sabi niya at tinulak pa niya ako. Tumayo naman ako ng maayos. "Hindi ka niya magugustuhan kung umaasa ka. Sa akin lang siya gets mo? Kahit maghubad ka pa sa harapan niya, magsirko o ano ka hinding-hindi ka niya mamahalin." Sinampal ko siya ng malakas.
"Para 'yan sa kalandian mo."
"Mikka!" Sinampal ko ulit siya,
"Para 'yan sa simula ng away natin." At iniwan ko na siya. Kung hindi naipaglaban ni Cristina si Fernando pwes ipaglalaban ko si Kailer. Alam kong hindi siya magiging masaya kapag si Cyrish ang nakatuluyan niya gaya ni Fernando kay Rosa kaya hindi ko hahayaan na mangyari 'yon...
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...