Chapter 16

4.8K 106 3
                                    

Chapter 16 || Kasi Kaibigan

Kailer's POV

Nandito kami ngayon sa Birthday Party ni Fekix at ang loko naming kaibigan kanina pa inaantay si Mikka kaya hindi mapakali sa table.

Habang naguusap kami ni Cyrish, nakita kong inaya ni Felix si Mikka na magsayaw at palagay ko balak na niyang aminin ang totoong damdamin niya rito. Hindi ko na nga napansin ang pagdating nito sa table e. "Uy Kailer. Nakikinig ka ba?" Nabalik ang atensyon ko kay Cyrish. May sinasabi yata siya pero nakatingin ako dun sa nagsasayaw na dalawa. Naisip ko lang na no choice siguro si Mikka dahil sa maraming tao na nagiintay kanina kaya tumayo siya. Hindi niya kasi hilig ang magsayaw at kumanta. Sabi pa nga namin noon pareho kaming hindi biniyayaan ng talento roon. Pareho kaliwa ang paa namin at sintunado rin kapag kumakanta.

"Kailer? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"Oh? Bakit?" Nakita kong parang nainis si Cyrish. Wala akong narinig sa mga sinabi niya kung meron man. "Ay sorry. Napaisip lang ako dun sa dalawa." sabi ko naman.

"Tsk. Bakit mo sila kailangang isipin??" She crossed her arms. Mukhang nagseselos siya kaya natuwa ako dahil alam kong ayaw niya talaga akong mawala. 'Yun daw kasi ang pinakadahilan kung bakit nagseselos ang isang tao.

"Ako na lang intindihin mo. Hayaan mo na sila." Hinawakan niya ang pisngi ko at pakiramdamam ko may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil dun.

"O-Osige..." sabi ko naman at nakita kong ngumiti siya.

"Sayaw tayo?" aya niya kaya naman tumayo kami at nakisali sa mga nagsasayaw sa gitna.

***

Hindi pa natatapos ang kanta pero nabigla ako nang iwanan ni Mikka si Felix. Nakayuko ito at hindi ko alam kung saan balak pumunta. "Anong nangyari dun?" tanong ko kay Cyrish habang nagsasayaw pa rin kami.

"Hayaan mo na siya." Teka hindi ko pwedeng gawin 'yun. Baka ano nang nangyayari at kailangan niya ng tulong.

"Pinsan mo si Mikka. Hindi ka ba nagaalala?" tanong ko at hindi siya nakasagot sa sinabi ko. "Pupuntahan ko lang siya." sabi ko nang makita ko na sumunod na rin si Felix dito.

"Bakit pupuntahan mo pa siya ha?" tanong ni Cyrish. Hindi ko alam kung bakit parang wala siyang pakielam ngayon kay Mikka. Ako kasi nagaalala para sa kanya. Alam kong hindi siya okay dahil bakas 'yun sa mukha at kilos niya. "Sumunod na kaya si Felix." daing pa niya.

"Kasi kaibigan ko si Mikka at pinsan mo pa siya." sabi ko. Inaya ko siya na bumalik na sa table pero nagmatigas siya. "Please Cyrish." Hinawakan ko siya sa kamay at pinakita na gusto ko talagang puntahan si Mikka at Felix.

"Bahala ka." Umirap siya pero hinawakan ko siya sa bewang at sabay bumalik sa table.

"Sandali lang hmm?" sabi ko. Hinalikan ko siya ng mabilis sa pisngi bago ako patakbong umalis.

Maiintindihan naman siguro niya na mukhang kailangan ako ng pinsan niya at kaibigan ko ngayon. Wala namang masama kung tutulong ako dahil mahalaga si Mikka sa akin.

Nakita ko si Felix sa parking lot at may pilit itong inaakap na babae. Akala ko kung sino nung una pero nang tingnan kong maiigi ay si Mikka pala 'yon. Hahayaan ko na lang sana sila dahil baka makaistorbo ako pero nagbago ang isip ko nang marinig ang pagsigaw ni Mikka. "Ano ba?! Bitiwan mo na ako Felix! Tama na! Sinabi ko na sa 'yo 'diba? May iba akong mahal!" Mukhang ayaw niya ng ginagawa ni Felix. Parang nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa kanya. Aba baliw pala si Felix eh! Nananakit siya ng babae! Worst ay pareho pa naming kaibigan!

"Ayoko Mikka! Ang tagal kitang inintay tapos sasabihin mo may iba kang mahal ha? Hindi pwede 'yan! Ako na lang please!" Aba sira pala talaga ang ulo ni Felix eh. Sinabi na ni Mikka na ayaw niya pero ano pang ginagawa niya ngayon? Hindi niya dapat pinagsisiksikan ang sarili niya ng ganun. Pilit niya itong niyakap kaya nainis na ako dahil hindi ko na gusto ang nakikita ko. Kung gusto niyang mahalin siya ni Mikka, hindi dapat ganito ang ginagawa niya!

Lumapit na ako sa kanila at sinuntok ko si Felix. Nagulat si Mikka at hinila ko siya papunta sa likod ko. "Bakit mo ako sinuntok ha?!" sigaw ni Felix sa akin at sinuntok ko ulit siya.

"Tama na Kailer..." sabi ni Mikka sa likod ko.

"Ayaw nga ni Mikka 'diba? Matuto ka namang rumespeto. Sinabi ko na sa 'yo na hindi maganda ang ugali mong 'yan eh." sabi ko kay Felix. Nang harapin niya ako ay nanlilisik ang mga mata niya. Susuntukin dapat niya ako pero naunahan ko siya. "Hindi ka parin natatauhan ha? Layuan mo na lang si Mikka. Ayoko nang maging kaibigan ang gaya mo. Nung una gusto kita para sa kanya pero ngayong nalaman ko ang kakitiran ng utak mo, nagbago na ang isip ko." sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni Mikka. Dapat ay aalis na kami pareho pero sumigaw pa si Felix.

"Bakit ka ba nangingielam samin ha?! Kaibigan ka lang din naman!"

Nahinto ako. Sobra ba ang ginagawa ko ngayon para sa kaibigan ko? Ayoko lang naman na mapano si Mikka kasama si Felix... Hay. Ginulo ko ang buhok ko at dumiretso na kami ni Mikka sa kotse ko na hindi kalayuan.

Pinasakay ko si Mikka sa front seat at sumunod ako pagkatapos. Nakita ko na nanginginig ang kamay niya kaya hinawakan ko 'yun at tiningnan ko siyang mabuti. "Huminahon ka na. Iuuwi na kita." sabi ko.

"I'm sorry..." sabi niya at ginulo ko ang buhok niya para mapakalma siya.

"Magthank you ka na lang. Mas okay marinig 'yun." tumingin siya sa akin and she faintly smile.

"Salamat Kailer." She softly said.

Pinaandar ko na ang kotse ko para makalayo na kami sa bahay ng ungas na 'yon.

Tumunog ang phone ko at nakita kong tinatawagan ako ni Cyrish. Oo nga pala at naiwan ko siya dun sa bahay ni Felix. Hay! "H-Hello Cyrish?"

"Nasaan ka na ba?" halata sa boses niya ang pagkainip at pagkairita.

"Sorry Cyrish. Ihahatid ko si Mikka sa kanila. May nangyari eh. Ipapaliwanag ko na lang mamaya. Sorry talaga... sumabay ka na lang kay Dianne pauwi. Sorry." sabi ko.

"What?! Grabe ka magalala sa kaibigan ah. Talagang inuna mo sya kaysa sa girlfriend mo? Kailer naman!" Ayokong magkagalit kami ni Cyrish pero anong gagawin ko? Nandito na ako sa sitwasyon na 'to.

"Hindi naman sa ganun... mahal kita Cyrish. Kailangan lang ako ni Mikka ngayon. Intindihin mo sana." Hindi na siya nagsalita at binabaan na niya ako.

Tumingin ako kay Mikka na nakatingin lang sa bintana. Tahimik lang siya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari pero siguro mamaya ko na lang 'yun aalamin pag mas kumalma na siya.

Pagkatapos nito ay kailangan pang magkaayos kami ni Cyrish. Ginulo ko ulit ang buhok ko dahil sa sitwasyon na 'to. Baliw kasi ang Felix na 'yon.

Akala ko pa naman si Felix na ang lalaki para sa kanya pero nagkamali ako. Hindi siya bagay kay Mikka dahil sa ugali niya. Wala siyang karapatan sa pagmamahal ng kaibigan ko. Concern lang naman ako dahil kung sampung taon kong mahal si Cyrish, ganun ko rin katagal kaibigan si Mikka. Syempre ayoko rin na nasasaktan at nahihirapan siya.

"Huminga kang malalim hmm? Kalimutan mo na 'yung nangyari." mahinang sabi ko sa kanya pero wala parin siyang imik sa nangyari.

Hindi ko alam kung anong nagudyok sa akin pero pinadausdos ko ang kamay ko sa kamay niyang malapit sa akin at patuloy na nagmaneho.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon