Chapter 56 || Alipin
Kailer's POV
"Nasaan na siya?" tanong ko at tinuro ni Dashiell ang pinto habang may kagat na chocolate cupcake. Paglabas ko ay nakita ko nga si Mikka pero nasa harap naman niya si Tyron. Nakita ako nito at medyo tinagilid niya ang ulo bilang pagbati. Tumango lang ako. Nakita ko ang pagakbay niya kay Mikka na dahilan para ikuyom ko ang isang kamay ko.
Nang makasakay sila ng kotse at umandar na ito ay ganun na rin ang ginawa ko. Balak kong puntahan siya sa boutique. Kung kinakailangang magmakaawa ako mapatawad lang niya ay gagawin ko.
Nakasunod lang ang sasakyan ko sa kanila. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa nila kaya medyo mainit ang ulo ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami ni boutique. Hininto ko ang sasakyan ko sa hindi kalayuan at nagantay na umalis na si Tyron. Hindi naman siya nagtagal at nainis ako dahil inakap pa nila ang isa't isa. Tss.
Lumabas na ako nang kotse at agad pumasok sa loob ng boutique. Nagulat 'yung mga saleslady niya dahil syempre naalala nila ang huli kong ginawa nang magpunta ako rito.
"Kailer?" gulat na tanong ni Mikka.
"How can you forgive me?" tanong ko kahit marami na ang nakikinig sa amin. Napatingin siya sa paligid at pinanlisikan ako ng mata.
"I told you to leave me right?"
"Other than that. Kahit maging alipin mo ako okay lang mapatawad mo lang."
"Corny." Narinig kong bulong ng isang customer na medyo tumawa pa. Hindi ko iyon intindindi at kay Mikka ko lang itinuon ang atensyon ko.
Tumikhim siya at sumandal sa pader. Nakatingin siya sa akin ng seryoso pero ngumisi pagkatapos. "Fine. Then can you run some errands for my boutique?" Nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa hindi niya ako tinaboy this time.
"S-Sige! Okay lang!" sagot ko agad. Nagkatinginan sila ng iba niyang kasama at hindi ko alam kung bakit ganun sila makatingin sa isa't isa.
***
Gabi na nang makabalik ako sa boutique. Pagod na pagod ako at akala ko maihahatid ko si Mikka pero sarado na ito. Ginulo ko ang buhok ko at sumandal sa kotse ko. Ang sakit ng katawan ko dahil sa mga kahon ng damit na binuhat ko. Ako ang nagsilbing delivery boy nila ngayong araw at kung saan-saan ako napadpad. Sobrang layo ng mga lugar kaya ito at ginabi na talaga ako.
Bumalik pa rin ako kinabukasan. "Same errands." dalawang salita lang ang sinabi ni Mikka sa akin at iniwan na niya ako. Kung ito ang paraan para mapatawad niya ako ay hindi ako susuko. Simple lang ito alam ko kumpara sa sakit na naranasan niya dahil sa akin.
Kagaya kahapon ay gabi na akong nakabalik sa boutique at nalungkot ako dahil sarado na naman ang boutique. Dapat siguro ay mas bilisan ko ang pagmamaneho sa susunod para maabutan ko siya. Tsk.
Hindi ako tumigil kahit na talagang parang mababali na ang buto ko sa bawat kahong binubuhat ko. Laman ako ng Louise Crown Boutique araw-araw at umabot na rin ng isang linggo na ganito ako. Ngayong araw ay nandito na ako sa harapan ng boutique at maaga yata ako dahil opening pa lang. Tumambay muna ako sa hagdanan at medyo pinatunog ko ang mga buto ko. Masama yata ang naging pwesto ko kagabi sa pagtulog dahil sa masakit talaga ang likod ko.
"Kailer why are you here?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong kalalabas lang ni Cyrish mula sa kanyang kotse at papalapit na sa akin ngayon. Tumayo na ako at lumapit dahil ayokong magkita sila ni Mikka. Ayokong masaktan ulit ito pag nakita niya ang kanyang pinsan.
"Just leave." sabi ko.
"No way. I won't leave. Hindi ka na pumupunta ng agency. Is that because you're here?"
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...