Chapter 43 || Fashion
Mikkaella's POV
"I fell in love with your designs!" sabi sa akin ni Tita Raz. I know she really loves dresses at nitong nakaraan lang ay naglabas ako ng dress na talagang nagustuhan niya. I didn't expect her to be here in my own boutique just to tell me her opinion about my designs. Nakakataba ng puso. Sikat ang mga Raz dahil nakasentro ang kanilang negosyo sa fashion. She's actually my father's younger sister kaya naman may dugong Villaroel din siya. May dalawang anak siya na pinsan ko at si Xandreen iyon at ang kuya niyang si Xian.
"Thank you po Tita." sabi ko at nakipagbeso siya sa akin bago umalis.
I'm back here in the Philippines, particulary Manila, for good. Tatlong taon lang ako sa France pero masaya ako dahil sa sunod-sunod na achievements na natamo ko. Of course alam kong imposible 'to kung hindi ako tinulungan ni Tyron.
Hindi ito ang field ko pero nagulat ako kasi nagawa kong maging masaya rito. Tyron helped me have this talent and passion for designing clothes.
Maraming tao ngayon sa boutique. Opening kasi namin at maraming sikat ngayon dito. I even invited my family lalo na at parte sila ng tagumpay ko. Kung hindi sila pumayag sa gusto ko noon na makapunta ng France ay hindi ako magiging ganito ngayon. I'm actually happy for myself. Kung nakikita ako ng anak ko I'm sure magiging proud siya sa akin. Kahit na alam kong wala na siya, I still believe that my baby is still alive, cheering for me, my angel.
Napatingin ako sa pumasok sa glass door at nakita kong si Tyron iyon na may dalang bulaklak. Nakita ko naman ang mga tingin ng tao sa amin. Naginit ang pisngi ko. He's actally courting me at ilang buwan na niya itong ginagawa. Kahit na nung una ay tinanggihan ko siya, he didn't give up. Ang nakakatuwa pa ay magkaibigan pa rin kami kahit na manliligaw ko siya. He's still the cool Tyron ever. I can't say I don't have feelings for him, I do have it and he really has an effect on me.
Napatitig ako sa kanya habang papalapit siya sa akin. Maporma talaga siya noon pa man. Syempre at iyon ang field niya: Fashion. Nakasuot siya ng jeans at v-neck shirt na kulay black. Kitang-kita 'yung pagiging physically fit niya dahil sa pagiging muscular. Syempre alam ko namang laman din siya ng gym kaya nadadamay ako. He is indeed good-looking and definitely... sexy! Lalo kapag kinakagat niya ang labi niya at seryoso siya o nakangiti- Nakakagigil!
Shocks. Nakakahiya ako rito. If anyone can hear my thoughts now, I'll obviously run because of too much embarrassment!
"Congrats!" sabi niya at inabot sa akin ang bouquet of red roses kaya kinuha ko. Napangiti siya at inakap ako. I was stunned for a moment.
"Thank you talaga." sabi ko na medyo nahihiya at nang maghiwalay kami, nakita ko ulit ang pagbukas ng glass door. Sina Mama, Papa at Joshua! Nalaman ko na si Joshua ay nagtuturo na rin sa school kung nasaan ang parents namin at nagtitino na. Doon nga pala sa school na 'yon nag-aaral ang pinsan naming si Xandreen. Si Xian ay kagagraduate lang at college student na sa pasukan.
They said it's because of me kaya nagtino ito and I'm really happy for him.
"Ma, Pa, Kuya!" He deserves to be called one now. Nakangiti nila akong sinalubong at isa-isang niyakap. Namiss ko sila ng sobra.
"Wow anak! Ang ganda rito!" sabi ni Mama at napangiti ako. Mukhang ganun din ang gustong sabihin ni Papa sa akin dahil sa pinakawalan nitong matamis na ngiti. Kulay baby pink ang pintura ng buong boutique at simple lang ang mga disenyo na bulaklak. I don't want my place to look very extravagant. It's my designs that really matter after all.
"Big time a." sabi ni Kuya at nagapir kami. Nagkamustahan kami ng kaunti nang maalala ko bigla si Tyron na nasa likod ko.
"Uhmm si Tyron po pala." sabi ko at naglahad ito ng kamay kay Papa. Nagkamay sila at nakita kong masaya si Papa na hindi ako pinabayaan nito.
"Maraming salamat iho." sabi ni Papa sabay tapik sa balikat nito.
"Walang anuman po." magalang na sagot ni Tyron.
"Boyfriend mo na?" Si Mama ang nagtanong at umiling ako. Nakilala na nila si Tyron noon pero bilang kaibigan lang.
"Manliligaw ko po." Baka namumula na ang mukha ko ngayon.
"Alam na ba 'to ni Kail-"
"Anak!" pinigilan ni Mama si Kuya. Natahimik ako. He was about to mention him... Kailer Eisen Ramirez. I'm in the process of moving on... kaya hindi ko pa siya gustong makita ngayon.
***
Louise Crown Boutique
Hay. Masaya ako dahil ngayon ay may sarili na akong business. Ginamit kong pampatayo ang mga kinita ko sa France. Hindi lang ako naging Fashion Designer dahil naging model din ako nung umpisa. Ayaw pa nga sana ni Tyron nung una. Tinanong ko kung bakit pero wala siyang sinabi, nalaman ko na lang months later na nahulog na pala ang loob nito sa akin at ayaw niyang may ibang lalaki na mahumaling sa akin. Nasabi pa niya na nung una pa lang ay nagkaroon na siya ng interes sa akin pero hindi niya inintindi dahil mas kailangan ko raw ng masasandalang kaibigan.
Hindi ko siya tinaboy o sinagot. Sinabi ko sa kanya na hayaan niya muna akong makapagmove on at hindi naman siya nagreklamo at hinayaan niya ako. Hindi siya nawala sa tabi ko.
"Salamat sa dinner." sabi ni Papa kay Tyron. Nandito kami ngayon sa labas ng restaurant na kinainan namin.
"Uhmm ingat po kayo paguwi." sabi ko sa kanila.
"Hindi ka ba uuwi sa atin? Saan ka ba tumutuloy dito sa Manila?" tanong ni Mama. Kauuwi ko lang kahapon at ngayon lang kami ulit nagkita ng pamilya ko.
"Sa bahay po ni Tyron." sagot ko at nanlaki ang mga mata nila. Inaya ako ni Mama at Papa sa isang sulok para makausap ng kami lang.
"Boyfriend mo na ba siya?" tanong ni Mama. Umiling ako.
"Bakit kayo nasa iisang bubong?" nakakunot noong tanong ni Papa.
"Uhmm kasi po nakasananyan na po namin na kasama ang isa't isa e. Magkaibigan lang po kami." paliwanag ko. Hindi ko alam pero kumportable ako kapag kasama ko si Tyron. I always have nightmares before pero dahil nandyan siya ay nabubura ang takot ko. He's like an antidote to my pain.
"Sigurado ka ba dyan 'nak?" tanong ni Papa na nagaalala.
Tumango ako. "Wag po kayong magalala. Okay lang po ako sa bahay ni Tyron. Isa pa po, mabait na tao po siya. Hindi niya po ako pinapabayaan o ginagawan ng masama." Nakita ko ang pagngiti ni Mama at ganun din ni Papa. Kahit na sinira ko ang tiwala nila noon ay nagagawa pa rin nilang pagkatiwalaan ako.
"Osige. Basta magiingat ka." sabi ni Papa at hinaplos nito ang buhok ko bago ako hinalikan sa noo. Ramdam ko ang pagmamahal ng pamilya ko sa akin and I know my angel can see me from heaven.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...