Chapter 53

4.8K 85 27
                                    

Chapter 53 || I'm Sorry

Mikkaella's POV

Hindi ko inasahan na hindi ako lulubayan ni Kailer. Bakit hindi pa siya tumigil? Dahil ba sa hindi ko siya mapatawad? Dahil guilty siya sa mga ginawa niya sa akin noon? Sinabi kong tama na. Itigil na niya kasi ayoko na siyang makausap pero ang tigas ng ulo niya.

Dinala niya ako sa opisina niya at ngayon ay yakap-yakap. Pakiramdam ko nababasag ako ng pino dahil sa ginagawa niya ngayon.

How could he tell me he loves me when I don't feel it at all?

I pushed him with all my strength at nang magkaharap kami, agad niyang pinunasan ang mukha niya gamit ang kanyang mga kamay. Pulang-pula ang ilong at mata niya. Parang pinipiga ang puso ko maisip ko pa lang na umiiyak siya.

"W-Why are you so cruel? You hurt me more than what I deserve. I am a fool because I l-loved you more than what you deserve!" I shouted. My voice was shaking I know it. I'm so mad at him na pakiramdam ko hindi ko na kayang harapin siya. Sobrang nasasaktan ako na makita siya. Bumabalik lang sa isip ko na binaliwala niya ako, na hinayaan niya ako, na hindi niya ako pinili noon, na nawala ang anak namin!

"Mikka?!" Napalingon ako sa may pintuan at nang bumukas ito at makita ko si Tyron ay nanginginig akong lumapit sa kanya. Inakap ko siya ng mahigpit at umiyak na ako ng umiyak. "What have you done to her?!" galit na bulyaw niya kay Kailer. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit at hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin.

"Please Tyron. L-Let's just leave..." pakiusap ko at kahit na tensyonado na ang katawan niya sa galit ay nagawa niyang magpigil ng damdamin. Naglakad na kami palabas ng opisina ni Kailer and I didn't look at him. Ayoko na.

***

"I talked to her." inis na sinabi ni Philip. Nandito ako sa kwarto nila ngayon. Nagalala silang tatlo nang malaman nila ang nangyari sa amin ng ex ni Philip. Sino ba naman kasi ang hindi magseselos at maiinggit gayong malapit sa akin ang tatlong lalaki na 'to?

"Nilinaw mo ba kung sino ako?"

"Oo. Itong gago na 'to sabi girlfriend ka niya." humagalpak ng tawa si Fred at binato ko ng unan. "Ako na naman! Si Tyron naman!"

"Shut up Fred." seryosong sinabi ni Tyron. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri ngayon habang nakahiga ako sa hita niya. Hinayaan ko kasing nakabagsak ang buhok ko imbes na daganan ko 'yun. Nakakarelax 'yung ginagawa niya kaya hindi ko siya pinigilan.

"Sorry Mikka. I just want her to stop." malungkot ang tono ni Philip. Gaya nga ng sabi ko, parang kapatid ko na sila. Kung anong problema nila ay problema ko na rin.

"No worries. Okay lang basta make sure na sa susunod na magkagf ka e iyon na talaga." sabi ko at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Halika na! Manunuod ba tayo ng fireworks o tutunganga na lang dito?" Extra ni Fred at ayun nahampas siya ni Philip. Kawawa talaga siya sa amin. Natawa na lang ako.

"Ipapakulong ko na kayo. Lagi niyo akong minamaltrato." Ngumuso na siya kaya inakbayan ko na lang.

"Let's go!" natatawang sinabi ko.

***

Ang ganda ng fireworks. Maingay man pero nakakarelax 'yung magagandang kulay na nakikita ko. Tahimik lang kaming apat habang nakaupo sa buhangin at pinagmamasdan ang mga paputok. Nakasandal sa akin si Fred at nakaupo naman 'yung dalawa ng maayos. Sa tabi ko si Tyron at sa tabi ni Fred si Philip.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa amin ni Kailer. Kahit na ayaw kong maniwala sa sinabi niya ay may parte sa akin na nagwala dahil sa sinabi niya. Matagal ko rin inasam na sabihin niya sa 'kin 'yon at nanghihinayang ako dahil ngayon lang niya sinabi. Ngayon pa na hindi ko alam kung kaya ko siyang mapatawad pa at matanggap.

Hindi ganun katagal ang fireworks at nang matapos ay tumayo kami. Naginat si Fred at humikab naman kami. Gabi na kasi kaya ito at inaantok na kami. Bukas ng hapon ang uwi namin sa Maynila dahil sa kailangan pa namin asikasuhin ang mga business namin. Ako 'yung boutique, si Tyron sa mga unfinished works niya sa isang company, 'yung dalawa sa family business naman nila.

Nakapasok na si Fred at Philip sa kwarto nila at papasok na sana ako nang sumunod si Tyron sa akin. Hinayaan ko naman at sinarado niya ang pinto. Agad akong humiga sa kama at siya naman naupo roon sa bakanteng upuan habang nakatingin sa akin.

Hindi ko matiis kaya naman tumagilid ako at tiningnan ko na siya. "Bakit?"

"Can you please be honest with me?" malalim ang tingin niya sa akin. Lumamig tuloy bigla ang pakiramdam ko.

Bumuntong-hininga ako at tumango. "Tinatakot mo ako sa tingin mo." At umirap ako.

"Do you still have feelings for Kailer?" He was so straightforward. Nagiwas ako ng tingin. "Mikka?" He called me as if I didn't hear him at all.

Dumapa ako at napatitig sa mga unan. Sinubukan kong pakiramdaman ang sarili ko. Bakit puro sakit ang mayroon ako sa tuwing naiisip ko si Kailer? Bakit nasasaktan pa rin ako kahit na sinusubukan ko naman na wag nang magpaapekto? "Masakit pa rin." Ito ang tanging nasabi ko.

"Tyron... Ang sakit sakit!"

"Quiet Mikka..." Kinagat ko na lang ang labi ko.

"Ouch." Napatingin ako kay Tyron. Nakahawak siya sa dibdib niya. Nagtaas ako ng kilay. "Tinamaan ako." Ganyan siya kapag kinakagat ko ang labi ko. Baliw lang.

"So gay." I joked pero matamlay siyang ngumiti. Tumawa na lang ako ng mahina

"Ano bang sinabi niya sa 'yo kanina? Bakit ka umiyak ng ganun?" Humalukipkip siya.

Inisip ko ulit 'yung nangyari kanina at isang bagay ang tumatak sa akin. "Mahal niya raw ako."

Napatingin ako kay Tyron na ngayon ay nakatingin na rin sa mga mata ko. Halatang nagulat siya pero agad naging blanko ang kanyang ekspresyon. "And what did you say?"

"Sinabi ko na hindi niya deserve na mahalin ko."

"I can't believe he said he loves you. You don't destroy the person that you love." May punto siya sa sinabi niya. Paano ako maniniwalang mahal niya ako? At may patutunguhan pa ba kung maniwala ako? Mapapatawad ko ba siya dahil lang sa sinabi niya? Can love change the bitterness in my heart?

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon