Chapter 68

4.5K 76 23
                                    

Chapter 68 || Family Trip

Kailer's POV

"...People fall in love in mysterious ways!!" Kanta ko dahil ito lang ang paborito kong parte sa kantang 'Thinking Out Loud' ni 'Ed Sheeran'. Laging nagtatakip ng tenga si Mikka sa tuwing kumakanta ako. Napapanguso na lang tuloy ako. Kahit na ayaw ni Mikka ay nandito pa rin ako sa loob ng kanyang opisina kasama siya. Nakapikit lang siya at nagpapahinga ngayon.

"Shut up Kailer!" sigaw niya at yumukyok na sa kanyang mesa. Hindi ako tumigil at itinayo ko siya kahit iritang-irita siya. Nilabas ko ang phone ko para lumakas 'yung tugtog at medyo sinayaw ko siya.

"Sh*t Kailer wag mo akong tapakan! Wag ka na ngang masayaw at baka walang daliri na matira sa paa ko!" Natawa na lang ako sa kanya. Hindi talaga ako sanay magsayaw pero gusto ko lang talaga siyang kulitin. Pareho na kaming nakatayo ngayon.

"Edi pakitaan mo ako ng dance moves mo." Binitawan ko siya maya-maya at namili ako sa mabilis na tugtog. Nagtaas siya ng kilay at pagkatapos ay nagsayaw nga. Napangiti ako kasi talagang magaling siya at nang matapos siya ay ginaya ko ang mga ginawa niya.

And yes! She laughed!

***

Malapit na ang pasukan kaya naman nagorganize ng bakasyon sina Mama at Papa para sa pamilya namin at kasama namin si Dashiell at Darlene. Pinayagan naman sila ng kanilang parents dahil wala ang mga ito at nasa business trip. Sa Tagaytay Sky Ranch ang punta namin ngayong araw. Gusto ko nga sanang isama si Mikka kaso naisip ko na magpamiss na lang. Ilang araw din akong nangulit sa kanya kahit na lagi siyang naiinis at pinagtatabuyan ako. Sobrang sanay na ako. Hindi rin ako tumigil sa pagiging secret admirer niya at kung minsan nakikita ko ang pagngiti niya sa tuwing inaayos niya ang bouquet sa vase.

Ako ang nagdrive sa amin papunta sa Tagaytay. Van ang ginamit ko para makasakay kaming lahat. Panay ang usap ni Papa at Mama dahil sa matatapos na ni Papa ang kanyang ginagawang libro. Si Ate naman abala sa pagkausap kay Darlene na super daldal kumpara sa kapatid niyang si Dashiell na kumakain lang ng cookies ngayon.

Nang makarating kami sa Sky Ranch ay naglabas agad si Ate ng camera para magpicture taking kami. Ilang picture din ang ginawa namin bago nagbayad at pumasok sa loob. Hindi man lang ngumiti si Dashiell!

Una naming sinakyan 'yung carousel kahit na medyo corny na sa akin at sunod naman 'yung express train.

Nagising lang ang diwa ko sa pagsakay namin sa Super Viking na parang Anchor's Away sa Enchanted Kingdom. Pagkatapos nun ay nagzipline pa kami. Ayaw ni Ate at Darlene kaya kami na lang ni Dashiell ang sumubok. Grabe! Haha! Hindi naman ako sumigaw pero 'yung feeling kasi iba talaga. Parang malalaglag puso ko. Lol.

Bumalik din kami sa picnic table at nagpahinga pagkatapos. Kailangan lahat sa loob bilhin. May mga pagkain na silang binili kaya naging busy na si Darlene at Dashiell sa pagkain. Nilabas ko muna ang phone ko para tingnan kung may text ba si Mikka at napangiti ako.


Nasaan ka? Hindi ka pupunta ngayon?


Tapos nasundan pa 'yun ng...


You should have told me tss...


Edi wag kang magreply.


Wag ka nang pupunta rito. I don't need you.


:(


"Para kang baliw Kuya Kai." sabi ni Dashiell sa tabi ko at nakita kong nakatingin na pala sila sa akin lahat. Kahit si Darlene na takot sa akin. "Your smile looks like you're gonna eat a human being." Tumawa na lang ako at nagsimulang kumain para hindi na nila ako usisain pa.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon