Chapter 34 || Saddest Gift
Kailer's POV
Iniwasan ko pareho si Cyrish at Mikka para makapagisip pero wala pa rin talaga akong makuhang sagot sa mga tanong ko. I know I should talk with the two of them. I should clear things out.
Nakaramdam nga ako ng lungkot dahil sa palaging paghahanap ni Mikka sa akin pero hindi ko siya hinaharap. Sinisigurado ko na lang na maayos siyang nakakauwi lalo na at delikado...
Hindi ko alam pero noon pa man ay hindi ko na siya matiis.
Tinawagan ako ng parents ko ngayong araw. Naalala ko na birthday nga pala ni Mikka kaya nila ako pinapupunta sa Lexa's Kitchen mamayang gabi. Doon yata ipagdiriwang ang birthday nito. Medyo nakakalungkot lang pala sa part niya dahil Birthday niya pero hindi kami ayos. Pakiramdam ko rin, ako na lang ang natitira niyang kaibigan. Hindi na muling nagparamdam si Felix at ang balita ko ay nangibang bansa na ito. Samantalang si Dianne ay mas malapit naman kay Cyrish.
Noong Birthday niya last year, ako pa ang unang bumati sa kanya kaya tuwang-tuwa siya. Pero ngayon.. I don't know. Maybe I should just make this day an exception for her.
Mabilis akong nagmaneho papunta sa restaurant ni Mama. At least I can greet her kahit na wala akong regalo. Nang makapagpark ako ay hindi ko inasahan na makikita ko si Cyrish. Kasama niya si Dianne. "Bakit kayo nandito?" tanong ko agad. She shouldn't be here right? Lalo na at mukhang hindi naman sila magkaayos ni Mikka.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita pero ganyan ang una mong sasabihin sa akin?" malambing na tanong ni Cyrish at naguilty naman ako sa sinabi ko. It's the first time I've seen her after I left. She never tried to contact me...
"Nandito kami para batiin si Mikka. Birthday niya 'diba? Hindi man lang kami nainvite." sabi ni Dianne na halatang may tampo at walang alam sa nangyayari.
"Uhmm sige sumabay na kayo sa akin." sabi ko at maglalakad na sana nang harangin ako ni Cyrish.
"Mauna ka na sa loob." sabi nito kay Dianne at kami na lang ang naiwan dito nang gawin nito ang kanyang sinabi. "Sabi mo kailangan mo ng proof 'diba para maniwala ka?" sabi niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Lumapit ako sa kanya para mas magkausap kami ng maayos. "Do you have a proof?" tanong ko at may inalabas siya galing sa bag niya. Kinabahan ako dahil malalaman ko na ang totoo ngayon.
It's her phone. Inantay ko ang gagawin niya roon at tinapat niya 'to sa tenga ko. May narinig akong boses. Pamilyar iyon dahil boses 'yon ni Cyrish na sinundan ng boses ni Mikka.
"Tell me, you planned everything right?"
"Ano naman sa 'yo ngayon ha?"
"So totoo nga? Ikaw ang may pakana ng lahat ha? You planned all of this para mapasayo si Kailer? Tama ako 'diba?"
"Oo ginawa ko nga! Ako ang pumigil para hindi ka niya maging girlfriend but damn! I did all that I can to remove you from his life! I love him!"
Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko galing kay Mikka. Inulit pa ni Cyrish ang record niya ng isang beses kaya mas tumatak sa akin ang naging intensyon ni Mikka kaya nitong mga nakakaraan ay panay ang pagdikit niya sa akin. So she wants to seduce me? Is that it? "See? She loves you that's why she wants to ruin us. Hahayaan mo bang magtagumpay siya sa gusto niya Kailer?" tanong ni Cyrish sa akin at hinaplos niya ang mukha ko ng marahan. Parang may malaking bato na tumama sa akin dahil sa katotohanan na 'to.
Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon. Niloko ako ng taong pinakapinagkakatiwalaan ko. Paano niya nagawa sa akin 'to? Paano?! Paano niya naatim na paglaruan kami ng pinsan niya? Akala ko pa naman hindi siya makasarili pero ano ngayon itong ginawa niya? Ayokong maniwala pero ito na ang ebidensya! Sh*t!
Nagdilim ang paningin ko. Naglakad ako papasok sa restaurant namin at nang makita ko si Mikka, nakaupo na siya kasama ng pamilya namin. Nanduon na rin si Dianne. Wala akong pakielam at lumapit ako kahit na nagtatawananan pa sila.
"Kailer!" Si Ate ang tumawag sa akin pero hindi ko siya pinansin.
"Ka-" pinutol ko na ang dapat pagtawag ni Mikka sa akin. Hinigit ko siya sa braso at hinila palabas ng restaurant. "Kailer nasasaktan ako ano ba!" sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan. Narinig ko pa ang pagtawag sa amin ng pamilya namin pero wala akong pinakinggan kahit isa.
Ang tindi ng galit sa loob ko. Sumabay pa ang malakas na pagbuhos ng ulan. Dinala ko siya malayo sa restaurant. Malayo sa mga taong kanina'y kasama namin. Nahinto kami sa tabi ng kalsada dahil sa pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ko.
"I KNOW THE TRUTH!" sigaw ko sa mukha ni Mikka at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya habang hawak-hawak ang braso na kanina'y hawak ko. Nasaktan ko ba siya ng sobra sa pagkakahawak ko? Damn..
"You... know the t-truth?"
"Yes! How could you do that Mikka? You're so selfish! Hindi pagmamahal ang tawag sa ginagawa mo!"
"What?! Ano bang sinasabi mo ha?"
"Wag ka nang magsinungaling! I knew it! You love me that's why you tried everthing to destroy us. Kami ni Cyrish, pinaglaruan mo! Ginawa mo akong tanga!" halos mapaos ako sa pagsigaw ko.
"Kasi nga alam kong masasaktan ka sa kanya Kailer! I did all of this also for your sake! I'm not being selfish here!"
"Masasaktan? Nasasaktan ako dahil sa 'yo!" Nang bitawan ko ang mga salitang iyon ay napaawang ang bibig niya na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya at bumagsak ang dalawang balikat niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan at balak ko sana siyang hilahin papunta sa silungan pero bago ko pa nagawa 'yon ay tumakbo na siya palayo sa akin.
"Mikka!" Gusto ko siyang habulin pero may yumakap sa 'kin galing sa likuran ko.
"Thank you Kailer..." At si Cyrish 'yon. Bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko ang itsura ni Mikka bago siya tumakbo palayo sa akin. She looks so hopeless like I just stabbed her heart.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...