Chapter 15

5.3K 119 0
                                    

Chapter 15 || Birthday Party

Mikkaella's POV

Magkatabi si Cyrish at Kailer ngayon sa van habang ako at si Dianne na ang magkatabi. Sobrang nabigla ako sa sinabi ni Kailer. Sila na ni Cyrish? So walang silbi ang ginawa kong pagpigil na maging sila? Paano ngayon? Ano nang gagawin ko para mapaghiwalay sila. Paano pa magkakagusto si Kailer sa akin kung may girlfriend na siya?!

Gusto kong magwala at umiyak ngayon sa sobrang frustration na nararamdaman ko pero hindi pwede dahil nandito sila. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko na makita ang paglalambingan nila Kailer at Cyrish. Gusto ko na lang muna makauwi. Gusto ko munang makausap si Mama at Papa... Gusto ko ng masasandalan.

***

Bago kami maghiwa-hiwalay, sinabi ni Felix na pumunta kami sa kanila bukas ng gabi dahil birthday niya at magpapaparty ang parents niya para sa kanya. Oo nga pala noh. Siya ang unang mag tu-twenty sa aming lima. May 11 siya samantalang kami ay sa mga susunod na buwan pa.

"Kamusta bakasyon?" tanong agad ni Joshua, kuya ko, pagpasok ko sa bahay. Wala pa ata sina Mama at Papa dahil nagtuturo sa mga estudyante na nagsa-summer ng subject nila. Sa highschool sila teacher pareho at private ang eskwelahan kung saan sila nagtuturo.

Si Kuya? Dakilang tambay sa bahay. Ewan ko ba sa kanya pero ayaw magtrabaho. Hindi ko siya gagayahin. Magtatrabaho ako para makatulong sa magulang ko. Ayaw kasi nila Mama at Papa na humingi ng tulong kay Lolo eh. Sa side ni Papa 'yung tinutukoy kong lolo. Actually mayaman talaga sila pero ayaw lang niyang dumepende gaya ng ibang kapatid niya. Gusto kasi ni Papa na maging independent. Gusto niyang paghirapan ang pera na ibinibigay niya sa pamilya namin at katulong niya si Mama dun.

"Okay naman. Kamusta pagtambay?" sarkastikong tanong ko kay Joshua. Dinaanan ko na siya at pumunta na ako sa kwarto ko. Maghahanap pa ako ng damit para bukas. Magdress daw eh at kahit ayoko, may magagawa ba ako eh ganun dapat ang suot sa party ni Felix. Ayoko namang maout of place masyado. Hindi naman pwede na hindi ako pumunta dahil lang sa naiilang pa ako sa kanya. Kaibigan ko 'yung tao so natural na umattend ako sa birthday niya.

Kinagabihan, dumating na rin sina Mama at Papa. Nakapagluto na ako ng hapunan namin kaya kumain na agad kami. Nang matapos, pinilit ko si Joshua na maghugas ng mga pinggan tyaka ko kinausap ang magulang namin sa kwarto nila.

"Okay naman ba ang bakasyon niyo? Wala namang nangyari?" masayang tanong ni Papa sa akin.

"Nagenjoy ka ba? Kamusta kayo ni Kailer?" may panunukso sa tingin ni Mama sa akin kaya tumawa kami ni Papa. Close kami ng parents ko na pati tungkol kay Kailer naikwento ko sa kanila. Alam nila ang nararamdaman ko para rito at alam din nila na si Cyrish ang gusto nito at hindi ako.

"Sila na po ni Cyrish eh." sagot ko at pilit akong ngumiti. Kumunot naman ang noo ni Papa.

"Sinabi mo na ba sa kanya 'yang nararamdaman mo?" tanong nito.

Umiling ako. "Eh paano na 'yan? Okay ka lang ba 'nak?" Si Mama naman ang nagsalita.

"Ba't kasi hindi na lang ibang lalaki 'nak? Bakit si Kailer pa eh alam mo naman matagal na ang tungkol sa nararamdaman niya para sa pinsan mo?" malungkot na tanong ni Papa sa akin. Lumapit ako sa kanya at umakap. Sumali na rin si Mama.

"Pa... Ma... nalaman ko na niloloko lang siya ni Cyrish... tingin niyo po dapat kong ipaalam sa kanya 'yon?"

"Niloloko?" gulat na tanong ni Mama.

Tumango ako at nagpatuloy. "May iba po siyang lalaki bukod kay Kailer at kahit sila na, wala siyang balak na iwan at layuan ang mga 'yon."

"Aba malandi-"

"Shh!" pinatigil ni Papa si Mama. "Pinsan mo siya 'nak..." Anak ito ng isa sa mga kapatid ni Papa.

"Pero Pa, mahal ko si Kailer..." tumingin ako sa Papa ko... Nakita ko ang nakikiramay niyang tingin.

"Sigurado ka ba dyan? Kung ipaglalaban mo siya dapat handa kang masaktan. Handa ka rin makapanakit at sa consequences nun." sabi nito at nagsimulang tumulo ang luha ko. Pinunasan ni Mama 'yon.

"Hay 'nak... kung saan ka masaya at kung ano ang gusto susuportahan ka namin pero sana wag na wag mong kakalimutang mahalin ang sarili mo bago ang iba okay?" hiling ni Mama sa akin at inakap nila ako ulit ng mas mahigpit.

***

Nagtaxi ako papunta kina Felix. Nang bumaba ako, nakita kong may mga ibang bisita na. Kung mayaman sina Felix ay mas mayaman si Kailer. Kaya naman mayaman si Felix ay dahil sa may minana ang magulang nya sa lolo at lola niya nang mamatay ang mga ito. Pinalago nila ito ngayon kaya nagkaroon sila ng business. Ngayong nakagraduate na si Felix, tutulong na siya rito.

"Mikka!" Si Dianne ang tumawag sa akin sa isang mesa pagpasok ko. Hindi ako ganun kaganda gaya ng ibang babaeng nakikita ko rito. Simple lang kasi ang ayos ko at siguro mukha pa akong manang ngayon. Nakatube akong black dress pero nakajacket naman na puti. Nagsuot lang ako ng close shoes at hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Hindi na ako nagabalang maglagay ng make-up dahil ayoko.

Medyo nahuli ata ako dahil kumakain na ang mga tao. Naupo na ako at nakita ko si Cyrish at Kailer na naguusap habang magkahawak ang kamay sa mesa. Iniiwas ko agad ang tingin ko kasi parang may sumakit sa loob ko dahil sa nakita ko. Nagtagpo naman ang mga mata namin ni Felix na nandito rin pala sa lamesa namin. Akala ko kasi sa ibang lamesa siya mauupo lalo na siya ang celebrant. "Ang ganda mo talaga kahit hindi ayusan." pambobola niya kaya bumelat ako. Sinusubukan niya yatang ibalik ang turingan namin noon.

"Ewan ko sayo dude." sabi ko naman.

Nagkaroon ng tugtog sa paligid at may tumawag sa pangalan ni Felix. Host ata sa birthday niya. Nakita kong tiningnan ulit ako ni Felix. "Sayaw tayo?"

"Ha? Hindi ako nagsasayaw." kabadong sagot ko pero tumayo na siya at lumapit sa akin. Nagkaroon pa ng spotlight sa pwesto namin.

"Akong bahala sa 'yo." sabi niya sa akin at inilahad niya ang kamay niya. Wala naman akong nagawa dahil may spotlight na sa amin at marami nang nagiintay na tumayo ako. Hinawakan ko siya at nagpunta kami sa gitna. Maraming nakatingin sa amin at may mga babaeng halatang disappointed dahil sa isang simpleng tulad ko makikipagsayaw si Felix.

"Humanda ka talaga sa akin dude pagkatapos nito. Tss." sabi ko at ngumiti lang si Felix. Ngayon ko lang napansin na ang pogi yata niya ngayon? Ano 'yun? Dahil lang birthday pogi na? Haha.

"Naalala mo 'yung sinabi ko noon? Seryosohin mo ako minsan?" sabi niya at ipinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya habang siya naman nasa baywang ko ang parehong kamay. Medyo nakiliti pa ako kaya natapik ko 'yung kamay niya. "Relax lang kasi." bulong pa niya habang mahinang tumatawa. Kinilabutan ako. Nagsimula kaming sumayaw kasabay ng tugtog. Instrumental lang 'yon kaya ang sarap sa tenga. Ang tingin ko kasi sa mga instrumental lang at walang lyrics, parang ikaw ang nagbibigay ng lyrics nun mismo.

"Oo naaalala ko 'yung biro mo noon sa resort. Bakit?" sabi ko naman. Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ako sa kanya. Mabuti na lang at may ibang bisita na nagpunta na rin sa gitna at nakisayaw sa amin. Hindi na kami masyadong center of attraction at nawala na ang spotlight. "Ano ba Felix?" saway ko sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro sa sinabi kong mahal kita." diretsong sabi niya at napalunok ako. Nakita ko sa mga mata niya na he really mean what he's saying.

"Umayos ka nga." sabi ko dahil kinakabahan na ako. Ang kilala kong Felix hindi magiging ganito sa akin. Lagi niya akong inaasar ah. Lagi niya akong trip.

"Dinadaan ko lang sa biro pero totoong matagal na kitang mahal..." Sa sinabi niya ay napayuko na ako. Mali 'to. Hihiwalay sana ako sa kanya pero hindi niya hinayaan. "Mikka naman. Bigyan mo ako ng chance na patunayan ko ang sarili ko sa 'yo."

Umiling ako. Maraming beses. Bago ko siya hinarap. "I'm sorry Felix... may iba akong mahal." laglag ang panga niya sa sinabi ko. Humiwalay akong pilit sa kanya at tumakbo palayo.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon