Chapter 49

5.2K 92 10
                                    

Chapter 49 || I lied

Mikkaella's POV

Hindi ko inasahan na pupuntahan ako ni Kailer sa boutique. He cornered me and he wants to talk but no! I can't! Because I realized that I lied. I lied when I said I'm close to moving on... kasi hindi e! Masakit pa rin. Sobrang sakit! I hate him... I really hate him.

He let me go and what now? He's asking me if I'm already giving up on him? Crap! Matagal ko na siyang sinukuan!

Nang lumabas ako ay nanlaki ang mga mata ko dahil nasa loob ng boutique ko si Cyrish...

"Ma'am okay lang po ba kayo?" tanong ng isa kong kasamahan at pinilit kong magmukhang maayos lang. Ayokong makita ni Cyrish na mahina ako. Masaya na ba siya? Kanyang-kanya na si Kailer! Bakit kailangan pa nilang magpakita sa akin? Gusto nilang ipamukha na ako lang naman ang naging panira sa kanila? Fine! Magparty sila! Wala na akong pakielam! I have my own life!

Nang makita niya ako, I saw sadnesss in her eyes. I almost fell for it.

Wag kang maawa sa akin! Hindi mo ako dapat kaawaan. You b*tch! Umirap ako and I tried my best not to shed a tear.

Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso. "Magusap tayo please..." puno ng pagsusumamo ang boses niya but she can't fool me. She broke the trust I gave her a long time ago.

"We have nothing to talk about. Nasa loob ng office ko si Kailer. Kaladkarin mo na siya palabas ng boutique ko. Ayoko nang makita kayo kahit na kailan."

"Mikka I'm-"

Hindi ko na siya pinatapos at nilagpasan kaagad.

Mabuti at nang lumabas ako, nakita ko ang kotse ni Fred. Nandito siya para sunduin ako dahil balak naming magbakasyong magkakaibigan. Since it's summer, sabi nila pupunta kami ng beach.

I suddenly remember what happened that summer kung saan kasama ko pa sina Kailer... I want to make happy memories without him.

Agad akong pumasok sa loob ng kotse kahit na nanginginig ang katawan ko. Pinaghalong kaba at galit ang dahilan.

"Drive fast."

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Fred habang pinahaharurot na ang sasakyan gaya ng sabi ko. I'm now crying! Damn this feelings!

"Do I look okay?" inis na tanong ko.

"Chill! Ako may kasalanan?" sarkastikong tanong niya pero hindi ako tumigil sa pagiyak. May inilabas siyang panyo mula sa kanyang bulsa at inabot iyon sa akin. Kinuha ko naman. "You looked like you're harassed. What exactly happened?"

Hindi ko kayang magkwento ngayon. Para kasing nabuksan ang sugat ko na hindi pa naghihilom. "Don't ask please. Just drive." Hindi na naman siya nangulit hanggang sa maihatid na niya ako sa bahay ni Tyron. Alam naman nila na dito ako tumitira and they're aware of us noon pa. Lagi nga nila akong kinukulit na sagutin na ito pero hindi ako 'yung tipong nagpapaapekto sa peer pressure.

Nang makababa ako ay hindi na ako umiiyak pero ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko. Buong byahe ba naman tumulo ng tumulo ang luha ko malamang ay mukha na akong clown sa pula ng ilong ko. Van ang dala ni Fred at dito kami sasakay lahat. Alam ko nandito na rin si Philip kaya ako na lang ang iniintay. Wala si Celine dahil nga sa summer camp kaya ayun sayang. Nakaayos na ang gamit ko kaya wala ng problema.

Nakita ko sa loob ng bahay si Tyron at nang makita niya ako ay patakbo siyang lumapit sa akin. Kinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya at tiningnan ako ng maigi. Medyo nahiya ako sa lapit ng mukha ko sa mukha niya. "Anong nangyari?" nagsalubong ang kilay niya. Ramdam ko ang pagiging protective niya sa akin.

"Mamaya na ako magkukwento..." mahinang sagot ko at hinayaan naman niya ako. Ito ang gusto ko sa kanilang tatlo. Hindi nila ako kinukulit kapag sinabi ko. Madalas kasi noon kapag babae ang mga kaibigan ko, makulit, naiinis kapag hindi mo kinwento agad ang nangyari. Iba talaga sila.

Umakyat ako ng kwarto at kinuha ko na 'yung bag ko. Actually nasa bahay pa rin talaga ang ibang gamit ko.

Naalala ko bigla 'yung tungkol sa mga sulat ni Cristina... nanduon din iyon sa mga gamit ko sa bahay. I left it there. I left my past behind. Mabuti nga at wala na akong mga panaginip masyado tungkol sa past life ko. Siguro dahil din iyon sa paglayo ko kay Kailer... and now I'm afraid. Kasi baka bumalik na naman sa akin ang lahat. Baka masaktan na naman ako. Ayoko na. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan. Tama na Kailer...

***

"WHY DID WE CHOOSE THIS RESORT?!" Napatakip silang lahat ng tenga. Umuusok na yata ang ilong at tenga ko sa galit. Nakatulog ako sa byahe at paggising ko ano 'to?

"Cool! Lakas ng boses!"

"Why? Maganda naman dito-"

"EISEN BEACH RESORT?!" I cried in disbelief. Gusto kong iuntog si Fred dahil sa pagpalakpak niya.

"Eisen?—oh crap!" Napahampas sa manibela si Tyron. Mabuti nandito pa kami sa loob ng van at nakita ko na kung nasaan kami.

"Ano bang problema sa resort na 'to?" iritadong tanong ni Philip.

"Don't tell me... oh f*ck... is this place hunted?!" singit ni Fred. Sinapok ko na. "Aww!" At humilig siya sa balikat ko na agad hinawi ni Tyron.

"This resort belongs to the Ramirez family." paliwanag ko.

Inakbayan ako bigla ni Philip. "Don't worry kung ganun. Tatlo naman kaming kasama mo e." Yeah they all have the guts to protect me but I don't have the power to protect my heart.

"But you'll just hunt girls here." Umirap ako.

"Gagawin naming balanse!" Fred laughed at binatukan ko. "Aray naman e!"

"Okay.. I'm going to stay because this is what you planned. Aalis ako kapag hindi ko nagustuhan ang mga pangyayari." sabi ko na lang at humalukipkip.

I can't always run away. Maybe fate wants me to face this. I have to face everything to move forward.

Nang makapasok kami sa resort ay napansin kong iba na ang mga tauhan dito. Mga hindi na pamilyar sa akin. Good. Para walang nakakakilala sa akin.

Kumuha sila ng isang malaking kwarto para sa kanilang tatlo habang ako sa isang kwarto naman. Nakakatawa nga dahil tatlong lalaki pa ang kasama ko. Well they're all harmless and I want to unwind. I'm really one of the boys noon pa man.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko at nang buksan ko, nakita ko ang nagaalalang mukha ni Tyron. Hinayaan ko siyang pumasok at naupo siya sa kama ko. Naupo naman ako sa may lamesa. He looked at me intently. "Are you sure about staying here?"

"Yes..." sabi ko kahit na medyo kabado dahil na rin sa nangyari kahapon. Yup. Matagal ang byahe kaya kahapon pa naganap ang engkwentro namin ni Kailer sa boutique.

"What happened yesterday? Umiyak ka? Sinabi rin 'yon ni Fred."

Ikinwento ko ng buo ang nangyari sa amin ni Kailer. Gusto kong maging tapat sa kanya. After all, I know I can trust him. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya hanggang sa mauwi sa matamis na ngiti. "Do you know why I fell in love with you?" Napalunok ako sa sinabi niya. I know his feelings but now he's being really open about it.

Nagkibit balikat ako. "I really love your attitude. You're really open about what you feel and think to me. I love knowing your feelings and thoughts..." I am usually like this to my parents at nang mahiwalay ako sa kanila, si Tyron ang naging labasan ko ng mga hinaing.

I smiled. "Well probably because you're special to me."

He chuckled. "Tigilan mo na ang pagiging paasa masyado." At ginulo niya ang buhok ko kahit na kita ko ang pamumula niya.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon