Chapter 26 || She's My Friend
Kailer's POV
Hindi ko alam kung bakit simula nang magpunta kami sa Tagaytay, kahit si Cyrish ang kasama ko, si Mikka ang naiisip ko. Is this just lust or am I falling for my friend? Well... is that possible? No way. I'm in love with Cyrish. Ten years and still, my heart beats for her.
I chose her instead of staying with Mikka dahil sa naguguluhan na ako sa sarili kong damdamin. It seems like I can't get a hold of my own feelings. I'm really the worst.
***
Pagkalabas namin ng restaurant, may sasabihin sana ako kay Mikka pero agad siyang tumigil sa paglalakad nang may makasalubong kaming batang gusgusin. Nakikita ko na ito dati pa at palagi ko itong inaabutan ng pagkain. Nung dati si Cyrish nakita rin ang batang 'to pero natawa na lang ako dahil tinakbuhan niya. Well, kung hindi niya ginawa 'yon ay hindi siya si Cyrish.
Mikka is just like me. She's like my better half. Ayoko kasing umaalis na lang ng walang tulong na naiaabot kapag nakakakita ako ng nangangailangan. May hawak na paper bag si Mikka at pagkain iyon galing sa restaurant. Sabi niya iuuwi niya para kainin pero nakita kong inabot niya ito dun sa bata. I can't help it. Napangiti ako sa ginawa niya lalo na nang akapin pa niya 'yung bata. She doesn't care about the smell and all. Parang gusto lang niya talagang yakapin ito at magparamdam ng pagmamahal. She really has a warm heart. Kaya proud ako kasi she's my friend.
"Halika na." aya nya sa akin at sumakay na kami ng kotse.
"Saan tayo pupunta nito?" tanong ko sa kanya at ang sabi niya gusto niyang magpunta kami sa bahay dahil balak niyang makiswimming. Natawa na lang ako. Kapag kasi nasa amin sya, iyon din ang gusto niyang pinupuntahan bukod sa kusina.
"Wahhh! Sarap magbabad sa tubig. Samahan mo akong magswimming ok?" sabi niya at halatang excited siya tulad pa rin ng dati. Ngumiti ako at tumango. Wala pa rin talagang tatalo sa cheekbones ng kaibigan ko. Si Felix nga napansin siya dahil sa pamatay niyang cheekbones and I must say I really find that part of her attractive kaya ang lagi kong payo, wag niyang hayaang mawala iyon.
Nang makarating kami sa bahay ay wala si Mama at Papa tapos si Ate naman nasaktuhan naming paalis. Maiiwan tuloy kami rito kasama lang ng mga tauhan namin.
I texted her this day to make-up for the day we should have spent in Tagaytay. Dahil sa pinuntahan ko si Cyrish ay kinailangan kong umalis. She's having headache at wala ang parents niya na palagi naman. I stayed with her because she's sick.
"Swimming na tayo!" sigaw ni Mikka sabay baba ng gamit niya sa sofa. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa swimming pool namin. Halos madapa na ako sa bilis ng paghila niya.
"Wait! Hindi ka pa nagpapalit." sabi ko na sobrang natatawa na. Nakasuot pa siya ng dress ngayon.
"Aha! Ready kaya ako!" sigaw niya at hinubad niya sa harapan ko 'yung dress niya. Napapikit pa ako at narinig ko ang pagtawa niya kaya dumilat ako. Nakita kong nakasuot na lang siya ng maigsing short at sando. Bumelat siya sa akin at agad tumalon sa pool. "Wooo!" sigaw niya at tawa lang ako ng tawa. "Samahan mo na ako dali!" Hindi talaga niya ako makita bilang lalaki kasi naman, hindi man lang siya nailang na gawin sa harapan ko 'yun. She really has a nice body na maihahalintulad kay Cyrsih.
Tinanggal ko na lang tuloy 'yung pantalon ko at T-shirt. Tinira ko na lang ang boxer ko at tumalon na. Nakita ko pang nanlaki ang mga mata niya at namula. Nahiya pa? Ilang beses na niya akong nakitang nakaboxer lang pero ganito pa rin ang reaksyon niya. Ang cute lang talaga niya. Haha!
Natahimik siya kaya naman nilapitan ko siya tapos kiniliti mula sa ilalim ng tubig. Ang lakas ng tawa niya at nasipa na niya ako kakagalaw. "WAHHHH! HAHAHA STOOPIT!" sabi niya at tumigil na ako dahil baka kapusin siya sa hangin.
Lumapit siya bigla at kinagat na naman ang tenga ko kaya napaaray ako ng 'di oras. "KULIT!" sigaw niya sa akin tapos sinabuyan niya ako ng tubig kaya gumanti rin ako. Mas nilakasan ko dahil ayaw niyang magpatalo.
***
Nagpadala ako ng twalya at bathrobe para sa amin ni Mikka at habang nagaantay kami, naupo muna kami sa tabi ng pool. Nakatingin lang si Mikka sa malayo at ako sa kanya lang nakatingin. Nakakatuwa lang siya. Hehe. Nakakatuwa siya kasi ang dali niya akong mapasaya. "Stop staring. In love ka na ba?" biro niya sa akin sabay tingin pero iniiwas niya rin agad. "Hay! 'Yang katawan mo sarap kainin." At tumawa na ako. Kahit kailan talaga ang lupit ng mga salita niya haha.
"Baka ikaw ang in love dyan? Sexy ko 'no?" tanong ko sabay pakita ng muscles ko nang tingnan niya ako. Mahilig kaming magbiruan ng ganito noon pa man. Ilang beses na nga kaming napagkamalang may relasyon dahil sa matamis na turingan namin. Pero para sa akin ay normal lang 'to kasi malalim na ang pagkakaibigan namin.
Umarte siyang nasusuka. "Eww!" Sinamahan pa ng kamay niya kaya naman natawa tuloy ako. Hindi bagay sa kanya maging maarte.
"Sus! Hindi mo nga matingnan e. Naku! Mafall ka sige ka." biro ko naman at tumawa lang siya at natigil sa pagngiti.
"Paano kung may babaeng matagal na palang may gusto sa 'yo? Kasingtagal ng pagkakagusto mo kay Cyrish, may pag-asa ba siya sa 'yo?" tanong niya sa akin na medyo seryoso.
"Sino naman siya?" tanong ko.
"I asked you first e! Paano nga?"
"Hmmm." Napahawak ako sa labi ko habang nagiisip. Dumating na 'yung twalya at bathrobe kaya kinuha muna namin. "Lapit ka dali." sabi ko at ginawa nga niya. Ako na ang nagtuyo sa buhok niya. Nakatalikod siya sa 'kin ngayon habang pinupunasan ko ng tuyong twalya ang basa niyang buhok.
"A-Ano?" tanong niya ulit.
"Yes, may chance naman pero kaunti lang. Kasi mas gusto ko 'yung mahal ko kaysa ako ang mahal e." sagot ko. Natahimik naman siya kaya tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Inalalayan ko siya sa pagsuot ng bathrobe at ako man nagsuot na bago kami pumasok at naupo sa may sofa. Umakyat muna ako para kumuha ng damit namin. Ayokong mangielam sa kwarto ni Ate kaya balak kong pahiramin na lang siya ng short at T-shirt ko.
Nang bumaba ako ay nakita ko siyang tahimik lang at parang malalim at iniisip. Sa likod niya ako nagpunta at dapat kakagatin ko siya sa tenga gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin pero lumingon siya bigla.
Nanlaki pareho ang mga mata namin at lumayo kami sa isa't isa. Dumampi kasi ang labi ko sa labi niya. I felt something weird... parang nung nasa beach lang kami at nung nasa Tagaytay. I still don't understand that feeling.
"H-Hoy!" sigaw niya at tiningnan ako ng masama. Nakita kong natatawa siya pero pinipilit magmukhang galit. Bumelat ako at hinabol niya ako. Naghabulan tuloy kami sa buong bahay! Hanggang sa mapunta kami sa kwarto ko sa taas tapos madapa ako sa kama! This girl is really amazing. Nagkailangan na kami't lahat pero nagawa niya pang makipagharutan.
"Huli ka!" sigaw niya at nasa ibabaw ko siya ngayon. Pareho kaming naghahabol ng hininga at medyo kinabahan pa ako kasi nga may asthma siya. Okay na ring nahuli niya ako. I just smiled at her at inayos ko ang kaunting hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya.
"Ang galing mo." sabi ko na lang at tumawa kami pareho.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
Roman d'amourSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...