Chapter 45

5.7K 119 15
                                    

Chapter 45 || Dance

Mikkaella's POV

Magkasama kami ni Tyron ngayon dito sa bar. We're here to have fun gaya ng ipinangako niya sa akin. Gusto ko kasing magsayaw. I asked him and he's cool about it basta raw kasama siya para bantayan ako. Alam niya kasi ang tungkol sa hika ko at natatakot daw siya na baka may mangyari sa akin bigla. O di kaya may mambastos daw sa akin. He assured me that he'll let me enjoy though.

What I really like about him is that I am comfortable and free when I'm with him. I can do what I want. He's not really possessive kahit na may ibang lalaking gustong manligaw sa akin. He said he's fine about it basta raw I should be really careful.

If it's not gonna be him in the end, I have to make sure the guy is worth it. That's what he said.

Nagpunta ako sa gitna at medyo nawala sa sarili dahil sa malakas na tugtog. I'm being drowned! Nakita ko sa isang gilid si Tyron na nakangisi at may hawak nang beer. Sinenyasan niya ako at napatingin ako sa mga taong nagsasayaw at mukhang enjoy na enjoy. He's letting me dance. Finally! Hindi ko napigilan ang pagngiti. Ganito rin kami sa France noon.

I naturally moved with my instincts. Nakakatuwa nga dahil sa bahay ni Tyron, ginawan niya ako ng kwarto kung saan pwede akong magsayaw. May malaking salamin doon at malaya akong nakakakilos. Minsan ay nakikisali siya pero nauuwi lang sa katatawanan at harutan. Hindi kasi siya sanay magsayaw. Pero okay na rin dahil maganda naman ang boses niya. Hinarana na niya ako noon nung nasa France pa kami.

I can't help but smile sa tuwing naaalala ko 'yung surprise niya sa akin. Napakaraming tao at bigla na lang siyang lumitaw, kumakanta at may bitbit na gitara. Nakita pa namin sa youtube 'yung video namin na 'yon at ang daming likes at comments na sobrang kinilig daw sila. Ang ilan nainggit at ang ilan naman nakilala si Tyron! Nakilala rin ako dahil ng panahon na 'yon ay nakailang designs na ako ng damit! I was slowly creating a name of my own.

"Wooooooh!" sigaw ko and I raised my arms! This is what I really love. I don't feel suffocated or even judged. They don't know me anyway.

Sinenyasan ko lahat na wag magiwan ng space sa akin kaya naman lumapit na sila at hindi na ako naging center of attraction masyado. Napatingin ako kay Tyron and I saw him laughed habang nakahawak sa labi. He's really adorable! Nagtatatalon ako at hiyaw! Mas ginanahan akong magsayaw! May ilang napapadikit sa akin and I just smile at them pero tuloy lang sa pagindak kasabay ng nakakabinging tugtog.

Medyo natigilan nga lang ako nang may mainit na katawang dumikit sa likod ko. I thought it'll not stay for too long gaya kanina pero parang naestatwa na ito sa kanyang kinatatayuan. Nakita ko si Tyron na nakatingin sa direksyon ko tapos nagbago ang awra niya kasabay ng pagkakaroon ng matalim na titig sa kung sino man ang nakadikit sa akin ngayon. Napatayo siya.

Lilingunin ko sana 'yung nasa likod ko pero parang nagugat ako sa kinatatayuan ko dahil sa paghinga niya na tumatawa pa sa may leeg ko. "Acting like you're free huh?" I shivered. I know that voice. Hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang boses na 'to. Tiningnan ko si Tyron. 'Yung tingin na alam kong alam niya. I am begging him to please take me. All my fears came back. Nakahinga ako nang humakbang na siya at palapit na ngayon sa akin. I was about to walk away but... but... I felt someone's embrace. I know it's still him. Inakap ako mula sa likod. "I missed you so much. The moment you forced yourself in my life, you can't just walk away Mikka..." He whispered huskily like he's gonna cry any moment. Pinagpahinga niya ang kanyang baba sa balikat ko na mas lalong nagpanginig sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Flashbacks came pouring in my mind.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at dahan-dahang kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. Parang nanghina siya sa paghawak ko sa kanya or maybe he just let me go.

Nasa harapan ko na si Tyron, nagiintay na lumapit ako sa kanya. I didn't bother look at... Kailer. It's him I know.

Naglakad ako palapit kay Tyron kahit na bumigat bawat hakbang ko. Hinubad niya ang jacket na suot niya habang nakatitig sa mga mata ko at pagkatapos ay inilagay iyon sa akin. Naramdaman ko ang init 'non sa katawan ko. Inilapit at iniharap niya ako sa kanya. Maingay sa paligid pero sa kanya ko itinuon ang buong atensyon ko. "Aalis na ba tayo?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko na parang nagaalangan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong tanungin gayong alam naman niya ang mga pinagdaanan ko... He should know my answer already. I can't take to see that man!

Tumango na lang ako at naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay niya sa may baywang ko. Without looking back, we walked away. Lumabas na kami ng bar at agad na sumakay ng kotse niya na walang sinasabi na kahit ano sa isa't isa.

Walang naghabol... walang sumunod... anyway, noon pa man ay ganun na. Bakit kailangan magkaroon ng pagbabago hindi ba? Hindi na ako umaasa. He will never try to be at risk for me, he will never exert an effort to get me because from the very beginning, I know I am just a thing for him. He can easily forget and leave me. He can easily choose someone over me. I do not deserve someone like him. I do not deserve to be the girl he never loved.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon