Chapter 32

4.7K 90 2
                                    

Chapter 32 || Alam Mo Naman

Kailer's POV

"HINDI KA MAHAL NI CYRISH!" Dahil sa sinabi ni Mikka ay parang nagdilim ang paningin ko. Sa mga sinabi niya nung una ay nagulat talaga ako pero ano naman ang sinasabi niya ngayon? Parang nasaksak ako. "Hindi ka mahal ni Cyrish kasi may iba siyang lalaki bukod sa 'yo! Isa ka lang sa kanila! Isa ka lang sa mga tangang nagkakandarapa sa kanya!" dagdag pa niya kaya naman napayuko ako at kinuyom ko ang dalawang kamay ko.

"Tumahimik ka na." ramdam ko ang pagigting ng panga ko at paninikip ng dibdib.

"Kailer wag kang magbulag-"

"MIKKA TUMIGIL KA NA!" Ngayon lang ako nagalit ng ganito."Stop lying! You love me? Kaya gusto mong sirain si Cyrish ha? Ganun ba?" matalim na tingin ang binigay ko sa kanya.

Sinampal niya ako ng malakas kaya medyo napaatras ako. "Sh*t! Ano ba Kailer?! Ang tanga mo talaga! Sinabi ko sa 'yo ang totoo pero ayaw mong maniwala! Why do you only believe in her? Bakit kasinungalingan ang gusto mong paniwalaan? Why? Because it feels better? She's no freakin' angel! Damn!"

"Why are you saying these?" Sinubukan kong maging mahinahon kahit na nasasaktan talaga ako ngayon ng sobra.

"Because it's the truth! Believe me or not, she's lying! It's up to you kung siya o ako ang paniniwalaan mo but I stand on my words. Teka, why am I still fighting over this kung dati pa lang ay alam ko na kung sino ang panalo. Si Ro-Cyrish! Siya naman palagi ang tama, ang magaling, ang the best sa mata mo! Osige edi wow siya na! Should I clap my hands?" sarkastikong pagkakasabi niya at naglakad na siya papasok sa kanila. Naiwan akong nakatayo sa harap ng kotse ko habang mabilis ang paghinga. I'm still processing what just happened and what I just heard.

No. That's impossible. Mahal ako ni Cyrish. Mahal namin ang isa't isa kaya wala siyang ibang lalaki. Dahil may nararamdaman sa akin si Mikka kaya ginagawa niya 'to.

Pero... kaibigan ko si Mikka. Kahit isang beses hindi niya ako niloko. I trust her. Paano kung totoo ang sinasabi niya? Paano kung si Cyrish ang nanloloko sa akin?

But I love Cyrish... hindi ba siya dapat ang paniwalaan ko?

Hindi ko ba mahal si Mikka ng higit pa sa kaibigan?

Ginulo ko ang buhok dahil sa inis sa sarili ko. Wala akong maisip na sagot sa mga tanong ko at gulong-gulo ako!

***

Imbes na dumiretso na ako sa bahay, kina Cyrish muna ako nagpunta para mabalikan ko ang phone ko at matanong ko na rin sya tungkol sa sinabi ni Mikka.

Naabutan ko naman si Cyrish sa labas ng bahay nila kaya hindi ko na kinailangan pang magdoorbell at palabasin siya.

"H-Hi Kailer, bakit bumalik ka rito?" tanong niya sa akin na parang medyo kabado. Parang nakakita yata siya ng multo dahil namutla siya?

"Okay ka lang ba? Bakit nandito ka sa labas?" tanong ko bago ko siya inakap.

"Uhmmm wala lang... nag ano.. tapon ng basura." sabi niya at tumingin na kami sa isa't-isa.

"Dapat hinayaan mo na ang maid niyo. Masyado ka namang mabait." sabi ko naman at ngumiti lang siya. She's so innocent para gawin ang paratang ni Mikka. Is it really possible that she's cheating?

"Uhmm bakit ka nandito?" tanong ulit niya.

"'Yung phone ko tingin ko kasi naiwan ko rito."

"Oww eto dala ko." May inilabas siya sa bulsa niya at nakita kong cellphone ko iyon kaya kinuha ko at nilagay sa bulsa ko.

"Thanks. Okay ka na ba?"

"Yup. Thanks to you." Hinalikan niya ako sa pisngi. I felt numb. We actually kissed each other pero hanggang dun lang. But when she's kissing me, nagkakasala ako because I always have someone in mind.

Naalala ko ang isa ko pang pakay. "I have a question."

"B-Bakit bigla ka namang naging seryoso. Chill ka lang." sabi niya pero seryoso ko pa rin siyang tiningnan.

"May iba ka bang lalaki bukod sa akin?" tanong ko.

"W-Wala! I'm loyal!" sagot niya agad. "Sino naman nagsabi niyan sa 'yo?" Kumunot ang noo niya.

"Si Mikka. Sinabi niya sa akin na-"

"Wag kang maniwala sa kanya! Alam mo ba? Matagal ko nang alam na may gusto siya sa 'yo! And because she's my cousin at alam ko nga ang feelings niya , I let her marry you. Ako na nga itong nagparaya but look, sinisiraan pa niya ako. Walang utang na loob!" Inakap niya ako ng mahigpit. "Kailer! Please naman believe me... I love you. Hindi ko kayang gawin sa 'yo ang binibintang ni Mikka. I only have you."

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Ang hirap magdesisyon kung sino ang dapat kong paniwalaan ngayon. Ang pinagbabasihan ko lang ay kapwa salita nila pero walang sapat na patunay kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo... Sino nga ba sa kanila ang hindi nagsisinungaling? I trust both of them...

"Kailer, don't tell me siya ang pinapaniwalaan mo ha? Alam mo naman na ako ang mahal mo 'diba? So dapat ako ang paniwalaan mo!" sigaw ni Cyrish sa akin at nang harapin niya ako ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Wala akong mapaniwalaan sa kanila. "Kailer?"

"I love both of you... I love her as a f-friend and please Cyrish, I need a proof. Kung sino ba talaga sa inyo ang nagsasabi ng totoo." sabi ko at yumuko ako sabay iling. Tumalikod ako at kahit narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ay nagpatuloy sa paglalakad. I need to breathe... I need to let myself think peacefully.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon