Chapter 51 || You Didn't
Mikkaella's POV
"Haha! Tama na!" sigaw ko dahil binabasa talaga ako ni Fred! Grabe lang ang pagsaboy niya ng tubig sa akin! Kala mo gusto akong lunurin!
Nandito kami ngayon sa dagat at nagtatampisaw. Nakasuot ako ng kulay pink na board short at black rash guard imbes na 'yung mga sobrang revealing na swimwear. Dito kasi ako mas kumportable noon pa man. Kahit na lumipas na ang ilang taon ay hindi naman ako tuluyang nagbago.
Tumakbo ako palayo kay Fred at nabangga sa matigas na dibdib ni Philip. Abs kasi!
Aba't pinanindigan nila ang hindi pagiwan sa akin ah! Sinabuyan din niya ako ng tubig! Tawa lang ako ng tawa habang ginagawa nila 'yon. "Ahhhh!" Napasigaw ako dahil sa pagbuhat naman ni Tyron tapos initsa niya ako sa dagat! Hindi naman malalim ang binagsakan ko kaya nakatayo ako at tawa sila ng tawa! Nagkunwari akong nainis at sumibangot. I even rolled my eyes.
Fred offered his hand immediately at kinuha ko 'yun hindi para makatayo kundi para pati siya ay masama sa akin. Tawa ako ng tawa nung basang basa na talaga kami pareho! "F*ck. I got fooled." Hindi makapaniwalang singhap niya na natatawa rin.
Kanina pa kami rito dahil pagkababang-pagkababa ng gamit ay nagaya na sila sa beach.
Tumayo na kami ni Fred pareho sa tulong ni Tyron at Philip.
"Kain tayo?" tanong ni Philip habang nakatingin sa mga babae sa malayo. Tsk. Tsk. Kakain ng pagkain o iba ang gusto niyang kainin? Yuck!
"Mamaya na naku. Sige na maghunting na kayo ni Fred!" sabay tulak ko kay Fred.
"Ako? Oh bakit ako?" natatawang tanong ni Fred. Kunwari pang walang alam! Lol.
"Go!" At sumunod naman sila. Tumakbo pa! Naiwan kami ni Tyron at naupo sa buhangin. Mabuti at hindi na ganun katirik ang araw kaya masarap maupo rito. Gumaan talaga ang pakiramdam ko sa pagsama sa kanila.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Tyron at hinayaan naman niya ako sa gusto kong pusisyon.
"Alam mo ba ang nangyari sa resort na 'to?" tanong ko kay Tyron.
"Hindi. Will you mind telling me?" Ngumiti ako. I have to let this thoughts out kung hindi ay baka kainin ako nitong muli. Sinimulan ko ang kwento nung sumali ako sa contest. Panay ang paghanga niya at sayang daw hindi niya ako napanuod. Dapat daw pala pumunta siya at naging judge. Natawa na lang ako.
Naikwento ko rin sa kanya 'yung time na umasa ako kay Kailer dahil sa first kiss namin. "Akala ko talaga may nararamdaman na siya sa akin 'nun e. Ayun it turned out na umasa lang ako." Kasi nga hinalikan niya ako... Naniniwala kasi ako na hindi niyabasta-basta hinahalikan ang isang babae unless may feelings siya. But then I found out that he's not that type of guy.
"Dahil dakila siyang paasa." Umismid siya.
"Yeah right!" Pinagpatuloy ko ang kwento hanggang sa pagpaplano ko na naging successful pero hindi hinayaan ni Cyrish. Nagkunwari pa akong hinihika at pinainom ko siya ng pampatulog. I sound ridiculous.
"Effort!" sigaw ni Tyron at nahampas ko.
"Malamang! Ayoko kasing masaktan ni Cyrish si Kailer e." May kirot akong naramdaman sa loob ko pero hindi ko na binigyan ng pansin.
"Kaya hinayaan mong ikaw ang masaktan?"
Natahimik ako... That's the truth. Ako ang nasaktan dahil sa ayaw kong masaktan si Kailer. I suffered.
Naramdaman ko ang pagakbay ni Tyron sa akin at hinayaan ko lang siya. It feels so warm to be with him.
"Mikka..." pamilyar na boses ang narinig ko. Napahawak ako sa kamay ni Tyron dahil kilala ko kung sino ang tumawag sa akin. Pangalan pa lang niya na naisip ko ay nakakaramdam na ako ng sakit, paano pa kung makita ko siya ngayon 'diba?
Gusto kong gawing katatawanan na lang ang mga napagdaanan ko pero I can't. Lalo na at buhay na buhay ang sugat sa loob ko.
Napatayo ako at sabay naming nilingon ni Tyron ang tumawag sa akin. "Anong kailangan mo kay Mikka?" may diing tanong ni Tyron at humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Pwede ko ba siyang makausap?" tanong ni Kailer at tumingin si Tyron sa akin para malaman kung gusto ko ba o hindi. Napatingin ako kay Kailer at sa mukha niyang nagsusumamo. Bumabalik lagi ang sakit kapag nakikita ko siya...
Umiling ako at yumuko.
"Ayaw niya. Una na kami." malamig na sinabi ni Tyron at naglakad na kami. Lalagpasan na sana namin sya nang hawakan niya ang braso ko para huminto kami.
"Please Mikka." napapaos na pakiusap niya. Parang may nagbara sa lalamunan ko dahil sa tinuran niya.
"Wala na tayong dapat pagusapan." sinabi ko kahit na mahirap magsalita. Si Tyron na ang nagtanggal sa kamay ni Kailer na nakahawak sa akin. Ramdam ko na nagkakainitan ang dalawa kaya naman pinilit kong umalis na lang kami ni Tyron.
***
Hindi ako makatulog dahil sa nangyari nitong nakakaraan. Natatakot ako lalo na sa naging panaginip ko nung nasa byahe kami. Sa totoo lang ay wala na lang akong pinagsabihan pero nagpakita sa panaginip ko si Cristina.
Sinabi niya sa akin na...
"Nagsisisi ako nang tapusin ko ang buhay ko... Nagsisisi ako... sana ay magtagumpay ka... sana..."
Paulit-ulit niya 'yong sinabi. Bakit siya nagsisisi? Anong dapat kong pagtagumpayan? Sinukuan ko na siya! Sila na ni Cyrish! Bahala na siya at wala na akong pake!
Lumabas na lang muna ako ng kwarto at naglakad-lakad sa tabing dagat... Ang sarap ng ihip ng hangin lalo na kapag tumatama sa akin. "Cristina..." Napatingin ako sa paligid dahil sa malamig na boses na 'yon. Boses ng lalaki.
"Mahal ko..." Kinilabutan ako.
"Uhmmm sino ka?" tanong ko sa kawalan. Malalim na ang gabi at wala na akong nakikitang tao sa paligid. Kinabahan naman ako. Bakit binanggit si Cristina?
Balak ko na lang sana bumalik sa kwarto dahil sa takot ko pero nang tumalikod ako ay nakita ko sa harapan ko si Kailer at inakap niya ako ng mahigpit. "Ano ba?!" sigaw ko pero hindi siya natinag. "Lumayo ka sa 'kin!"
"I-I'm sorry... sorry Mikka... Sorry..." Hindi ko alam kung umiiyak siya pero rinig ko ang pagsinghot niya. Natahimik ako at nang tingnan niya ako, dahil sa maliwanag na buwan, kita ko ang mapungay niyang mga mata. Namumugto ito at may nangingilid na luha. "Sana mapatawad mo ako... Hindi kita pinaniwalaan... nasaktan kita at-"
"Nangyari na. Hindi na natin mababago 'yon." Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko at akapin ang mga binti ko.
"Patawad Mikka pero hindi ko kaya kung lalayo ka sa akin... kung hindi tayo magiging tulad ng dati."
"Dati? Nung nasasaktan ako dahil sa inyo?" sarkastikong tanong ko kahit na pakiramdam ko nababasag ang puso ko sa nakikita ko. "Tumayo ka nga!" sigaw ko na halos mabasag ang boses ko. Nagpipigil lang ako ng emosyon ngayon dahil ayokong makita niya ang mga luha ko. They don't deserve my tears! I don't deserve to cry for them!
Tumayo siya pero hinawakan niya ako sa magkabilang braso at inilapit siya kanya. Ginawa niyang magkalebel ang mukha naming dalawa. Bumagsak ang paningin ko dahil hindi ko kayang tingnan siya. Napapaso ako. "Mahal mo pa ba ako?" Titig na titig siya sa mga mata ko at hirap na hirap akong tumingin.
"Noon..."
"Ngayon?"
Sinarado ko ng mariin ang bibig ko bago nagsalita.
"Yes I did fall in love... damn hard... but you didn't catch me." At pinikit ko ang mga mata ko bago siya tinulak palayo sa akin. Nanghina siya sa sinabi ko kaya nagawa ko siyang mailayo sa akin.
Tinatanong niya ako kung mahal ko pa siya? Sa totoo lang ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako dahil sa kanya at nagpapasalamat talaga ako dahil sa may mga tao sa paligid ko na nandyan para sa 'kin. May mga taong nagmamahal sa akin kahit na mahirap dahil sa para akong sundalong sugatan mula noon hanggang ngayon. Nasaktan ako ng akala ko kakampi ko. Natalo ako sa laban ng pag-ibig.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...