Chapter 4 || Natatakot Ako
Kailer's POV
Sasali raw si Mikka sa beauty contest ng resort namin na gaganapin sa huling araw ng linggong 'to. Nabigla nga ako kasi pumayag siya. Hindi ko 'yun expected. Kilala ko 'yun. Ayaw na ayaw niyang nagsusuot ng mga damit na sobrang pambabae. Ayaw niya ng make-up. Minsan nga tinutukso ko 'yun na tomboy eh haha at nasasapak tuloy ako.
Kami ni Felix ang magkasama ngayon kasi magkasama 'yung tatlo. Ginagawan daw ng EXTREME TRAINING si Mikka kasi ayaw nilang magpatalo dun sa babae na naghamon. Nakausap ko na rin 'yung babae at talaga palang hindi maganda ang ugali nito. Sana lang talaga manalo si Mikka para matauhan 'yung babae.
"Nasaan ba sila ngayon?" nakakunot ang noo ni Felix. Nandito kami sa may lobby at dahil wala namang ibang tao, pagkakataon ko na para matanong siya.
"Bakit ba parang inis na inis ka sa buhay mo ha?" tanong ko.
"Natatakot ako." Dalawang salita lang ang sinabi niya. Uminom siya ng isang basong tubig. Gusto kong matawa kasi si Felix ang naringgan kong natatakot pero syempre alam ko naman na seryoso siya kaya hindi ako tumawa.
"Natatakot saan?"
"Natatakot ako na makita si Mikka ng ibang lalaki. Ayokong may ibang magkagusto sa kanya." sabi niya at naintindihan ko naman siya. Ako rin kasi ayokong may ibang lalaki na magkagusto kay Cyrish. Natatakot ako kasi baka mawala siya. Napakatorpe ko kasi eh. Napakatorpe namin ni Felix. Iyon na siguro ang pinagkapareho namin kaya kami naging magkaibigan.
"Eh ano nang balak mo ngayon? Sasali na siya ah." sabi ko naman.
"Humanda sa 'kin pagkatapos ng contest 'yung mga lalaking magkakamaling lapitan siya." sumama lalo ang tingin niya sa kawalan. Tinawanan ko na siya sa punto na 'to. Haha. Maloko lang talaga si Felix tapos ang hilig pang mangentertain ng babae pero kahit na ganuon ay alam kong totoong may gusto siya kay Mikka. Saksi ako sa palihim niyang galaw para magkalapit sila. "Hirap talaga magmahal Kailer Eisen Ramirez."reklamo niya at sumabay na siya sa pagtawa ko. Talagang tinawag pa ako sa buong pangalan ko eh.
"Hindi ko na alam kung nasaan sila eh. May training." sagot ko sa nauna niyang tanong.
***
"Sigurado ka bang nandito sila?" tanong ni Felix sa akin nang makarating kami sa gym ng resort. Sinabihan ko pa naman si Mikka na wag nang magbawas ng timbang para sa cheekbones niya pero eto siya ngayon sa gym. Hay naku. Itong si Felix tuloy, umuusok na ang ilong kasi naman baka raw mabastos si Mikka rito ng mga lalaki. Sinabihan ko naman siya na wag magalala dahil mas lalaki pa si Mikka sa kanya.
"Oo nandito raw sila."
"Kailer!" Si Cyrish ang tumawag sa akin. Nanduon sila sa dulo kaya nilapitan na namin ni Felix. Nakaupo sila ngayon at nakita kong pawis na pawis si Mikka. Umiinom ito ng tubig ngayon habang pinupunasan naman siya ni Dianne.
"Anong nangyari sa 'yo?!" tanong ni Felix. Medyo tinapik ko kasi sobra 'yung reaksyon niya.
"Pinatakbo namin ng pinatakbo." sabi naman ni Cyrish. Bukas na 'yung contest at ngayon lang namin ulit nakita si Mikka. Para siyang nangayayat pero hindi naman siya pumayat ng sobra. Medyo naging slim lang siya.
Inagaw ni Felix 'yung panyo kay Dianne at siya na ang nagtangkang pumunas kay Mikka. Nagtangka lang kasi piningot siya ni Mikka bago pa niya 'yon magawa. "Wag mo akong manyakin dude." sabi niya at natawa kaming tatlo sa ginawa niya. As expected sa Mikka na kilala namin.
"Ayos ka lang ba Mikka?" parang nagulat pa siya sa boses ko eh. Nabitawan niya si Felix nang tumingin sa akin. Ngumiti siya bago tumango.
"O-Oo okay lang a-ako." Ayos lang kaya siya? Parang nautal siya eh.
"Sige na Felix at Kailer, may gagawin pa kami kay Mikka. Abangan niyo na lang siya bukas ng gabi." sabi ni Cyrish. Ang bait niya talagang pinsan kay Mikka. Talagang handa siyang tulungan ito lalo na kapag may nangaapi rito. Hindi na rin bago ito dahil noon pa man ay mabait na talaga si Cyrish.
"Ingatan niyo si Mikka ah? Alam niyong may hika 'yan kaya baka masobrahan." sabi ko at nagthumbs up naman si Dianne kaya ngumiti ako. Nagaalala lang ako kasi baka biglang hikain si Mikka eh nakakatakot pa naman kapag nangyayari 'yun. Hindi kasi siya talaga makahinga. Ang kwento niya, 'yung mama niya muntikan nang mamatay dahil sa asthma noong kabataan nito.
Hindi ko nga pala sinasabi sa kanila na ako ang isa sa judge sa contest kaya mas may pag-asa siyang manalo. Hindi ko na sasabihin sa kanila kasi baka si Mikka pilitin ako na wag magjudge. Eto na lang din matutulong ko sa kanya at isa pa, I will judge them fairly. Medyo mas angat nga lang syempre ang kaibigan ko haha.
***
Ang tagal bumalik sa kwarto nung tatlo at kami ni Mikka gusto nang mahiga at magpahinga kaya sabay na kaming sumakay ng elevator. Tahimik lang siya at walang sinasabi kaya ramdam kong parang may problema.
"Okay ka lang?" tanong ko. Bumukas na 'yung elevator kaya bumaba na kami pareho. Tumingin siya sa akin at nakita ko sa mukha niya ang pagkabalisa. "Alam ko na." sabi ko at tumalikod muna ako sandali. Pagkaharap ko, nagmakeface ako kaya ayun at natawa siya. Ang ending ulit ng tawa niya ay tunog-baboy. Haha. "Mas bagay sa 'yo kapag masaya ka."
"Kinakabahan kasi ako eh." sabi na nga ba at iyon ang problema niya.
Ipinatong ko ang kamay ko sa magkabilang balikat niya at inilapit ng kaunti ang mukha ko. Medyo pumantay din ako sa kanya kasi matangkad ako. "Tandaan mo lang, dapat nakangiti ka sa audience. Dapat din maging totoo ka. Isipin mo 'yung bagay na nagpapasaya sa 'yo para maabot mo 'yung goal mo." sabi ko at ngumiti siya. May sakit kaya siya? Parang nagbago ng bahagya ang kulay niya nung matingnan ko ng maigi ang mukha niya eh.
"S-Salamat Kailer." sabi niya bago siya naglakad papunta sa kwarto niya.
"Mikka!" Huminto siya sa pagtawag ko at tumakbo ako palapit sa kanya. Inakap ko siya ng mahigpit.
"U-Uy K-Kailer." sabi niya at hinimas ko ang ulo niya bago ako humiwalay.
"Goodluck sa laban mo. Kaya mo 'yan." sabi ko at para siyang batang maluluha. "Wag kang iiyak. Magmumukha kang baluga." At sinuntok niya ako ng mahina sa dibdib.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...