Chapter 14 || Hindi Pagkabigo
Kailer's POV
Nang idilat ko ang mga mata ko, umaga na. Napabangon agad ako at nakita ko sa tabi ko na mahimbing na natutulog si Mikka. Ano bang nangyari sa akin? Anong nangyari kagabi? Nakatulog ba ako rito sa kwarto niya ng hindi ko namamalayan?
Nahampas ko ang ulo ko. Oo nga nakatulog ako rito. Hay!
Teka! 'Yung plano ko!
Tumayo na ako at agad na lumabas ng kwarto. Binalikan ko 'yung dining hall at nagulat ako dahil may mga tao na roon. Kumakain na ang mga guests as usual. Wala na 'yung inihanda ko kagabi. Nilapitan ko kaagad ang isa sa kasama ko sa pagaayos ng naudlot kong plano. "Anong nangyari?" tanong ko. Nasaan na ang inihanda ko?
"Pinapunta po namin si Ms. Cyrish dito pero wala ka naman po. Ayun po sabi ng manager ibalik na lang namin sa dati ang dining hall dahil baka hindi na raw po tuloy 'yung plano mo sir." Ginulo ko ang buhok sa sobrang pagkainis. Hindi ko naman masisisi si Mikka dahil emergency ang nangyari sa kanya. Ako ang may kasalanan dahil nakatulog ako. Tss. Padabog akong umalis ng dining hall.
Kahapon pa naman sana ang pagkakataon ko pero wala. Sinayang ko dahil sa pagtulog ko. Hay naku. Kung hindi lang ako nakatulog edi sana... hay.
Ngayon tuloy ay paalis na kami... malungkot akong pumasok sa kwarto ko. Nakayuko lang ako nang makarinig ako ng boses. "Kailer!" Si Cyrish 'yon at tumakbo siya palapit sa akin. Inakap niya ako ng mahigpit kaya nagulat ako. Pero natuwa rin sa ginawa niya.
"C-Cyrish.." sabi ko at hinarap niya ako.
"Saan ka ba nanggaling ha? Inantay kita kagabi pero wala ka... pinabuksan ko 'tong kwarto mo at dito ako nagantay sa 'yo. Saan ka ba galing ha?" malungkot ang tono ng pananalita niya at ako man nalungkot dahil dun.
"I'm sorry... pauwi na tuloy tayo ngayon. Sayang." sabi ko naman. Lumapit na ako sa mga gamit ko at nagsimulang magayos. Nahihiya akong harapin siya dahil alam kong bigo ang plano ko. Hindi naging kami gaya ng gusto ko. Ni hindi ko nga siya natanong eh. Kumbaga epic fail talaga ang plano ko. Pinaghandaan ko pa naman pero nauwi sa wala.
"Bilisan mo ah. Aantayin kita sa lobby. May sasabihin ako sa 'yo." narinig kong sabi ni Cyrish bago nagsarado ang pinto. May sasabihin siya sa akin... ano naman kaya 'yon? Tyaka... bakit niya ako biglang inakap ngayon?
***
"Ano 'yung sasabihin mo?" tanong ko kay Cyrish nang makapunta na ako sa lobby. Dala ko na rin ang mga gamit ko at nakita ko na ganun din siya. "Wala pa ba 'yung iba?" Hindi ko kasi nakita ang ibang kaibigan namin sa paligid. Wala siyang kasama.
"Maaga tayo eh. At tama lang naman dahil may sasabihn ako sa 'yo."
"Ano 'yun?" Oo nga pala at sabi niya nga kanina may sasabihin siya.
"Itanong mo ulit yung dapat itatanong mo kagabi." Nagulat ako sa sinabi niya. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko dahil dun. Gusto niyang tanungin ko siya!
"Si-Sigurado ka?" nauutal pa ako tss.
Tumango naman siya. "Dali!" Ngumiti siya kaya mas gumanda tuloy siya lalo.
"Cyrish..." Huminto ako para huminga. "Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Parang tumigil ang oras pagkatanong ko sa kanya. Hindi rin ako makahinga dahil sa sobrang kaba. Walang dining hall dito. Walang tugtog o kahit na petals sa sahig. Kaming dalawa lang sa lobby ngayon.
Nagbalik lang ang lahat sa bigla niyang paghalik sa akin. Mabilis lang 'yon at hinarap niya ulit ako. "Oo. Pwedeng pwede." Sa sinabi niya ay inakap ko siya ng mahigpit. Napakasakaya ko! Hindi man natuloy ang plano ko kagabi ay ito naman ang nangyari ngayon. "I love you Kailer..." Ang bait talaga ng tadhana sa akin.
"Mahal na mahal din kita." bulong ko sa kanya. Maiiyak na yata ako kahit hindi pa naman kasal 'to. Oo kasal dahil gusto ko ilang taon mula ngayon ay magpakasal kami. Siya ang gusto kong iharap sa tirahan ng Diyos.
"Woah bro! Anong meron dito?" Naghiwalay na kami pagdating ni Felix.
"Istorbo ka talaga!" sabi ko at natawa siya. Tinawanan ko na lang din kahit nabitin ako sa pagakap kay Cyrish.
Nakita ko na kasunod na niya si Dianne at Mikka. Dala na rin nila ang mga gamit nila dahil aalis na nga kami.
Ngumiti naman ako sa mga kaibigan ko. Akala ko bad trip akong aalis pero hindi naman pala at dahil 'yun sa babaeng mahal ko. "Kailer sorry pala kagabi ah." narinig kong sabi ni Mikka. Akala niya siguro kagaya ng akala ko nung una na walang nangyari sa plano ko.
"Bakit? Anong nangyari kagabi?" tanong ni Felix pero hindi ko na siya sinagot pa dahil excited na akong ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Cyrish.
"Wala 'yun. Ok naman na. Gusto ko palang sabihin na kami na ni Cyrish." Nagpalakpakan sila Felix at Dianne pero nakita kong natahimik lang si Mikka.
"Naks naman!" Si Felix 'yun.
"Congrats sis!" sabi ni Dianne kay Cyrish.
"Mikka what's wrong?" Si Cyrish ang lumapit dito.
"W-Wala. Okay lang ako." sabi naman nito at nauna na sa amin sa paglabas.
"May mens ata." Cyrish giggled. Ngumiti na lang ako pabalik. Maayos lang kaya siya? Epekto lang kaya 'yun ng pagatake ng asthma niya kagabi? Medyo maputla kasi siya at parang matamlay. Siguro naman hindi lang ako ang nakatulog kagabi. Sana maayos ang pagtulog niya.
"Hindi pa rin naniniwala si Mikka sa 'yo." sabi ko kay Felix. Binigyan niya ako ng 'ganun pala' look sabay tango tyaka tumingin kay Mikka na nakalayo na ng bahagya sa amin.
"Mikka bati na tayo!" Si Felix 'yung sumigaw at nilapitan niya si Mikka tyaka inakbayan. Natawa na lang ako. Eto kami ni Cyrish at okay na. Sana si Felix at Mikka maging okay na rin.
"Halika na." Si Cyrish 'yung nagsalita at hinawakan niya ang kamay ko pati kamay ni Dianne tyaka kami sabay-sabay na naglakad kasunod nung dalawa.. Napangiti ulit ako sa ideya na kami na ngayon ni Cyrish. Ang babaeng sampung taon ko nang mahal...
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...