Chapter 25

5K 98 6
                                    

Chapter 25 || Pwedeng Ako Naman?

Mikkaella's POV

"O-Okay I'll be there." Iyon ang narinig kong sinabi ni Kailer sa kausap niya sa cellphone. We stopped kissing for what? Gabing-gabi na para may tumawag pa sa kanya. I can't even look at his eyes dahil sa nahihiya ako sa nangyari! I didn't even tell him my feelings yet! "I have to go. I'm sorry." sabi niya tapos nagsuot siya ng pantalon at mabilis na kinuha ang mga gamit niya. Laglag ang panga ko dahil aalis siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kaagad.

"Kay Cyrish. Something happened. She needs me. I'm sorry." Para akong sinaksak dahil sa narinig ko. Cyrish.. Cyrish.. Cyrish! Siya na naman. He's choosing him over me again. Napapikit ako ng mariin at wala nang sinabi. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan. She ruined my plan...

Maybe he felt lust... for me. But at least he felt something. At least I get to show him that I can also be a girl in his eyes. That I'm not just a friend...

***

Hindi ko na balak sabihin pa kay Kailer ang tungkol sa totoong Cyrish. Ayoko kasing masira ang pinsan ko sa kanya. Siguro 'yun na lang ang magagawa ko para sa pinsan ko gayong kinuha ko na sa kanya si Kailer.

"Cristina... nagawa ko." bulong ko sa sarili ko ng may ngiti sa labi.

Lumabas ako ng bahay ngayong araw. Balak ko kasing magapply sa TV Network na paborito ko dati pa. Ayoko namang magpabaya syempre. Nagtapos ako kaya dapat lang na magtrabaho na ako ngayon para makatulong sa pamilya at para sa pamilya ko rin in the future.

Dapat ngayon pa lang ang uwi ko galing Tagaytay pero umuwi na rin ako kaagad nang umalis siya. There's no point in staying.

Sumakay na ako ng jeep at agad na nagbayad. Medyo siksikan na pero carry ko naman.

Huminto ang jeep at magsasakay pa ata. Nako manong mukha na kaming sardinas dito magsasakay ka pa? Tsk. Kanina pa hinto ng hinto eh. Grabe lang sa pagiging gahaman sa pasahero.

Isang lalaking nakashades ang dapat sana papasok sa loob ng jeep pero nakita naman niyang wala ng space. Akala ko bababa na siya pero aba malakas ang loob at sumabit. Malapit lang ako sa kanya dahil nasa dulo ako. Malapit sa babaan. Nakita kong nakaharap siya sa akin tapos ngumiti pa. Ang puti ng ngipin niya in fairness.

Kilala ko ba siya? Mukhang mahangin ang lalaki na 'to ah. May pashades shades pa eh nasa jeep lang naman at wala sa beach tss. Umirap ako at pumikit na lang. Masira pa niya araw ko eh.

***

Nang matapos akong magapply, umalis agad ako kasi nagtext si Kailer. Gusto raw niyang magkita kami sa Lexa's Kitchen para maglunch. Excited ako syempre dahil parang date na rin namin ito for the first time unlike what happened last time. Tinanong ko naman siya kung kasama niya si Cyrish and thank God wala ito. Hindi ko na binuksan ulit ang usapan tungkol sa nangyari sa Tagaytay. I don't know how to do that anyway. Sumakay na naman ako ng jeep papunta roon dahil wala naman akong sariling kotse kahit na marunong ako magdrive at may driver's license pa.

Hindi ko alam kung sadyang malas lang ako ngayon o ano eh pero nakasabay ko na naman 'yung lalaki kaninang nakashades at aba wala na siyang shades ngayon. Sa may harapan ko siya nakaupo. Nakita ko ang buong mukha niya. Kagaya ni Kailer ay may pagkasingkit siya at mahaba ang pilikmata niya. Mukha siyang koreano imbes na chinito. Siguro may lahi. Pansin ko rin na may kalakihan ang katawan niya dahil sa fit na sa kanya ang poloshirt na suot niya. 'Yung ibang pasahero ay halos tumulo na ang laway kakatitig sa kanya. Hindi ko naman maipagkakaila na mukha siyang modelo kaya ganuon na lang ang reaksyon ng mga tao sa kanya. "Are you done checking me? Papasa ba ako sa taste mo?" Kumurap ako dahil sa pagsasalita niya at nagiwas agad ng tingin. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na ngumisi siya. "Bayad po. Dalawa na 'yan. Para sa babaeng maganda na nasa harapan ko. Keep the change. Para!" At bumaba na siya. Nagulat ako syempre kasi ibinayad pa talaga niya ako. Well nilibre niya ako edi bahala siya. Okay lang naman at hindi na siguro kami magkikita ulit. Medyo nakakahiya lang kaya naginit ang pisngi ko. Nakatingin na kasi 'yung mga pasahero sa akin at laglag ang panga dahil sa nangyari. May ibang nanghinayang pa.

Nang bumaba ako sa Lexa's Kitchen, nakita ko si Kailer na nakatambay sa pinto ng kotse niya. 'Yung likod niya ang nakaharap sa akin kaya balak ko sana siyang gulatin. Tahimik akong naglakad palapit sa kanya at-

"I love you too... Ingat!" narinig kong sabi niya. Imbes na siya ang magulat ay ako ang nagulat. Tumalikod ako at agad na nagmadali papasok ng restaurant. Ayokong malaman niya na narinig ko siya... kasi after all wala akong karapatang magreklamo. Simula pa lang ay alam kong mahal na niya si Cyrish. Hindi ko siya masisisi kung mahal pa rin niya ito. Ikakasal lang naman kami 'diba? Kasal lang... walang pagmamahal. Masakit oo... pero titiisin ko muna. Tuturuan ko si Kailer na mahalin ako.

"Ma'am Mikkaella? Future Mrs. Ramirez?" narinig kong sabi ng guard at huminto ako para ngumiti rito.

"Uhmm sino po nagsabi niyan?" tanong ko kasi nahiya naman ako. Hindi pa kami kasal pero iyon na ang tingin nito sa akin.

"Si Ma'am Lexa po." Mama pala ni Kailer 'yung nagsabi. Tanggap na tanggap talaga nila ako.

"Ay salamat po." nahihiyang sabi ko.

"Welcome po!"

Naghanap na ako ng lamesa at naupo ako roon. Pagtingin ko sa phone ko ay nakita kong nagtext si Kailer. Tinatanong niya kung nasaan na ako. Sabi ko nagiintay na ako sa loob. Naalala ko na naman 'yung narinig ko kanina. Hay!

Hindi nagtagal ay dumating na siya. Pilit kong kinalimutan 'yung narinig ko kanina. Naupo siya sa may harapan ko. "Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin. Sabi ko pasta na lang pero sabi niya magkanin daw kami dahil parang pumapayat na ako. Nawawala raw 'yung cheekbones ko kaya napangiti ako. Edi pumayag na lang ako sa gusto niyang magkanin kami.

Habang nagaantay kami sa inorder namin ay nagsalita siya. "Kamusta na pagaapply mo?"

"Ayun okay naman. Magiintay na lang ako ng tawag nila para malaman kung natanggap ba ako. Anyway doon naman ako nagojt at maganda naman feedback nila noon. So I think ok naman." excited na sabi ko. Kaso ang alam ko ay sa available position muna ako magsisimula so basically ay mababang pusisyon 'yon. I just have to work hard para tumaas ako.

"Wow. Good for you. Ako kasi tutulong sa modeling agency na itatayo ni Cyrish at Dianne. Since may mga knowledge kami about modeling and business, okay naman siguro. Ayaw mo bang sumali sa amin?" Wow.. Walang nasabi sa akin si Cyrish o di kaya si Dianne tungkol doon. Siguro nawalan na talaga ako ng kaibigan. Ano pa bang aasahan ko? Simula pa lang naman ay mas malapit na ang dalawa. Si Kailer lang kung tutuusin ang pinakakaclose ko sa apat.

Narealize ko lang dahil sa sinabi niya na... talaga palang hindi ko sila mapaghihiwalay ni Cyrish. Ngayon ay magiging magkasama pa sila sa trabaho at ako malayo. Medyo nalungkot ako pero hindi ko pinahalata. "Ok lang. Titingnan ko kapag ayoko sa trabaho ko." sabi ko na lang while trying to cheer up.

"Si Cyrish nga pala nagkasakit last time pero ayun umayos na naman. Pinuntahan ko siya ngayon kasi chineck ko 'yung lagay niya." Kwento niya. Tinatanong ko ba? Well... siguro nasanay na siya dahil dati naman ay ako ang pinagkukwentuhan niya. I'm trying to heal my wounds pero eto siya, sinasaktan ako sa simpleng pagkukwento niya. Siguro nagiging sensitibo ako dahil akala ko pag ikakasal na kami, wala na si Cyrish sa landas namin pero mali ako eh. Mali talaga.

Napatingin ako sa may bintana at nakakita ng batang may hawak na lobo. Somehow may naalala ako. Mga bata pa kami noon. "Wow. May bigla akong naalala." napatingin ako kay Kailer at napatingin na pala siya sa tinitingnan ko. "Si Cyrish kasi umiyak ng umiyak that time kasi nakita ka niyang may hawak na lobo. Sabi ko bibilhan ko siya ng iba pero 'yung sa 'yo daw ang gusto niya." Medyo tumawa siya.

"And then you asked me if you can have my balloon, binigay ko sa 'yo pero binigay mo kay Cyrish." Akala ko para sa 'yo kaya binigay ko but I didn't know you'll give it to her.

"Ayun at ang cute na ni Cyrish kasi tumawa na siya." dugtong niya sa kwento ko. Pero hindi niya alam ang sunod na nangyari sa akin. Umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto. Umiyak ako hindi dahil sa lobo kundi dahil sa kanya. Dahil ginawa niya 'yon para kay Cyrish. Naisip ko simula noon na gagawin nito lahat para sa pinsan ko at sobrang nainggit ako ng mga panahon na 'yon.

"Alam mo ba si Cyrish blah blah blah." Ayoko na siyang pakinggan! Cyrish... puro na lang si Cyrish. Hindi ba pwedeng ako naman? Ako ang kasama niya! Si Cyrish na ngayon ang puro bukambibig niya. Malaking sampal ba sa akin 'to?

"Kailer. Ayan na 'yung pagkain." Dun lang siya natigilan at nagsimula na kaming kumain. Buti at pinuno na niya ang bibig niya nang wala na akong marinig na Cyrish mula rito.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon