Chapter 42 || Hindi Kita Mahal
Kailer's POV
Hindi sana ako titigil sa paghahanap kay Mikka kung hindi lang ako pinatigil ng parents ko. Ilang araw na rin ang nagdaan pero para akong baliw na hanap ng hanap sa kanya. Sabi nila ay maayos na raw si Mikka pero hindi niya ako gustong makita. Parang kinurot ang puso ko sa narinig ko. Ayaw niya akong makita... Siguro ay sinisisi niya ako ng sobra ngayon. Siguro nga tama lang dahil kasalanan ko lahat ng 'to. Hindi ako naniwala sa kanya at nasaktan ko siya ng sobra. Pati ang anak namin ay nadamay.
"Give her time to heal." sabi ni Ate sa akin at mukhang tama siya. Baka mas masaktan ko si Mikka kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. Dapat ay hayaan ko munang maghilom ang mga sugat niya...
***
Imbes na umuwi na ay dumiretso ako sa bahay ni Cyrish. Kailangan ay magkausap kami. Kahit na alam kong nadungisan na niya ang pagmamahal ko, handa pa rin naman akong tanggapin siya kahit bilang kaibigan kung sasabihin niyang minahal niya rin ako at hindi niya sinadyang gawin ang mga 'yon.
Nang itigil ko ang sasakyan ko, may lalaking lumabas mula sa loob ng bahay. Hindi ko ito namukhaan. Bumaba ako pero hindi ko na pinansin 'yung lalaki, hinabol ko na lang ang bukas na pinto at tumuloy ako sa loob. Nakita ko ang gulat na tingin ni Cyrish sa akin. "What are you doing here?" Galit na tanong niya.
"Tell me... just tell me that you loved me and I'll forget about all your flings." pagsusumamo ko at hinawakan ko ang kamay niya pero pinalis pa rin niya ito tulad kanina sa coffee shop. Bumilis ang paghinga ko dahil nasasaktan ako sa kinikilos niya.
"Hindi kita mahal. Kahit kailan hindi kita minahal! Wala akong minahal na kahit na sino! Wala kahit na sino!" Nang sabihin niya 'yon ay may tumulong luha mula sa mga mata niya. Unang beses ko siyang nakitang ganun. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit na nanlilisik ito.
"Then why are you crying?"
"Because I hate you! I hate everyone who comes into my life!" sigaw niya at aalis na siya pero inakap ko siya mula sa likod.
"M-Mahal mo ako. Ramdam ko 'yun. Why can't you say it?!"
"Please Kailer, Kaibigan lang ang tingin ko sa 'yo. I can never love you more than that! Just be with my cousin. I'm sorry for making your lives a mess just like mine." sabi niya at ramdam ko bawat salitang binitawan niya. Tinulak niya ako palayo at hindi na ako nakakilos pa. Naiwan akong tulala at sugatan. Hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Hindi ko na nga alam kung bakit ako nasasaktan e. Ang alam ko lang ngayon ay nagsisisi ako ng sobra. Hinayaan kong masaktan si Mikka dahil sa katangahan ko. She loved someone like me for years and I loved someone else. Kahit sarili ko ay mahirap patawarin.
"Our baby died..." Natigilan siya sa pagpasok sa loob ng bahay nila at nanlalaki ang mga mata nang harapin ako.
"B-baby?" Napatakip siya ng bibig at bumagsak sa sahig. "Oh God! I'm sorry! I-I'm so sorry..."
***
Dumiretso ako sa bar para makalimot. I'm not in to this place pero nagpunta pa rin ako. Naupo ako malapit sa bartender at humingi ng matinding inumin na malalasing agad ako.
Cyrish was so sorry and I tried to at least say it's not only her fault pero parang napipe ako at umalis na lang.
Bago ko iyon mainom ay may tumabi sa akin. "Kailer." Nakita kong si Felix 'yun. Akala ko ba ay nasa ibang bansa siya? Magdadalawang buwan pa lang pero nandito na siya? Anong kailangan niya ngayon?
"Bakit ka nandito?" The last time I checked, we're not even friends. Natapos ang samahan namin dahil sa pagpilit niya kay Mikka nung birthday party niya. I hated him for what he did pero ngayon ay pati sa sarili ko ay galit ako dahil mas matindi pa ang nagawa ko kaysa sa nagawa niya.
"I can't take not to see my girl." Anong sinasabi niya? Sino ang tinutukoy niya? Tumawa siya ng mahina bago ko nilagok lahat ng alak mula sa hawak ko. Gusto ko siyang suntukin.
"Mikka?" Kung si Mikka ang tinutukoy niya ay baka hindi siya makalabas ng buhay dito.
Umiling siya at ngumiti. "She's yours balita ko. I'm sorry for what I did in the past. May kasalanan ka rin naman sa akin."
"What?" Ramdam ko ang epekto ng ininom ko sa katawan ko.
"Hindi mo talaga ako kilala 'no?" Hindi ko maintindihan ang tanong niya. Kilala ko siya malamang.
"You're my college friend." nagsalubong na ang kilay ko. Imposible namang nakalimot na siya sa dalawang buwan na lumipas.
"Siguro nga pero matagal ko na kayong kilala. You, Cyrish and Mikka." casual na pagkakasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala. Basta intindihin mo na lang si Mikka. Just what I've told you, I came back for my girl."
"Hindi ba si Mikka 'yun?" nakaramdam ako ng inis.
"Kahit kailan ay hindi siya naging akin." sabi niya at tumayo na siya kaya naiwan akong maraming tanong sa isip. Sino ang tinutukoy niya?
Pero may punto siya... Si Mikka ang dapat kong intindihin simula ngayon. I am responsible for her. I am responsible for her broken heart... If I can't love myself anymore, I should at least stay with her.
Nasaan na kaya siya? Anong ginagawa niya? Nakakakain ba siya ng maayos at nakakatulog? Umiiyak pa rin ba siya? God! I can't imagine her crying because of me over and over again... It breaks me into pieces. Mukhang siya ang kahinaan ko. Siya at ang mga luha niya na ayokong nakikita.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
Storie d'amoreSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...