Chapter 67

4.5K 70 20
                                    

Chapter 67 || Xandreen Villaroel Raz

Mikkaella's POV

"Hi cuz!" sigaw ko nang makita ko si Xandreen sa loob ng bahay namin na nakaupo sa sala. Dito siya matutulog ngayon dahil sa hiniling kong magkasama talaga kami. Kahit na nakabalik na si Tyron ay pinagbigyan niya akong manatili sa bahay ng dalawa pang araw para sa pinsan ko.

Speaking of him...

Naalala ko kung paano ko iniwan si Kailer para lang makausap siya. Masakit dahil iniwan ko si Kailer pero I know I have to do that to be able to fix the misunderstanding between me and Tyron. Ayokong matulad kami sa nangyari sa amin ni Kailer. Nagtaxi ako papunta sa kanyang bahay at agad naman akong pinapasok ng guard sa loob.

Naabutan ko si Tyron na nakaupo sa sala at nakayuko. Bakit nasasaktan ako na makita sila ni Kailer na ganun?

Nilapitan ko agad siya at naupo ako sa kanyang tabi. Nabigla siya nang makita ako pero agad akong inakap. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. "I thought you'll leave me..." He whispered while breathing heavily. Hinayaan niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Please Tyron magusap tayo ng maayos." Humiwalay ako sa kanya at tumingin kami sa mga mata ng isa't isa. He looked so weary. May cut ang labi niya dahil siguro sa suntok ni Kailer... malakas pa naman 'yun sumuntok alam ko.

"Nagkabalikan na ba kayo?" Alam kong nasaktan siya sa sarili niyang tanong. Umiling ako. "Why were you with him?"

Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari sa auction pati sa Lexa's Kitchen. Sinabi ko rin na napapayag ako ni Kailer nitong huli dahil sa may importante raw siyang sasabihin.

Kaya pala siya napabalik agad dahil sa pictures namin ni Kailer galing nga dun sa dinner date. Nailagay pala 'yon sa dyaryo. Nagtanong din siya kay Philip tungkol sa akin at nalaman pala nito ang pagkikita namin ni Kailer.

Huminga siya ng malalim at ako naman ang nagtanong. "Why were you with Celestine? I saw the newspaper." Kinagat ko ang labi ko matapos kong tanungin 'yon.

"Were you jealous?"

"Tyron!" Kasi hindi niya sinagot ang tanong ko.

"I did that because I was freaking jealous... Inaya ko siyang makipagdate to divert my attention pero hindi epektibo. Binilisan ko na lang ang trabaho ko at bumalik agad dito para makita ka at makausap ng harapan. I know I don't have the right... pero kung pwede lang hindi masaktan, pinilit ko na." He paused.

"Kahit hindi ka akin, masakit pa rin na makita kang kasama ang ibang lalaki. Lalo na 'yung lalaking minahal mo ng sobra."

"Why didn't you tell me she's your model if there's nothing going on between the two of you?"

"Kasi wala nga lang. It means nothing kaya hindi ko na sinabi. All my feelings for her were left in the past."

Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil nagduda ako. Hindi ko pala dapat iyon ginawa dahil ako mismo ang nagbigay ng paraan para madungisan ang tiwala namin sa isa't isa.

Nagkaayos kami ng gabing 'yon at ngayon ay balik na sa dati. He'll fetch me the day after tomorrow.

Nilapitan ko na si Xandreen na tahimik na nagbabasa ng libro. She's always busy with books kaya nga malabo na ang mga mata niya. Fourth year na rin pala siya sa pasukan and now I wonder if she'll change in college. Hindi niya ata napansin ang pagtawag ko kanina dahil sa pagbabasa niya kaya tumabi na ako sa kanya at agad siyang inakbayan. Nabigla pa siya tyaka tumingin sa akin. She smiled and I almost melt. Ikaw ba naman ngitian ng anghel na 'to e hindi ka ba matutunaw? She's so beautiful and I know that. Even with her glasses on, bulag ang magsasabing panget siya. Makinis ang mukha niya at makapal ang pilikmata. She's petite and has fair skin. Unlike me ay maikli lang ang buhok niya. Hanggang leeg lang niya na papasok. The most attractive thing about her? 'Yung dimples niya sa parehong pisngi! That's why I really love seeing her smile! Bihira siyang ngumiti kaya masarap sa pakiramdam na makita siyang nakangiti. She looks so genuine.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon