Chapter 48 || Let's Talk
Kailer's POV
Nagsabi ako sa agency na hindi makakapasok ngayong araw at hinayaan naman ako nila Dennice dahil alam naman nila na sobra akong nalasing kagabi. Masakit ang ulo ko nang bumangon at malapit nang magtanghalian. Bago ako lumabas ng kwarto ay naligo muna ako at inayos ko ang itsura ko. I don't want them to worry about me.
Mabilis lang ang pagligo ko at nang lumabas ako ay halos mapatalon nang makita ko ang pinsan kong nakaupo sa kama ko habang kumakain ng cookies. So he's finally here?
Nandito si Dashiell Clyde Ramirez na pinakamalapit sa akin sa lahat ng pinsan ko. He'll be fourth year student sa pasukan at ang kapatid niya third year naman. Takot sa akin si Darlene na pinsan ko rin dahil sa masungit daw ako. Masungit naman talaga ako at napantayan ni Dashiell ang kasungitan ko. Parang ako raw ito.
Pinupunasan ko ng twalya ang basa kong buhok habang nakatitig lang sya sa akin na walang ekspresyon. As expected ay busy lang ito sa pagubos ng kinakain niyang cookies. Nagbake siguro si Ate. Adik na adik si Dashiell sa sweets at nalaman kong nalalapitan at nakakausap lang siya ng mga babae sa school nila kapag nasusuhulan siya ng sweets. Halos matawa ako nung malaman ko 'yon.
"Bakit nandito ka? Balita ko one week ka titira rito?" tanong ko. Naupo na ako sa tabi niya habang panay ang subo niya ng cookies na parang hindi niya nginunguya. Kahit na ganito siya kaadik sa sweets, himala dahil well maintained ang katawan niya. Hindi siya mataba and actually may muscles siya.
"Wala si Darlene dahil nasa summer camp." Ngumuso siya bago nagpatuloy. "Mom wants me to stay here instead of getting bored at home dahil aalis din sila ni Dad. Sabi ko gusto kong samahan si Darlene but she said I have to let my sister explore herself. Tss." Bad mood ata si Dashiell lalo na at hindi niya kasama si Darlene. Ewan ko ba kay Dashiell at napakaprotective sa kapatid niya. Gusto niya na kahit nasaan ito, nandun siya. They're so adorable.
"Ayaw mo akong makasama ha? Bad mood?"
"Gusto." sabi niya at nakita kong wala nang laman ang hawak niya. He frowned at tumayo na. "Baba na tayo Kuya Kai, may ice cream sa baba." At natawa na lang ako sa kanya.
***
Kakatapos lang namin kumain at nandito kami sa sala ngayon. Busog na busog si Dashiell kaya ito siya at tulog sa sofa. Nakaupo ako sa may paanan niya at nasa harapan ko naman sila Mama at Papa. Si Ate ay kasalukuyang naghahanda para pumunta sa restaurant.
"So where are you going?" Nakabihis din kasi ako ng pangalis. Nagpapababa lang ako bago umalis ng bahay. Ito tuloy si Mama at nagtatanong. "Work?" Nagtaas siya ng kilay.
"Nope. I'm going to a boutique. I'll look for Mikka."
Nanlaki ang mga mata nila.
"Mikkaella Louise Villaroel?" hindi makapaniwalang tanong ni Papa at tumango ako. Ngumiti sila pareho. "You'll get her back?" My dad sounds so hopeful.
"I'll do everything..." Mukhang nagustuhan nila ang sinabi ko.
Nang tumayo na ako, gumalaw sa sofa si Dashiell tapos naupo ng diretso at kinusot ng ilang ulit ang kanyang mga mata na kulay dark brown. Medyo nagulo ang kulay brown niyang buhok dahil sa pagkakahiga. Actually his mom has American blood kaya naman kitang-kita sa mukha niya ang pagkakaroon niya ng ibang lahi. Pareho sila ni Darlene.
"You can go with your Ate Danica para hindi ka mainip dito sa bahay." sabi ni Mama kay Dashiell. Nakatayo na ako ng tuluyan at naglakad na nang marinig ko itong magsalita.
"I'll go with Kuya Kai." Huh?
"Why?" tanong ko ng nakakunot ang noo.
"I want to see Ate Mikka" parang kuminang ang mga mata niya tapos lumapit sa akin. Napailing na lang ako at hinayaan na siya. Hindi naman siya malapit kay Mikka nung una pero nang malaman niyang masarap itong gumawa ng matatamis ay nagustuhan na niya 'to.
"Ingat kayo a! Kaya mo 'yan 'nak!" sigaw nila Mama at Papa na muntik nang magpatawa sa akin kahit na kinakabahan talaga ako ngayon.
***
"Are you okay Kuya?" Nakatitig pala si Dashiell sa akin kanina pa. Nandito na kami sa harap ng Louise Crown Boutique pero hindi pa bumababa ng kotse. Mula rito ay nakita ko na si Mikka sa loob. Nginingitian niya bawat customer na pumapasok. She really changed so much... She can already take my breath away before kaya paano pa kaya ngayon? I just hate the fact that there are boys around her inside and they are secretly looking at her. Tss. I want to punch the hell out of them. "May nakita ka bang ice cream vendor?" Natutulala talaga ako rito sa loob ng kotse. Buti at tinted ito kaya walang ibang nakakakita bukod kay Dashiell sa kabaliwan ko.
"Wala. Let's eat later. I'll go inside first okay? Intayin mo na lang ako rito. Behave." sabi ko tapos lumabas na ako ng kotse. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang glass door ng boutique. Nakatuon ang atensyon ko kay Mikka at nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya nang magtama ang paningin namin. Nung una gulat tapos napalitan ng inis tapos ngayon galit na.
"I'll go to my office. Take care of the customers." malamig niyang sinabi sa isa sa mga saleslady niya at nang pumasok siya sa isang pintuan ay balak ko sanang sumunod ngunit hinarang ako nung kaninang kausap niya.
"Hindi po kayo pwede sa loob." sabi niya at tiningnan ko siya ng masama bago hinawi sa daanan ko. Hindi ko nilakasan dahil babae pa rin ito. "Sir!" I have to talk to Mikka at walang makakapigil sa akin.
Nang pumasok ako sa pintuan ay agad ko itong ni-lock. Napalingon si Mikka sa akin at napasandal sa kanyang lamesa. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Malakas ang katok sa labas pero hindi ko pinansin.
"You know customers are not allowed here in my office. Lumabas ka na." mariin ang pagkakasabi niya pero nilapitan ko siya kaagad bago pa siya makalayo. I cornered her. Hinawakan ko ang lamesa niya gamit ang magkabilang kamay ko and she's in between my arms. She's so beautiful and I got lost for a moment. Nakita ko ang pagbilis ng hininga niya at hindi siya makatingin sa akin. "Titili ako rito." pagbabanta niya.
"Let's talk." Hindi ako nagpatinag.
"Wala tayong dapat pagusapan. Leave me alone." Pinilit kong magtagpo ang tingin namin at naging mahirap 'yon dahil sa pagiwas niya. When our eyes finally locked, naramdaman ko 'yung ilang taong pangungulila ko sa kanya. Kahit nasaan ako noon, things remind me of her and I was so frustrated.
"Mikka please listen-" Malakas na sampal ang binigay niya sa akin. I saw hatred in her eyes.
"Shut up Kailer! I hate you!" Tinulak niya ako at dahil sa nanghina ako sa sinabi niya ay nakawala siya. Anger is the natural defense to pain that's why she said she hates me... she's still in pain because of me.
"Are you already giving up on me?" I tried to stop myself from losing my composure.
Natigilan siya habang nakahawak sa doorknob, papalabas na. "I didn't. It's you who let me go."
Nakita ko ang padabog na pagsarado ng pintuan nang mawala siya sa paningin ko.
I know this will never be easy but surely this will be worth it... because if I win in this fight... I'll have her forever.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...