Chapter 54

4.6K 86 36
                                    

Chapter 54 || Not Giving Up

Kailer's POV

Kahit na ipagtabuyan niya ako hindi ako susuko. Galit lang siya sa akin kaya niya nasabi ang mga 'yon. Imposibleng wala na siyang nararadaman para sa akin. Imposibleng hindi na niya ako mahal.

Nakaramdam ako ng kirot habang may fireworks. Imbes na roon ako tumingin ay kay Mikka nakatuon ang buong atensyon ko. She's with those three boys again at nakahilig pa sa balikat niya 'yung isa. I want to explode dahil sa nakikita ko.

Nang matapos ang pagpapaputok ay pumasok na sila sa loob. Sumunod naman ako. Gusto kong makita na safe makapasok ng kwarto niya si Mikka kaya nga lang ay nabigla ako dahil sumunod sa loob si Tyron. What the hell is he doing? Gabi na at papasok siya sa kwarto ng babae? Is there something going on between them?

Aaminin ko na nanlumo ako nang makita kong tumakbo si Mikka sa kanya. Inakap siya nito ng mahigpit at natulala ako sa kinatatayuan ko. Why are they so close? I look like a villain trying to endanger the life of a heroine.

Naglakad ako at naestatwa sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Mikka. Lalabas naman siya hindi ba? Hindi naman siya roon matutulog?

Ano bang gagawin nila sa loob? Maguusap lang siguro 'no? Wala naman silang ibang gagawin?

Ugh! Hindi naman niya gagawan ng masama si Mikka 'di ba? Pero paano kung sila na edi pwede na silang- NO! No way!

Inilapit ko ang tenga ko para makinig sa kanila...

"Tyron... Ang sakit sakit!" WHAT?!!

"Quiet Mikka..." That assh*le!

Gusto kong katukin sila! Anong ginagawa nila? Anong masakit? F*ck! I've never been this agitated! Wala na akong narinig dahil sa inilayo ko na lang ang tenga ko. Nagpabalik-balik ako sa harap ng pinto at hindi ko alam gagawin ko! Damn this door! Damn this resort! ANO BANG GINAGAWA NILA?!

I SWEAR I'M GOING TO DESTROY THIS DOOR IF HE'LL STAY THERE ANY LONGER!

Bumukas bigla ang pinto at nataman ang mukha ko! "Oh sh*t!" I cursed kasi parang nabali 'yung buto ko sa ilong.

"Kailer? You look like a lost kitten lurking around someone else's room." 'Yung Tyron pala ang lumabas. Kaharap ko siya ngayon at sinarado na niya ang pinto. Tumayo ako ng maayos at suminghot. Baka kasi nagkadiperensya ang ilong ko.

"W-What did you do inside?" Why am I nervous?!

"Ano naman sa 'yo?" seryosong tanong niya. I've had enough. Kinwelyuhan ko siya pero hindi siya natinag. "Stop this. Nakakaawa ka masyado." Gustong-gusto ko siyang suntukin pero pinigilan ko ang sarili ko at tinulak ko siya dahilan para mabangga siya sa pader.

Tumayo siya ng maayos habang mukhang naiinis at inayos din ang kanyang suot na polo shirt dahil medyo nalukot ko. "Sino ka ba talaga ha? Who are you to her?"

"She should be the one to answer you. And please stop your wild imagination. Tss." He said coldly. "Wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay Mikka."

"Wala kang magagawa kung iyon ang gusto kong gawin."

Nagsimula na siyang maglakad pero tumigil bago tuluyang makalayo.

"I learned because of you that you should never ignore the person who truly loves you because one day you'll realize that you lost the moon while you were counting the stars..."

***

No. I still didn't lose the moon, it's just because the sun rose! That's it. Hindi pa huli ang lahat. I can still do something. There must be something that I can do. Hindi ako bibigyan ng problema na walang solusyon.

Pauwi na ako ngayon sa bahay dahil may sakit daw si Mama. Nagaalala ako kaya kailangan ko na siyang puntahan. Ang alam ko'y pauwi na rin naman sina Mikka at safe naman siguro siya kasama 'yung tatlo although I don't fully trust them.

Ilang oras ang naging byahe ko dahil nadali pa ako sa traffic bago nakauwi sa amin. Sinalubong ako ni Dashiell at Ate. "Kamusta na si Mama?" tanong ko nang makababa habang papasok ng bahay.

"Bumaba na ang lagnat. Hay natakot kami kasi ang taas ng lagnat kahapon. Pagod tapos nabasa ng ulan. Tigas ng ulo." kwento ni Ate. Si Dashiell ayun at abala sa pagkain ng cupcake. Pumasok na ako sa kwarto nila Mama at nakita ko itong nakahiga at pinapahigop ni Papa ng soup.

"Mabuti naman nakauwi ka na." sabi ni Papa. Pinunasan na niya ang bibig ni Mama at pinainom ng tubig.

"Pero paano si Mikka?" malungkot na tanong ni Mama. Namumutla ito na siguro dahil na rin sa nagkasakit nga siya.

"Nagsorry na ako pero hindi pa rin niya ako pinapatawad."

"Obvious naman dahil talagang nasaktan mo siya." sabi ni Ate sa likod ko. Si Dashiell tahimik lang at nakatingin sa mga kamay niyang wala ng hawak na kahit ano.

"I brought you sweets. Kunin mo sa loob ng kotse ko." sabi ko sa kanya at nabuhay ang kanyang ekspresyon bago agad na nawala sa paningin namin.

Lumapit ako at naupo sa upuan katabi ng kama ni Mama. Tumayo na si Papa at lumabas na sila ni Ate kaya naiwan na lang kaming dalawa. "Alam mo naman na si Mikka talaga ang gusto namin para sa 'yo noon pa man pero kung hindi talaga kaya ay okay lang naman... matatanggap namin. You can find-"

"No Ma. I... I love her." Nakita ko na nangingilid ang luha sa mga mata niya.

"I can see that." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Why don't you ask her to be here? At least to check on me. Naging malapit din naman kami kaya baka pumunta siya kapag sinabi mong gusto ko siyang makita."

Napaisip ako at tama si Mama. Pwede kong papuntahin si Mikka rito. Bukod sa madadalaw na niya ang parents ko ay magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makasama siya. That's not a bad idea.

Tumango ako. "Okay po papupuntahin ko siya rito."

***

Mukhang nagpalit na ng number si Mikka kaya naman hindi ko siya macontact noon pa. Sa FB ko na lang siya pinadalhan ng message na sana mabasa niya.

Nagaantay ako na ma-seen niya 'yung pm ko ngayon. Nandito lang ako sa kwarto ko kanina pa. Pauwi na siguro sila ngayon at bukas ng umaga ang balik.

"Kuya Kai?" At nakarinig ako ng pagkatok.

"Pasok." Si Dashiell iyon na ngayon ay may hawak namang cookies. Hindi ko na talaga makuha ang trip ng isang 'to kung bakit patay na patay sa matatamis. Sa kanila naman ay hindi siya hinahayaan ng parents niya at kinokontrol pa rin siya kahit papaano. Talagang spoiled lang siya rito at sa eskwelahan (ng mga babae)."Bakit?"

"Uhmm nothing. I just want to ask you why Ate Mikka's mad at you." Dashiell is always curious about me kaya nga napagkakamalan kaming magkapatid kung minsan.

"Long story." sagot ko kasi ayokong magkwento ng mahaba. Ayoko rin na maging burden ang kwento ko sa kanya.

Naiwan 'yung isang cookie na kagat-kagat niya tapos may sinabi siyang hindi ko maintindihan.

"Ha? Kumain ka nga muna." natatawa kong sinabi at nang tingnan ko ulit ang chatbox, napadilat ako ng matindi dahil sa na-seen na niya!

"I'm actually curious kung bakit dapat magmahal pa ng ibang babae if you can just love your sister or your mom." Napatingin ako kay Dashiell at ngumiti. One thing I admire about this kid is the fact that he's so family-oriented.

"Tss. Alamin mo ang sagot dyan kapag ikaw na ang nagmahal." sabi ko at nagkamot siya ng ulo bago ako iwan.

ME: Pwede ka bang dumaan dito sa bahay? May sakit kasi si Mama at gusto ka niyang makita.

Mikkaella: Ok.

Napatalon ako sa sagot niya! She'll be here! She'll be here! Yes! Kailangan ay maaga akong gumising bukas para masalubong ko siya na hindi puro muta. Haha!

***

SQ: Hey! Hanggang 70 Chapters ito tapos may Epilogue :) Inform lang! Hehe Salamat sa pagbabasa! :)

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon