Chapter 19 || Ginusto ko
Mikkaella's POV
Kahit na ibang pangalan ang binanggit niya ng gabing 'yon... ginusto ko pa rin ang nangyari sa amin. Lalo na't ngayon, gusto ng magulang ko na ipakasal kami. Kaso... nakita ko sa mukha ni Kailer na hindi naman siya natuwa. Naguilty ako dahil mukhang ako lang ang may gusto ng ideya na magpakasal kami. Sinabi ko sa kanya na susubukan ko paring kausapin sina Mama at Papa... kahit na ayoko naman talagang gawin 'yun dahil gusto kong ikasal nga kami.
Ang hirap. Nagtatalo ang isip at puso ko. Sabi ng puso ko, hayaan ko na lang ang gusto ng magulang ko para magpakasal kami ni Kailer pero sabi ng isip ko, pagpikot ang tawag sa gagawin ko. Anong klase akong kaibigan 'diba? Teka... hindi ba gusto ko namang paghiwalayin sila? Hindi kaya ito na 'yung pagkakataon para gawin ko 'yun?
Hindi ko alam! Gulong-gulo ako. Higit sa lahat nasasaktan din. Alam kong nadisappoint ko si Mama at Papa dahil sa nakita nila. Nasira ko ang tiwala nila at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon.
Pinaalis ko muna si Kailer para makapagisip siyang mabuti at ako naman... ito at nasa kwarto ko muna. Kailangan ko ring magisip.
Sabihin ko kaya kina Mama at Papa ang tumatakbo sa isip ko? Tulad nang dati, gusto kong payuhan nila ako.... Para maisip ko ang dapat gawin.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakita kong nakasimangot si Joshua sa akin. Naiinis ako dahil sinaktan niya si Kailer at minura pa pero syempre kapatid ko siya at baka concern lang naman siya. "Hindi porke ganito ang Kuya mo, sisirain mo na rin ang buhay mo." sabi niya. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o mainis sa sinabi niya pero wala na lang akong sinabi na kahit ano pabalik. Hindi ko siya tinatawag ng Kuya dahil pinapamukha ko sa kanya na hindi pa siya nago-grow up para iyon ang itawag ko sa kanya. Puro nga kasi siya asa sa mga nakapaligid sa kanya.
Bumaba ako at kumatok sa kwarto nila Mama bago pumasok. Nakita ko na nakahiga sila pareho. Umagang-umaga pero nasira ko na agad ang araw nila. Ayaw nilang lumabas para kumain man lang.
"Ma... Pa..." tawag ko. Sapat lang para marinig nila.
Walang sumagot sa akin. Syempre nakaramdam lalo ako ng lungkot. Magsasalita na lang siguro ako.
Naupo ako sa may sahig. "Kagabi... ginusto ko 'yung nangyari sa amin-" Umupo si Mama at binato ako ng unan. Nakahiga pa rin si Papa.
"Hindi ka namin pinalaking ganyan!" Nasaktan lalo ako. Si Mama at Papa, ayaw nila na nasasaktan ako. Ayaw nila kahit madapuan lang ako ng lamok o makagat ng langgam. Ganuon nila ako pinahahalagahan. Pero kanina nasampal ako ni Mama at nabato pa ngayon... Gusto kong umiyak ng umiyak pero kailangan ko munang magsalita.
"K-Kasi... akala ko may nararamdaman na sya sa akin. Umasa ako na b-baka... baka naman kahit onti naging higit na sa kaibigan ang tingin niya sa akin. Mahal ko si Kailer Ma... Pa... Pero alam niyo po? Binanggit niya ang pangalan ni C-Cyrish habang hinahalikan niya ako. Ang sakit s-sakit po! Hindi ako kundi si Cyrish ang akala niyang kasama niya kagabi!" hinampas ko ang dibdib ko ng ilang ulit. Umiyak na ako. Hindi ko na talaga kayang pigilan pa. Hindi ako ganito kahina pero ewan ko kung anong nangyari sa akin at hinang-hina talaga ako. "Tapos sinabi niyo po kanina na dapat magpakasal kami. Sa totoo lang gusto ko pong mangyari 'yon. Gustong-gusto... p-pero naisip ko na parang ang selfish ko. Kasi hindi naman po niya ako m-mahal pero pilit ko siyang itatali..."
"Ano pong dapat kong gawin? Mahal ko si Kailer at gusto ko siyang pakasalan pero p-paano po 'yun? Hindi niya ako mahal... si Cyrish pa rin po... Si Cyrish parin." nabasag ang boses ko sa huli kong sinabi at humagulgol na ako lalo na nung makita ko na umiiyak na rin si Mama.
"Magpapakasal kayo." narinig kong nagsalita rin sa wakas si Papa. Mariin niyang sinabi na magpapakasal kami ni Kailer. Tumayo siya at nilapitan niya ako. Akala ko papalabasin niya ako kaya napaatras ako ng bahagya pero inakap niya ako ng mahigpit. Si Mama nakita ko na umiiyak na talaga ng sobra.
"I'm sorry po nadisappoint kayo sa akin. S-sorry po talaga..." sabi ko at mas humigpit ang yakap ni Papa sa akin.
"Alam mo naman na ikaw lang ang lagi naming inaalala pero bakit kailangan mong saktan ang sarili mo ng ganito..." sabi ni Mama.
"Sundin mo ang gusto ng puso mo 'nak... turuan mo na lang siya na mahalin ka. Tingin mo kaya mo?" tanong ni Papa. Iyon din ang tanong ko sa sarili ko matagal na. Kaya ko nga bang baguhin ang laman ng puso ni Kailer? Desidido akong gawin 'yon Oo pero kaya ko ba? Magagawa ko ba?
Cristina... Cristina bakit ba hinayaan mo na lang si Fernando kay Rosa kahit mahal na mahal mo siya ha? Bakit hinayaan mo siyang masaktan kasama ang ibang babae?
Natandaan ko pang sabi niya sa isang page dun sa notebook na...
Mahal ko si Fernando... Sobra... Pero sa tuwing kasama niya ako... ang mga mata niya parang mga ulap habang madilim ang kalangitan, parang tubig sa mga halamang nadiligan. Maikukumpara ko ang bawat kilos niya na parang oras kapag sabik kang mangyari ang isang bagay. Alam ko dahil nakikita at nararamdaman ko. Parang yelo ang puso niya pagdating sa akin.
Kaya kong ibigay ang buwan at mga tala mahalin lang niya ako pero para sa kanya'y sapat nang tingnan ito sa malayo. Sapat na para sa kanya 'yon basta kasama niya si Rosa... Kahit kailan ay hindi naging ako. Kahit kailan hindi ako minahal ni Fernando.
"Anak tumahan ka na..." Si Papa ang nagsalita. Naluluha na rin siya at alam kong pinipigilan niyang umiyak dahil gusto niyang magpakatatag din ako.
"P-Pa... M-Ma..." sabi ko habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha ko. Wala na akong ibang masabi. Tanging hikbi lang namin ang sunod kong narinig sa apat na sulok ng kwarto nila.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...