Chapter 20

5.1K 97 20
                                    

Chapter 20 || Pananagutan

Kailer's POV

Nang buksan ko na ang phone ko, puro text at tawag ni Cyrish ang nakita ko. Nakaramdam ako ng lungkot at takot. Lungkot dahil alam kong ang laki ng kasalanan ko sa kanya at takot dahil alam kong posibleng magkahiwalay kami dahil sa nagawa kong malaking pagkakamali.

Tinawagan ko na siya kaagad nang makauwi ako sa bahay. "Hello?"

"Kailer! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Hindi mo ba alam na nagalala ako ng sobra sa 'yo? Saan ka ba nagpunta ha? Kasama mo ba magdamag si Mikka? Akala ko ba ako ang mahal mo? Kailer... miss na kita..." tumulo ang luha ko sa narinig ko dahil parang kinurot ang puso ko sa boses niya.

"I love you..." sabi ko at tahimik lang siya sa kabilang linya. "Mahal na mahal k-kita..."

"Okay ka lang ba? Umiiyak ka ba?" narinig yata niya ang pagsinghot ko. Pinunasan ko kaagad ang basa kong pisngi at pinilit hindi umiyak para hindi siya magalala.

"Oo naman walang problema." pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang nangyari.

"Pwede ba tayong magkita? Date tayo? May gusto akong bilhin e." excited na sabi niya pero masama ang pakiramdam ko. Isa pa, mukhang hindi ko rin kakayanin na makita siya ngayon. Wala akong mukhang maihaharap.

"Sorry Cyrish, may lakad kami nila Papa ngayon. Sa susunod na lang ah?"

"Ay ganun sayang naman. Sige ingat na lang kayo. Bye bye!" sabi niya at namatay na ang tawag.

Napatingin ako sa wallpaper ng cellphone ko. Kaming dalawa ni Cyrish. Nakapeace sign siya at ako naman nakangiti na litaw ang ngipin. Kuha 'to sa van nung pauwi na kami. Grabe... kasasagot pa lang niya sa akin pero pakiramdam ko ngayon kailangan na agad naming maghiwalay.

Binuksan ko ang gallery sa phone ko at nakita ko na imbes pala picture namin ni Cyrish, mas puno ito ng picture namin ni Mikka. Palagi lang stoleb shot pagdating kay Cyrish habang kay Mikka puro kalokohan. Napangiti ako sa isang litrato niya na nilakihan niya ang butas ng ilong niya pero agad ding napawi nang mapatingin ako sa isang picture ni Cyrish.

"Oy okay ka lang ba?" nakapasok pala ang Ate ko ng hindi kumakatok kaya naabutan niya akong seryosong nakatingin sa cellphone ko.

"Oo okay lang. Nasan sina Mama tyaka Papa?" tanong ko.

"Ahh si Mama nasa restaurant tapos si Papa busy dahil ginagawa niya 'yung bagong libro niya." May sarili kaming restaurant at si Papa naman novelist. Hindi lang siya basta novelist dahil sikat na sikat siya sa loob at labas ng Pilipinas. Dahil sa pareho silang nagtatrabaho, malaki ang pera na pumapasok sa pamilya namin. Kaya nga nagkaroon kami ng Eisen Beach Resort na nilagay nila sa pangalan ko at ng Ate ko. Nagpupundar lang sila ng nagpupundar para sa kinabukasan namin.

"Ganun ba." sabi ko na lang.

***

"Anak! Nakausap ko ang Mama ni Mikka! Anong balak mo?" Ito ang bungad ni Mama sa akin nang makauwi siya. Nandito kami sa sala ngayon habang naghahanda ng hapunan ang mga katulong namin. Kasama rin namin si Ate at Papa.

Nakausap ni Mama si Tita? Malamang sinabi na nito ang nangyari at ang gusto nila para sa amin ni Mikka. "Anong nangyari honey?" tanong ni Papa kay Mama.

"Gusto ni Divine na ipakasal natin si Mikka kay Kailer!" Nakita ko na maaliwalas ang mukha nila pareho. Hindi sila nalulungkot dahil alam kong simula pa lang ay si Mikka naman ang gusto nila para sa akin at hindi si Cyrish. Medyo nainis lang ako dahil alam naman nila kung sino ang babaeng mahal ko but it looks like they don't care.

"Bakit naman kayo biglang magpapakasal?" si Ate 'yung nagtanong sa akin.

Sasagot sana ako pero naunahan na ako ni Mama. "Kasi may nangyari sa kanila kagabi!" mahina pa itong pumalakpak. Gulat ang ekspresyon ni Papa at natawa rin pagkatapos.

"Sana magkaapo tayo ng gaya ni Mikka." hiling pa ni Papa.

"Alam niyo naman na si Cyrish ang-"

"Magpakasal kayo. Gusto mo bang ipahiya ang pangalan ng pamilya natin ha?" sabi ni Papa. Nagkunwari pang seryoso eh matawa-tawa na siya. Tss. Naisip ko na ganito talaga ang magiging reaksyon nila kapag nalaman ang tungkol sa amin ni Mikka. Ngayon hindi ko alam ang dapat kong gawin.

"Pero paano naman ang nararamdaman ni Kailer?" Si Ate ulit 'yon. Si Ate kasi hilig na kampihan ako dahil malapit kami sa isa't isa. Tama siya. Paano naman ang nararamdaman ko? Hindi ba nila ako pwede isipin sa sitwasyon namin? Nakuha pa talaga nilang maging masaya kahit nakikita na nilang hindi ako natutuwa.

"Hindi ba pwedeng mahalin mo na lang si Mikka?" sabay na tanong ni Mama at Papa. Nagkatinginan sila. Nagapir at tumawa habang ako at si Ate seryoso lang. Kung iba makakakita, iisiping baliw ang magulang ko. Hay!

"Mamahalin ko ang kaibigan ko lang?" tanong ko.

"Hindi ba magkaibigan lang din kayo ni Cyrish nung una?" Tama si Mama. Magkakaibigan kaming tatlo pero si Cyrish ang minahal ko.

"Pero may ibang mahal si Mikka.. hindi rin siya payag na ikasal kami."

"Talaga?" manghang tanong ni Ate. Kilala niya si Mikka at natanong pa nga niya ako noon kung tomboy ba ito. Syempre sinabi ko hindi.

Tumango ako kay Ate. Oo alam ko dahil sinabi nga niya 'yon sa akin. Iyon pa nga ang ikinagalit ni Felix 'diba? Ayaw nito na may mahal na iba si Mikka. Napaisip tuloy ako lalo. Sino ba ang tinutukoy ni Mikka? Kasi baka naman kilala ko at makasakit pa ulit ako lalo ng tao.

"Ah basta. Pananagutan mo na si Mikka ngayon kaya paghahandaan na namin ang kasal sa ayaw at gusto niyo." parang batang sabi ni Mama. Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Pananagutan... Akala ko kapag nakabuntis lang nangyayari 'to pero hindi pala. Hay.

"Sino raw 'yung lalaki na mahal ni Mikka?" curious si Ate pero wala akong masabing pangalan.

"Hindi niya sinabi eh."

"Sus tapos ikaw pala 'yon. Haha." sabi ni Ate at matamlay akong ngumiti. Imposible naman na ako 'yun no. Grabe namang magjoke si Ate.

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon