Chapter 21 || Okay Lang
Mikkaella's POV
Kinabukasan, hindi pumasok si Mama at Papa kaya nagtaka ako. Pinagbihis din nila ako ng maayos dahil daw sa labas kami magtatanghalian. Tinanong ko bakit at kung may okasyon ba ngayon pero sabi nila basta. Edi sumunod na lang ako. Ayaw naman nila sabihin sa akin kaya wala akong magawa. Panay lang ang isip ko kung ano nga bang mayroon ngayong araw.
Nagsuot ako ng dress at nagheels pa. Sinuklay ko ang buhok ko at nagapply ng kaunting make-up para magkabuhay ang mukha ko.
May isang kotse lang ang pamilya ko at kay Papa 'yun. Sumakay na kami doon at syempre kasama pa si Joshua. Himala rin dahil mukha itong tao at! Wala ito sa mga kabarkada niya. Mahalaga ba talaga ang okasyon ngayon?
Hindi kalayuan ang restaurant na hinintuan namin. Nang makapagpark na kami, pumasok na kami sa loob. Nagpareserve pala sila ng table kaya dinala na kami ng waiter doon. Nagtaka ulit ako dahil maraming sobrang upuan at malaki masyado yung lamesa para lang sa apat pero naglaho ang pagtataka ko nang dumating si Kailer at kasama rin niya ang buong pamilya niya. Natigil ako sandali sa paghinga dahil sa ang lakas talaga ng dating ni Kailer.
"Magandang tanghali po." sabi ko kay Tito at Tita sabay bless at naupo na sila. Nginitian lang ako ng Ate ni Kailer at si Kailer walang reaksyon. Hindi nga niya ako tiningnan at parang wala siya sa mood. Parang piniga ang puso ko.
"Umorder na ba kayo?" tanong ni Tito. Hindi ito bad mood. In fact parang masaya pa. Bakit nandito rin sila?
"Hindi pa po." sagot ko at may dumating na waiter tyaka kinuha ang order namin. Hinayaan ko na sila at nakatingin lang ako kay Kailer na kaharap ko. Nakatingin siya sa cellphone niya ngayon. May katext yata. Baka si Cyrish...
Nang matapos umorder, nagsalita si Papa. "Gusto kong ikasal sila sa June." Muntikan na akong maubo. Napagusapan na rin namin ang tungkol sa kasal. Sila na raw ang bahalang magayos nun kasama ang parents ni Kailer. Kapag kailangan kami ay tyaka raw kami sasali. Hindi ko man sabihin ay alam nila na excited talaga ako. Pero mas masaya sana kung excited din si Kailer. Nakikita ko kasi ngayon na parang wala siyang pake at pilit na pilit lang siya.
"Okay sige sa June na. Naku excited na ako." sabi ni Tita at mahinang pumalakpak. Ngayon pala nila paguusapan ang tungkol sa kasal hindi pa sinabi agad sa akin. Napansin kong pati pala parents ni Kailer ay sangayon sa kasal kaya tumaba ang puso ko.
Nang dumating ang pagkain, kumain na muna kami ng tahimik. Mamahalin ang restaurant na 'to at may sense of art. Napatingin ako sa pangalan ng restaurant, Ngayon ko lang narealize kung nasaan kami! Sa kanila pala 'to! Sa Mama niya! 'Yung first name kasi ni Tita ang pangalan ng Resto na 'to. Lexa's Kitchen!
"Ang ganda po rito." sabi ko. Natuwa naman si Tita sa sinabi ko at nagkwento na ng bongga pagkatapos. Pakiramdam ko kasali ako sa pamilya nila Kailer dati pa dahil sa parang anak na ang turing ng parents niya sa akin noon pa man. Nakakataba talaga ng puso dahil sa tanggap na tanggap nila ako. Kung kagaya lang din sila ni Kailer mas masaya rin sana.
***
"Bye ingat kayo!"
"Bye sige salamat!"
Tulala kaming iniwan ng mga magulang namin dito sa parking lot. Hindi pa kami nakapagreklamo. Sabi nila we should spend time with each other ganun since ikakasal na kami next month.
"Kailer." Halata naman na hindi gusto ni Kailer ang nangyayari. Malungkot kasi siya at alam ko 'yun. Ramdam ko... nakikita ko sa mga mata niya. "I'm sorry." I'm sorry dahil gusto kong magpakasal sa 'yo.
"Payag ka na rin sa kasal na 'to?" Hinarap niya ako. Naguilty ako dahil oo ang sagot ko sa tanong niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa naunahan niya ako. "Paano na 'yung sinasabi mong mahal mo?" Ako parin ang inaalala niya.
"Paano na si Cyrish?" tanong din ang sinabi ko sa kanya. Hindi pa ako handang ipagtapat ang nararamdaman ko. Ako ngayon ang naduduwag.
"Siguro.. siguro kailangan ko ngang panagutan ka." Iniiwas niya ang tingin sa akin. "Wala eh. Gusto nila Mama at Papa pati ng magulang mo..."
"Ayaw mo ba? Sobrang ayaw mo na ipakasal sa akin?" pakiramdam ko binibiyak ang puso ko. Di ko pa rin matanggap na napipilitan lang naman siya kaya niya ako pakakasalan. Siguro dahil may maliit na parte sa akin ang umaasa pa rin na baka ako naman talaga ang mahal niya at hindi si Cyrish.
Tumingin ulit siya sa akin pero nakita ko ang concern sa mga mata niya. Hindi na ito malamig na tingin tulad kanina. Ginulo niya ang buhok ko. "Sus. Okay lang. Eh magkaibigan naman tayo. Hindi naman siguro masama na maging asawa kita." I don't know if he really mean it... na okay lang sa kanya. Di ko mabasa ang tinatakbo ng isip niya ngayon. Ngumiti siya sa akin at dahil sa gusto niyang pagaanin ang sitwasyon, kinagat ko ang tenga niya. Nagsisisigaw tuloy siya haha.
"Sabi kasal. Hindi kagat." Bumelat na lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Salamat dahil si Kailer ang lalaking mahal ko. Nagpapasalamat ako dahil sa siya si Kailer.
"Nakausap mo na ba si Cyrish?" tanong ko sa kanya kahit na nung una nagalangan pa akong magtanong.
Umiling siya. "Balak ko siyang kausapin ngayon. Okay lang ba?" Nakaramdam ako ng takot dahil baka mamaya mapagbago ni Cyrish ang isip ni Kailer pag nagusap sila pero wala eh. Kailangan nilang magusap. Kahit naman sabihin kong ayaw ko ay gagawin pa rin niya. Isang ugali rin kasi ni Kailer ang pagiging mapilit. Hindi ko nga inakala na papayag siya sa kasalan na 'to... siguro inisip din niya ako kahit papaano sa pagdedesisyon niya. Masaya na rin ako doon kahit papaano. At least he cares about me... Malaking bagay na 'yon sa akin.
***
Gabing-gabi na pero tinawagan ako ni Cyrish at nakipagkita siya sa labas ng bahay. Nang makarating ako ay nakangiti siya sa akin ng matalim. Siguro alam na niya ngayon ang tungkol sa amin ni Kailer.
"Cy-" Hindi ko natuloy ang pagsasalita dahil sa malakas na sampal na natanggap ko galing sa kanya.
"Hindi ko alam na ganyan ka kadesperada." Unti-unti ko siyang tiningnan. I know she'll act this way but damn! She's not in love with Kailer! Pride lang niya ang umiiral ngayon! I can't even see sadness in her eyes kaya ako ang nasasaktan para kay Kailer. Sh*t!
Tiningnan ko siya ng masama the she laughed. "Just be like me Mikka, there's no so called love. There's no f*ckin' way that it exists!" sigaw niya at sinampal ko siya dahil doon. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
"What about Kailer's feelings? My feelings? For ten years siya lang ang naging laman ng puso ko. Mahal ko siya and you know what's funny? He loves someone who doesn't even believe in love!"
"Well I don't care! Sa 'yo siya physically but you will never get his heart from me." sigaw niya at sumakay na siya ng kotse niya. I don't know why she's acting like this. She's like a stone. Hindi ko inakala na ganito siya katigas. Nasaan na ang Cyrish na kilala namin? Her attitude is frightening. Sana maisip naman niya 'yon at magbago siya para sa sarili man lang niya.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...