Chapter 63

3.9K 72 32
                                    

Chapter 63 || Celestine Kim

Mikkaella's POV

Nagkita na naman kami ngayon ni Kailer. Hindi ko alam kung ano ang problema ng tadhana para gawin sa amin ang mga hindi sinasadyang pagkikita.

Mabuti at hindi na niya ako gaanong kinausap papunta sa boutique.

"Thanks Kailer..." sabi ko at nang tingnan ko siya ay naalala ko 'yung kanina. Natatawa talaga ako pero imbes na ipakita 'yun ay kinagat ko ang labi ko. Nakita niya 'yon at nagtaas ng kilay. Parang bakla huhu. Ayun at natawa na talaga ako at ending?

Tumawa siya kasi tunog baboy na naman ako! "Dyan ka na nga!" sabi niya pero umirap ako at nagpigil ng tawa bago bumaba.

Baliw na talaga siya dahil sa isinigaw niya kanina nang kunin niya ang nilipad kong panyo. Pulang-pula ako! Why did he do that? Ganun ba siya ka in love para gawin ang bagay na 'yon? Lahat nakatingin sa amin at take note!

Kumendeng pa ang loko habang winawagayway sa hangin ang panyo ko! So gay!

But I admit, napasaya niya ako sa ginawa niya... Kahit na namumula ako ay natawa ako ng sobra. The Kailer I know wouldn't do that for me...

Pagpasok ko ng opisina ay nailagay na pala sa vase 'yung red roses na natanggap ko galing daw sa isang secret admirer. Medyo creepy pero I find it sweet kahit papaano. Effort din kasi ito. Parang si Tyron lang noon sa France.

Speaking of him, I guess kailangan ko siyang makamusta. Syempre naman namimiss ko siya. Halos walang araw ata na hindi ko siya nakakasama noon kaya nasanay ako sa presence niya. Sabi ko nga sa kanya, espesyal siya sa akin. Hindi naman ako nagsisinungaling.

Sa Line ko siya tatawagan gaya ng sabi niya sa akin. Kasi internet lang ang kailangan nun tapos hindi na hassle masyado. Nagring naman agad nang tawagan ko siya at ilang ring din ay sinagot na niya. Bedroom voice pa. "Hello?"

"Hi Tyron! Kamusta na? Nasaan ka ngayon?" masayang bungad ko.

"Uhmm eto kagigising lang. Nakatulog ako kasi napagod kahapon sa trabaho." Halata nga sa boses nito ang pagod.

"Ay ganun ba. Kumain ka ah? Kahit pagod dapat kumain. Ingat ka dyan ok? Miss na kita uy!" At tumawa ako. "Godbless!"

"Salamat sa pagtawag. I miss you too... Nasa boutique ka ba? Ahh sinong— never mind. Sige babangon na ako at may kailangan pang asikasuhin. Bye!"

Parang may iba sa tono niya. Parang hindi ganun kacheerful. May problema kaya o pagod lang talaga siya?

"Bye bye!!" sabi ko though I don't feel like ending the call. Parang may parte sa loob ko na nagiisip na parang hindi siya okay. Na hindi lang sa pagod 'yon.

***

Susunduin ako ni Fred ngayon at ihahatid sa bahay. Hindi ko alam kung anong trip nila ni Philip at naging driver ko na yata ang dalawa. Kaya talagang malapit ako sa kanila dahil sa ganito sila kasweet sa akin. I even met their family and I find them all sweet.

"Wala ka nang naiwan sa loob?" tanong ni Fred habang kinakabit ko ang seatbelt ko.

"Yup. Let's go." sabi ko naman at naupo na ng maayos.

"Kumain ka na ba?"

"Nope pero sa bahay ka na rin magdinner." He smiled so wide.

"Talaga okay lang?!"

"Sure! Parang magkapatid na kaya tayo!" At nagapir kaming dalawa.

Napatitig naman ako sa mga gamit niya sa kotse. Ang kalat naman nito kahit kailan. Ito kasi ang ugali ni Fred. Makalat!

Inayos ko na lang muna 'yung within reach ko at may newspaper pa sa may paanan ko. Ilalagay ko na sana sa likod pero napahinto ako at napatitig sa Entertainment page.

"Oh dammit! Akin na 'yan!" Pilit inagaw ni Fred 'yung newspaper mula sa akin pero hindi ko hinayaan at tiningnan ko ng maigi 'yung picture at article. It's in English mabuti na lang.

Tyron Han and Celestine Kim spotted dating!

Napatakip ako ng bibig dahil doon sa picture ay magkaholding hands ang dalawa! Medyo side view man pero alam kong si Tyron 'yon! And Celestine Kim is his ex! Alam ko dahil nasabi niya sa akin noon ang pangalan nito! She's his first love and first girlfriend. He said they broke up because of their difference and what now? Are they back together?!

"Akala ko ba trabaho ang aasikasuhin niya sa France?" tanong ko kay Fred na kita kong takot na takot na magsalita. "Tell me Fred!" Pakiramdam ko nagliliyab ako.

"C-Celestine is his model okay?! 'Yun ang alam ko pero wala akong alam tungkol sa ginawa nila sa France! Ask him yourself. Ayaw ko na ngang ipaalam 'yan sa 'yo pero nakalimutan kong itapon 'yan bago ka sunduin! Sh*t!" Ginulo niya ang buhok niya at mas dumiin ang pagkakahawak sa manibela. "Bago ka gumawa ng kung anu-anong conclusion sa isip mo ay magusap muna ka-"

"Magusap? Hindi man lang niya sinabi sa akin na model niya si Celestine! She's his ex! God! Akala ko ba nililigawan niya ako? What are they doing there now that I'm away?" Oo nasasaktan ako. Kasi may feelings naman ako para kay Tyron e. Maybe it's not overflowing like what I felt with Kailer but I do have sincere feelings for him. Masakit sa akin na pinaglihiman niya ako... na kasama niya ang ex niya...

I hate myself for thinking about them... and thinking about the past.

***

Pagkaalis ni Fred sa bahay ay umakyat na agad ako sa kwarto ko. Tinawagan ko ulit si Tyron pero hindi na siya sumasagot. Ngayon ko lang siya pinagdudahan. Ayokong magkalamat ang tiwala ko sa kanya kaya sana ay may maganda siyang paliwanag sa nakita at nabasa ko. That's holding hands with his ex! At sabi pa they're on a date? Date? Wow! Date with Celestine would be really aweseome. She's incredibly gorgeous and she has a body that would make every man drool! Wala akong binatbat alam ko 'yon and I don't want to have inferiority complex!

Noon ay muntkan ko nang baguhin ang sarili ko para kay Kailer. I almost turned myself into Cyrish and what now? I will not do the same. I learned from that mistake...

Kung may pagtingin pa rin si Tyron kay Celestine sana sabihin niya. Gaya nga ng payo niya noon sa akin. Hindi ako dapat magmakaawa na mahalin ng kahit na sino. Sa totoo lang ay ito ang unang pagkakataon na nasaktan niya ako. Sinadya man niya o hindi ay aminado akong nasaktan ako.

***

FOLLOW ME ON TWITTER! :) @snoopyqueenwp 

Who's your bet love team? #KaiMi or #TyMi 

In love with Dashiell? #DashiellClydeRamirez 

#TheGirlHeNeverLoved

#TGSeries

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon