Chapter 3 || Napasubo
Mikkaella's POV
BABOY? AKO?
Sa totoo lang ay nagsorry agad ako sa kanya pero siya?!
Sobrang init na ng ulo ko pero buti na lang talaga at napigilan pa ako. Kung hindi sumali si Kailer dito, malamang basag na ang mukha ng babaeng 'yun sa akin. Si Felix naman kasi pinipigilan ako pero 'yung babae hinahayaan naman niya. Wow lang. Ang ginawa kasi ni Kailer, tumayo siya sa gitna namin tapos sinabi niya kung sino siya. Ayun at kumalma 'yung babae at ganun din ako. Natauhan eh.
Hay. Ganito talaga kahirap pag bakasyon eh. Lumalabas sa lungga ang mga taong masama ang budhi. Tss.
***
Lahat ata ng babae na makita ko napakarevealing ng suot. Nakabikini rin si Dianne at Cyrish samantalang ako, sando at short lang. Dito kasi ako mas kumportable at nakakakilos ng maayos. Mainit pa kaya nandito lang ako sa lilim at nagbabasa ng libro na dinala ko talaga para basahin habang nagsasaya sila. Nakikita ko mula sa pwesto ko si Dianne at Cyrish na nagtatampisaw sa tubig at nakatingin si Kailer sa kanila. Well, to be more specific, sa pinsan ko lang siya nakatingin. Nung makita palang niya sa malayo si Cyrish, halos sakalin na niya ako sa kilig kanina kaya ayun nasapak ko.
Si Felix? Ayun at nangha-hunting na naman ng babae. Kaya nga hindi ako naniniwala na may gusto siya sa akin eh. Mas malandi pa kasi siya sa babae.
Speaking of babae, naalala ko na naman tuloy ulit 'yung palengkera na feeler kanina sa may dining hall. Grabe naman kasi siya. Humarang siya at natapon 'yung dala ko. Nagsorry ako pero sinigawan lang niya ako. Aba sinong hindi maiinis 'diba? Ang ayoko pa sa lahat, may nasasayang na pagkain. Ang dami pa namang laman ng plato na 'yon.
Pinaghiwalay na nga lang kami ng mga kaibigan ko eh bago pa mas magkagulo. Buti at hindi ko pa siya ulit nakikita. Tss. Kung nananakit lang ako eh natampal ko na talaga siya!
"Hey babe!" Ay naku ayan na si Felix. Tumabi siya sa akin at inirapan ko lang siya. Nakatingin lang ako sa librong hawak ko. Naramdaman ko naman 'yung kamay niya sa likod ko. Inakbayan niya ako.
"Tigilan. Mo. Ang. Pagbabalak. Na. Landiin. Ako. Dude." sabi ko at tumawa siya ng malakas. Nilagay ko ang panyo ko sa bibig niya. "Tawa pa geh." Umirap ulit ako.
***
"Okay ka lang?!" Mukha ni Felix ang nakita ko. "Ano bang panaginip mo at sumigaw ka pa?" Nakita ko ang pagaalala niya. Inabutan niya ako ng tubig at agad kong ininom 'yon. Nakatulog pala ako habang nagbabasa. Hindi ko namalayan.
"Hindi ko na matandaan eh." nagsinungaling ako. Ang totoo'y napakalinaw ng panaginip ko.
Nasa malayo ako at nakatingin ako kay Cyrish at Kailer. Magkasama sila. Parang date? At gaya nung panaginip ko sa van, malungkot ako habang nakatingin sa kanila. Magkaholding hands pa nga 'yung dalawa eh. Ano bang ginagawa ko sa panaginip ko? Bakit ganun? Bakit ramdam ko 'yung sakit?
"Ayos ka lang ba?" tanong ulit ni Felix at tumango na lang ako.
Medyo kinikilabutan na ako sa panaginip ko. It was too vivid to be just a mere dream.
***
Malapit nang dumilim kaya naman naupo na yung apat kasama ko. Ako palang ata ang hindi nababasa ngayong araw. Umalis muna si Felix at Kailer para kumuha ng inumin at naiwan kasama ko si Cyrish at Dianne.
"Uy Mikka, siya 'yung babae kanina 'diba?" bulong sa akin ni Dianne at tiningnan ko 'yung sinasabi niya. Tama siya. 'Yung babae nga na 'yun 'yung kanina. May sinampal itong lalaki. Binastos ata siya. "Aww bakit niya kaya ginawa 'yun?" Aba malay ko at wala rin akong pake. Hindi ako pinalaking tsismosa.
"Karma sa kanya tss. Bayaan niyo na nga siya." sabi ko naman. Wala namang rason para isipin ko pa ang babae na 'yon.
Dumating na sina Kailer at inabutan kami ng inumin. "Thanks." sabi ko.
"Uy ano nga pala 'yung contest na naririnig namin?" tanong ni Cyrish kay Kailer.
"Ahh. Beauty contest 'yon. Once a year nagpapacontest talaga sila sa mga babae rito at nasakto tayo sa isang beses na tinutukoy ko." sagot ni Kailer.
"Oww I see."
Tumayo ako at nagtaka sila. "Saan ka pupunta?" tanong ni Felix.
"Swimming." At tumakbo na ako bago pa nila ako pigilan. Madilim na kasi pero syempre may mga ilaw naman sa paligid kaya okay lang. Binasa ko ang sarili ko sa dagat. Ang sarap at ang lamig! Hehe.
"At nagsu-swimming ka pala." Iyan ang narinig ko pagkaahon ko. Siya na naman?!
"And so?" Umirap ako at babalik na sana sa ginagawa nang magsalita siya ulit.
"Magsorry ka."
"Ha.Ha.Ha. Sorry? Para saan naman?" Umahon na ako at hinarap ko siya.
"Para sa ginawa mo kanina. Magsorry ka."
"For your information, isang beses lang ako magsorry. Kung hindi mo narinig, wala na akong kasalanan dun."
"Ang lakas ng loob mo ah! Akala mo naman kung sino ka! Para sabihin ko sa 'yo, mukha kang baboy! Dun ka na, magpakatay ka." Wow! Ang kapal talaga ng babae na 'to!
"Masaya ka na?" Umirap ulit ako at tatalikuran ko na siya nang hilahin niya ang buhok ko. Hinila niya ang buhok ko! BUHOK KO!
Sinabunutan niya ako pero ako sinapak ko siya! Patuloy pa rin siya sa pangangalmot sa akin nang makita ko ang mga kaibigan ko. Pinaglayo na naman kami nung babae. "Akala mo sino ka! Wala ka namang panama sa 'kin!" sabi pa nung babae.
"Wala? Sino nagsabi? Ikaw lang ata ah." boses 'yun ni Cyrish. Kinalma ko 'yung sarili ko at lumayo na ako sa mga humihila sa akin.
"Sige nga! Lalaban ako sa beauty contest dito. Kapag nanalo siya laban sa akin, dun lang niya mapapatunayan na may ibubuga siya." tumawa 'yung babae."And I doubt na mananalo siya."
"Aba ang yabang mo ah! Sige! Maglaban na lang kayo!" si Dianne 'yun.
***
"Napasubo tuloy ako!" reklamo ko sa mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon at nakahiga sa buhangin. Aissh. Kasi naman eh bigla na lang nilang tinanggap 'yung hamon ng babae na 'yon! Beauty contest? Hindi ako para sa ganung contest noh!
"Edi wag ka na lang sumali. Hayaan mo siya. Wag mo nang patulan." seryosong sabi ni Felix. Ewan ko bakit pero kanina pa siya seryoso. Magmula nung tumulong siya sa paghihiwalay namin nung babae dahil nagaway nga kami, nakakunot na ang noo niya.
"Hindi siya pwedeng umayaw!" sigaw ni Cyrish at umupo na siya. Umupo na rin kami pwera kay Felix. Nakapikit na ito ngayon.
"Lumabas ka for once sa comfort zone mo Mikka." Si Dianne naman ang nagsalita. Lumabas ng comfort zone? Napatingin ako kay Kailer para makuhaan siya ng opinyon pero nakita ko na nakatingin ito kay Cyrish. Wala na naman sa sarili.
Kung gusto ko talaga na hindi siya masaktan ni Cyrish, dapat maging si Cyrish ako para mabaling ang atensyon niya sa akin. Una sa lahat... dapat subukan ko na mas maging babae. Isang paraan na siguro para magawa ko 'yon ay ang pagsali ko sa beauty contest. Siguro padala ang babae na 'yon para sa akin.
"Okay sasali na ako. Basta tulungan niyo ako ha?" Pumalakpak naman si Cyrish at Dianne.
"Bahala nga kayo." Tumayo na si Felix at naglakad pabalik ng resort. Ano kayang problema niya?
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...