Chapter 24 || Tagaytay
Kailer's POV
I'm really amazed na naitabi pa pala ni Mikka 'yung binigay ko sa kanya noon. I didn't expect her to the same thing I do. Napangiti na lang ako kahit na talagang tinakot niya ako. Akala ko kasi nagalit na siya dahil sa nangyari nung lunch. Anyway, I'm glad we're still good. Talagang natuwa ako dahil after all these years, gagamitin niya 'yung binigay kong papel. Haha. That's really cute.
***
Imbes na kumuha ng separate room ay kumuha lang kami ng isa pero dalawa ang kama. Ito ang gusto ni Mikka para raw makamura kami. She hates spending too much kahit na alam naman niyang I can afford it.
Maganda talaga rito dahil ito ang nirecommend na hotel ng isang kakilala ko na nagpunta rin dito sa Tagaytay kamakailan lang.
"Wahhh!" sigaw ni Mikka at humiga siya sa kama niya. Napapikit ako ng mariin at nagiwas ng tingin dahil sa umangat ang skirt na suot niya.
"Mikka 'yung suot mo." sabi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago ako muling tumingin sa kanya.
"So naiilang ka pa sa akin?" tanong niya. Nakaupo na siya ng maayos ngayon. Inilagay ko ang gamit namin sa isang sulok at naupo sa kama ko.
"Bakit ba gusto mong magpunta tayo rito hmm?" tanong ko tapos ngumiti siya ng nakakaloko.
"Para masolo ka nga."
"Seriously?"
"Haha peace." sabi niya tapos tumakbo siya palapit sa akin tyaka tumalon paibabaw. Nagulat ako dahil sa pusisyon namin. Nasa pagitan ako ng binti niya at nakapatong ang dalawang kamay niya sa balikat ko. Ipinulupot na rin niya ang mga binti niya sa katawan ko. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin at ramdam na ramdam ko siya. Bumilis ang pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
"W-What are you doing?" tanong ko kahit parang kinakapos ako ng hininga.
"Fun? Gusto kong makipagharutan?" Pinasadahan ko ng tingin ang ayos namin at ang suot niya. Kitang-kita na ang hita nya dahil sa pusisyon niya. I stiffened. "Come on! Don't tell me you're finally tempted?" natatawang tanong niya at hindi ako nakasagot.
"J-Just take a rest." bumuntong-hininga ako at pinilit siyang umalis sa harapan ko. Hindi naman siya nagmatigas at bumalik na sa sarili niyang kama habang natatawa pa rin. "Why are you wearing a skirt?" mariing tanong ko. Ang kilala kong Mikka ay mas kumportableng magsuot ng jeans.
"To be more lady-like?"
"Bakit? Tell me, is it because of the boy you like?" Bakit parang nainis ako sa sarili kong tanong? Tss.
"Yup! It's because of him." sagot niya at parang masayang-masaya pa.
"Sino ba kasi ang lalaking 'yan? Do I know him?"
"Papakilala kita bukas."
Kumunot ang noo ko. "He's here?"
"Yes!"
So maybe that's the real reason why we're here. She wants to see that guy he's in love with. Why do I feel so pissed all of a sudden?
***
Namasyal kami at sumakay sa kabayo. Kung anu-ano rin ang ginawa namin at pinagbibibili para ibigay bilang pasalubong. Nagenjoy talaga ako kasama si Mikka. Lagi naman e. Kapag kasama siya ay walang boring na araw. Mabuti nga at pumayag ang parents niya. Ang sabi ng mga ito ay pwede kong isama si Mikka pero siguraduhin kong ligtas ito. I promised them that I will protect their daughter at kahit naman hindi nila sabihin ay gagawin ko pa rin 'yon.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...