Chapter 35 || Nasasaktan
Mikkaella's POV
Ngayon ang kaarawan ko pero hindi pa rin kami nagkakausap ni Kailer. Kahit na wala siang regalo sa akin ay okay lang basta mayakap ko siya ng mahigpit. Miss na miss ko na siya lalo na 'yung biruan at harutan namin. Gusto ko ring ibalita sa kanya na magkakaanak na kami. Gusto kong ako ang magsabi. Nagpacheck na ako and it's positive!
Tuwang-tuwa ang parents ko at parents niya dahil magkakaroon na raw sila ng apo. Syempre ay masaya rin ako. Sana maging masaya rin si Kailer.
Nandito kami sa restaurant ngayon. Pupunta raw si Kailer kaya excited na akong makita siya!
Nagantay kami sa pagdating niya bago nagsimulang kumain. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Maisip ko pa lang na magkikita kami nagwawala na ang mga paruparo sa tyan ko.
"Kailer!" sabi ni Ate Danica at paglingon ko nakita ko si Kailer! Ngumiti ako pero nagulat dahil parang galit siya sa akin.
"Ka-" Hinigit niya ako patayo at hinila. Masakit ang hawak niya sa akin at hindi ko alam kung anong nagawa ko at nagkakaganito siya. "Kailer nasasaktan ako ano ba!" Pero wala... Hindi niya ako pinakinggan. Narinig ko ang pagtawag ng pamilya namin pero bingi siya at wala ni isang pinakinggan.
Pagkalabas ng restaurant ay nahagip ng mga mata ko ang pinsan ko. Nakatayo at nakatingin sa akin. She smirked at nakaramdam ako ng pait sa loob ko. Bakit niya ginagawa 'to? What is love? Some kind of a joke? A competition?
I don't know what will happen to her once she falls in love someday. I doubt her love story would be easy. It would be awfully hard and heartbreaking for sure...
***
Nasasaktan ako dahil sa 'yo!
Nasasaktan ako dahil sa 'yo!
Nasasaktan ako dahil sa 'yo!
Hindi ko alam kung saan ko balak pumunta basta ang alam ko lang ay gusto kong makalayo. Gusto kong tumakas. Gusto kong takasan ang sakit na nararamdaman ko at alam kong imposible! It hurts to know that I mean nothing to him!
Para akong tinamaan ng palaso sa dibdib dahil sa sinabi niya!
If words could kill, I would probably be dead right now.
Basang-basa na ako sa ulan at sobrang nilalamig na rin pero wala akong pake. Mas malala pa ang nararamdaman kong sakit sa mga oras na 'to kaya wala akong pake kung magkasakit man ako. I realized what Cristina said in that page.
Kaya niya hindi pinaglaban si Fernando kahit mahal na mahal niya ito dahil siya rin ang nakakasakit dito imbes na si Rosa. I was confused before pero malinaw na sa akin ang lahat.
...ang mga mata niya parang mga ulap habang madilim ang kalangitan, parang tubig sa mga halamang nadiligan.
Umiiyak ito ng sobra dahil sa kanya. Dahil sa pagmamahal niya. Maybe Fernando knew about her feelings too pero talagang walang maisukli ito kundi pagbuhos ng luha.
Maikukumpara ko ang bawat kilos niya na parang oras kapag sabik kang mangyari ang isang bagay. Alam ko dahil nakikita at nararamdaman ko. Parang yelo ang puso niya pagdating sa akin.
Kapag sabik ang isang tao na mangyari ang isang bagay, bumabagal ang oras 'diba? Iyon ang kilos ni Fernando kasama si Cristina. Parang mabagal ang pagikot ng mundo dahil hindi siya masaya. Wala siyang maramdaman para kay Cristina. Kasi hindi ba kapag masaya ka sa isang bagay parang saglit lang? Parang biglang mabilis ang oras?
Kaya kong ibigay ang buwan at mga tala mahalin lang niya ako pero para sa kanya'y sapat nang tingnan ito sa malayo. Sapat na para sa kanya 'yon basta kasama niya si Rosa... Kahit kailan ay hindi naging ako. Kahit kailan hindi ako minahal ni Fernando.
Ibig sabihin ay walang katumbas ang pagmamahal ni Fernando. Kahit na ano pang gawin ni Cristina ay si Rosa pa rin ang laman ng puso nito... Walang kahit na anong bagay ang makakapantay dito.
Kahit na kailan ay hindi naging ako...
Kahit kailan hindi ako mamahalin ni Kailer.
Ganun ba? Will the past repeat itself gaya ng kinakatakot kong mangyari? Siguro ay pinaniwalaan niya si Cyrish. Totoo naman e! Talagang balak kong paghiwalayin sila kasi nga Cyrish is heartless. She doesn't know what love is! She's just manipulative as hell! All she wants is attention... she wants every man infatuated with her!
But Kailer is blind. Kailer is deaf. Kailer is bewitched!
Umiyak ako pero hindi maaaninag dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. May iilang napapatingin na sa akin pero hindi ko sila pinansin. No one will understand how much it hurts!
Like ice melts into rain, sometimes love turns into pain...
Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naman bumagsak ako sa sahig. Ramdam ko ang pagtalsik ng tubig dahil sa nangyari. Hindi ako makakilos. Sobrang nanghihina ang buong katawan ko. Napahawak ako sa tyan ko. "Baby..."
Patawid pa naman ako at dito bumagsak sa gitna ng kalsada. Hindi na kaya ng katawan ko ang tumayo.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan at nang tingnan ko ang kaliwa ko ay may papalapit na truck sa akin. Nanginig ang buong sistema ko. Mabilis ang takbo nito kaya imposibleng tumigil sa pwesto ko. Gusto kong tumayo pero bumagsak ulit ako. Hindi ko alam ang gagawin. Is this the end for me? Is this our end? Ito ba ang ending na nagiintay sa akin? Kamatayan ba?
Nasasaktan ako dahil sa 'yo!
So magiging masaya si Kailer kapag nawala na ako sa buhay niya? Kapag ba nawala ako ay iyon ang ikatataba ng puso niya? Is that it?
I thought pwede e. Umasa ako na baka sakaling mahalin din niya ako. Na baka sakaling ako naman talaga at hindi si Cyrish... Pero mali pala ang umasa at magbakasakali. Pinaasa niya ako sa mga kilos at salita niya. Napakasama niya para paasahin ko at napakalaki kong tanga dahil umasa ako! Damn this stupid heart!
Napapikit ako at naramdaman ko ang pagtilapon ng katawan ko hanggang sa magdilim na ang paningin ko. Narinig ko lang ang boses ng isang lalaki na ilang ulit tinawag ang pangalan ko habang nagmumura...
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...