Chapter 22 || Patawad
Kailer's POV
Ang sarap ipabugbog ng sarili ko o kaya ako na mismong bubugbog. Hindi ko maipaglaban si Cyrish dahil kahit isa wala namang handang magsabi sa akin na 'yon ang dapat kong gawin. Isa pa, ayoko ring saktan ang kaibigan ko. Inosente si Mikka pero anong ginawa ko. Ako ang may kasalanan kaya siguro dapat pagbayaran ko 'to. If marrying my friend will be the payment, I'm willing even if it hurts. Masakit eh. Hindi ko pwedeng pakasalan ang babaeng mahal ko dahil may iba na dapat akong pakasalan...
Pagkatapos ng family lunch, gusto nila na magkasama muna kami ni Mikka pero sinabi ko sa kanya na kailangan kong kausapin si Cyrish para ipaalam sa kanya ang lahat. Pumayag naman siya dahil dapat daw gawin ko nga 'yon. Nalulungkot ako dahil baka masira ko rin ang relasyon nila bilang magpinsan... pero nandito na 'to.
Oo.. Para sa akin kung si Mikka naman okay lang na magpakasal ako. Malapit din siya sa puso ko pero bilang kaibigan nga lang. Kahit na ganun, naisip ko naman noon na siguro kung wala si Cyrish, imbes na ibang babae ay mas gugustuhin kong makasama si Mikka.
Nandito ako ngayon sa park malapit sa bahay nila Cyrish. Hindi raw ako pwede sa kanila dahil may bisita siya. Hindi ko kilala kung sino pero pinilit niyang sa park na lang daw kami magkita. Pumayag na lang ako because I really need to see her now.
"Kailer!" Si Cyrish 'yon. Tumayo na ako. Sinalubong niya ako at inakap ng mahigpit. "Namiss kita!"
"Sorry..." sabi ko. Hinarap niya ako. Nangangatog ang tuhod ko sa tingin niya sa akin.
"Okay lang wag kang magalala. Okay na sa 'kin kasi nakita na kita." Ang bait talaga ni Cyrish. Maintindihan niya kaya ang sasabihin ko sa kanya? Dapat malaman na niya dahil baka pag pinatagal ko pa ay mas mas masaktan siya. Ayoko ring malaman pa niya 'to sa iba.
Gusto kong maiyak sa muling pagyakap niya sa akin. Palagay ko kasi ito na ang magiging huli. "Patawad..." sabi ko ulit. Halos ayaw lumabas ng salita mula sa bibig ko.
"Ha? Okay na nga sabi!" Tiningnan niya ulit ako at nakangiti siya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Kalalaki kong tao pero nagkakaganito ako ngayon. "Uy... ayos ka lang ba? Ano bang nangyari?" tanong niya habang marahang hinahaplos ang mukha ko.
"Let's... break up." Nakita ko ang pagkabigla sa mukba niya pero napalitan agad ng tawa. Binitawan na rin niya ako.
"Wag mo nga akong biruin ng ganyan!" tumatawa pa rin siya.
"Ikakasal na 'ko..." Nang marinig niya ako, natulala siya at napatakip ng bibig. Napaatras siya pero hinila ko siya palapit sa akin.
"Pero sabi mo mahal mo 'ko..." nakatingin siya sa sahig ngayon na parang 'di pa rin makapaniwala sa sinasabi ko ngayon.
"Mahal kita... kaso Cyrish... kailangan kong magpakasal." para akong batang umiiyak ngayon.
"Kanino? Kanino ka ikakasal?!" Hinampas niya ang dibdib ko ng ilang ulit. Baka masaktan siya dahil sa ginagawa niya kaya pinigilan ko siya at kinulong sa yakap ko.
"Kay Mikka..." Tinulak niya ako nang marinig ang pangalan ng pinsan niya.
"What?! Sa pinsan ko? Kailer! Anong nangyari? Ilang araw lang lumipas nung maging tayo tapos sasabihin mo ngayon ikakasal ka na? Pinaglololoko mo ba ako? You're a jerk!" Mas mahina lang siguro ako sa kanya. Kasi siya hindi umiiyak. Maybe she's keeping the pain well inside her. Pero hindi ko talaga kaya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko naiiyak talaga ako.
"May nangyari sa amin at responsibilidad kong panagutan siya." paliwanag ko kahit mahirap. Nagkamali siguro ako sa pagtutol kay Cyrish nang gabing 'yon. Kung pinakinggan ko siya at hindi ko na sinundan si Mikka, will we end up like this?
"Nabuntis mo ba siya ha?" Umiling ako. "Eh anong pananagutan mo?!" pasigaw bawat salitang binibitawan niya. Nabigla talaga siguro siya.
"Si Mikka. Siya mismo. Ang buong pagkatao niya." Nang sabihin ko 'yon, natanggap ko ang malakas na sampal niya at tumakbo na siya palayo.
***
Nandito pa ako sa park hanggang ngayon. Pinuntahan ko siya sa kanila pero ayaw niya akong labasin. Tinext ko siya na maghihintay ako rito hanggang sa labasin na niya ako. Kailangan ko kako na makausap siya. Kailangang maayos namin 'to.
"Kailer..." Napatingin ako sa nagsalita. Nakita kong si Cyrish 'yon kahit madilim na at nakalapit na siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang tatag niya. Hindi ko siya nakikitaan ng lungkot. Hindi nga siya umiyak eh. Puno lang ng hinanakit ang mga mata niya.
"Cyrish, patawarin mo na kami ni Mikka." pagsusumamo ko. Kung gusto niyang lumuhod ako ay gagawin ko mapatawad lang niya kami.
"Mahirap Kailer eh... ganito na lang siguro." Hinantay ko na magsalita siya ulit. "Magpakasal kayo pero..."
"Pero ano?"
"Pero sa akin pa rin ang puso mo. Please?" sa sinabi niya ay nakaramdam muli ako ng lungkot. Gusto niya na kahit ikasal ako sa iba, siya pa rin ang mahal ko. Pero totoo naman eh. Kahit na ikasal ako kay Mikka, siya pa rin ang babaeng mamahalin ko.
Inakap ko siya. "Oo, kahit magpakasal ako kay Mikka. Ikaw pa rin ang mahal ko." Kasi iba si Mikka kay Cyrish. Maybe I do love her but it's just as a friend. And I believe she knows it. Alam kong tanggap niya ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Pangako?" tanong pa niya.
"Pangako... Mahal na mahal kita." sabi ko.
"Love you too..." She smiled at me. God knows how much I love her.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETE
RomanceSa loob ng maraming taon kay Cyrish lang ang buong atensyon ni Kailer at hindi niya napapansin si Mikka at ang totoong damdamin nito. Nang malaman ni Mikka ang tungkol sa sikreto ni Cyrish, naging desidido siyang baguhin ang laman ng puso ni Kailer...