Chapter 38

5.6K 103 23
                                    

Chapter 38 || Mahirap Kasi

Kailer's POV

Sa sinabi ni Tyron ay kinabahan ako... I don't want her to give up. I want her to hold on. I don't want to lose her and I'm so afraid that it'll be her final answer to all this mess. I'm too selfish to ask her to stay...

Mabuti na lang at iniwan na kami ng parents ko at ni Ate. Kailangan naming magkausap ni Mikka na kami lang pero... bakit ganito?

I can't even talk to her. She's scared and I can see it. She wants me to leave. I know I should ... pero.. pero..

Hindi ko kaya. Hindi ako makaalis at hindi ko magawang magalit kay Mikka. Niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong galit ako sa mga oras na 'to.

Nadala lang ako ng emosyon kagabi pero ngayong humupa na iyon ay mas nananaig ang pagaalala ko sa kanya. Halos mabasag ang puso ko dahil nakikita ko siya ngayon na maraming galos sa mukha at braso. Ilang ulit kong sinabi sa sarili ko na dapat galit ako. Dapat magwala ako. Dapat kamuhian ko siya. Pero ano? Walang nangyari at hindi ko iyon magawa! All I want to do is protect her...

Pero mahirap ding magpatawad. Niloko niya ako and I can see that she's already winning. Ikakasal na kami panigurado dahil sa magkakaroon pa kami ng anak. Kung noon ay posible pang hindi ituloy ang kasal, iba na ang usapan ngayon. Magiging magulang na kami.

What bothers me the most is that... I don't think it's a bad idea to marry her.

Nakapikit siya kaya naman lumapit na ako ng tuluyan sa kanya at naupo sa upuan sa tabi niya. Naramdaman niya siguro iyon kaya tinalikuran niya ako. Napatitig na lang ako sa likod niya ngayon. She looks so fragile and weak. I want to tell her everything's gonna be fine now. I want to assure her that I'll never hurt her again. I want to say I promise but I know I might eat my words in the end. I don't want to break her trust...

"Mikka..." suyo ko sa kanya.

"I told you, just leave me alone!" She cried nakita ko ang panginginig niya. Hindi ko alam kung paano ko iyon mapapatigil nang hindi ko siya iniiwan. Ayokong umalis. Natatakot ako na baka pag umalis ako ngayon ay hindi na niya ako muling pagbuksan ng pinto.

"Bakit kailangan mo pang magsinungaling?"

"I didn't lie." mariing sagot niya. Naalala ko ang pinarinig ni Cyrish sa akin. It was very clear.

"Please tell me the truth-"

"Tingin mo ganun ako kadesperada? Magsisinungaling ako para lang makuha ka? Stupid! Ang bobo mo sobra! Edi dapat dati ko pa sinabi sa 'yo 'diba? Pero hindi e! Hindi ko sinabi kasi ayokong masira ang tingin mo sa pinsan ko but sh*t! It hurts to see you in love with someone who can't love you back a-lone!" Hinarap na niya ako at sa huling sinabi niya ay napangiwi siya. Mukhang may sumakit sa kanya kaya hahawakan ko sana siya kaso pinalis niya ang kamay ko. Pinilit niyang umupo kahit na panay ang paglukot ng mukha niya. "Don't act as if you care kasi alam ko naman na sinungaling ang tingin mo sa akin! I told you to leave me pero bakit ayaw mong makinig ngayon?! Sige na puntahan mo na ang pinsan ko! You always choose her right? You always leave me when she needs you! I'm just an option here! I am your second option!" At tinulak niya ang dibdib ko habang patuloy sa pagagos ang luha niya sa kanyang pisngi. Ang sakit makita siya na umiiyak ng ganito dahil sa akin. I really hate seeing her cry and now I am the reason why she's in pain, why she's crying and broken.

Bakit ba palaging si Cyrish ang pinipili ko?

Wait. Why am I even asking myself now? Alam ko ang sagot. Kahit na alam kong si Mikka ang unang pumapasok na sagot sa isip ko kapag pinapipili ako sa kanila ni Cyrish ay si Cyrish ang ginagawa kong sagot. I'm scared that I'll be too dedicated to Mikka because I know I love Cyrish! Pero siya ba talaga ang mahal ko?

Nagkakabuhay na yata ang panaginip ko noon. Ayoko siyang paiyakin pero ginagawa ko na ngayon. Ilang beses na...

Bago pa niya mas masaktan ang sarili niya dahil naupo na siya at patuloy pa sa paghampas sa akin ay inakap ko na siya. Hinayaan kong hampasin niya ang likod ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. "I-I'm sorry..." Halos hindi ko masabi dahil sa lakas ng paghampas niya. "I'm really sorry Mikka..." I whispered in vain.

"Do you even know why you're sorry?" tanong niya habang patuloy sa pagiyak. Hindi ako nakasagot kahit inantay niya 'yon dahil hindi ko rin alam. Gusto ko lang humingi ng tawad... sa lahat. "Kailer! Don't tell me you're sorry for nothing! Open your eyes! Open your ears! Believe what I'm saying! She's a cheater! If you think I'm only doing this because I love you then fine, be with her all you want!" Lahat ng binitawan niyang salita ay pasigaw kaya halos mawalan na siya ng boses. Ako ang nababahala para sa kanya. Naramdaman ko ang panghihina niya habang nakayakap ako sa kanya. Itinigil na niya ang paghampas sa akin.

"Pero hindi magagawa ni Cyrish ang binibintang mo..." Paano magagawa ni Cyrish 'yon sa akin? Kaya niyang magkaroon ng iba habang kami? Imposible. Hindi niya 'yon magagawa. Hindi ganun ang kilala kong Cyrish. If Mikka will just admit her wrongdoing, I can forgive her and forget about it. If she'll just say she's sorry for what she has done baka sakaling maayos namin 'to.

"And I can?"

Wala akong naisagot.

Hindi na siya nakapagsalita kaya biglang tumahimik ang paligid at hindi ko alam kung bakit kaya napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito habang may tinitingnan na parang hindi makapaniwala. Napasinghap siya sa takot.

Napatingin na rin ako sa direksyon ng mga mata niya na hindi mapakali at halos mawalan ako ng balanse dahil sa dugo na nakita ko sa kumot niya.

"A-Ang baby ko... K-Kailer... Ang baby ko!" Napatakip siya ng bibig habang inaalog ako at mas umagos ang luha niya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin dahil parang naestatwa ako sa kinatatayuan ako. Pabalik-balik ang tingin ko sa kama at sa kanya. "Ang baby ko!!" Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Mikka bago siya nawalan ng malay at bumagsak sa mga braso ko. Nanginginig ako habang pabalikbalik pa rin ang tingin sa kanya at sa dugo sa kumot...

The Girl He Never Loved (TG#1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon