TRICIA'S POV
" Eto na ang huling beses ko syang iiyakan. Minahal ko sya ng sobra at naubos ako. Hindi na ako maghahanap at mag iintay na lamang na dumating ang tamang tao". Sa isip ko habang pinagmamasdan ang namumugto kong mga mata sa salamin.
There are more important things I need to prioritize over love. My focus now is to graduate and eventually go to med school.
"Patty, labas na dyan kumain ka na at tanghali na malalate ka na" Sigaw ni ate.
"Saglit na lang" Sagot ko.
Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumain. Naabutan ko pa si ate aiks na hinahanda ang baon ko.
"Kumain ka na. Ito ang baon mo baka makalimutan mo. Mag bibihis lang ako at ihahatid na kita sa school." Pahayag nya.
"Thank you ate. Nasaan nga pala sina Mama at Jill?" Tanong ko.
"Si mama nag paalam sayo kagabi diba na may maaga syang flight. Si Jill natutulog pa wala yun pasok ngayon. Sige na tapusin mo na yang pagkain mo magbibihis lang ako at ihahatid na kita". Bilin nya at umalis na para magbihis.
Mabuti na lang din at hindi nagtatanong si Ate Aiks kung kumusta ako. Baka maiyak na naman ako kung pag nagkataon.
UNO'S POV
Paulit ulit sa isipan ko ang katagang " It's not you it's me". Minsan ko ng natanong ang sarili ko "hindi nga kaya ako ang may problema kaya lagi akong naiiwan?"
Ako si Uno - may istura naman sabi ng nanay ko. Matalino at matinong tao. Mapag mahal pero laging naiiwan. Kailan ko kaya makikita ang taong mamahalin ako at hindi ako iiwan?
Akmang ipipikit ko na ang mga tao ko ng biglang.." Kuya! kuya, are you inside? Can you please open the door?" Sigaw ng kapatid ko.
Pag kabukas ko ng pintuan ay agad akong niyakap ng bunso at kaisa isa kong kapatid, si Kaye."Mom, told me about what happened. Sabi ko naman kasi sayo e she is not worth it". Sabi nya habang tinatapik tapik pa ang likod ko.
Sarkastiko ko syang sinagot "Kaye, okay lang si kuya. Dapat nga diba masanay na ako kasi hindi naman ito yung unang beses na pinag palit nya ako".
Kaye is my youngest and only sibling. 1 year lang ang gap namin. Masasabi ko na sobrang close namin and she is also my bestfriend. Ilang beses nya na ako sinabihan na hiwalayan na ang ex gf ko unang beses pa lang na nagloko sya. Pero dahil mahal ko pinatawad ko ng paulit ulit.
Umalis sya sa pag kakayakap sa akin. " Sumama ka na lang sa akin mag work out mamaya after school, kesa naman tutulog ka nga ngayon tapos mamaya iinom ka naman. Sunduin mo ako sa school ng 6,okay?" turan nya na para bang wala na ako magagawa
."All right, as if I can say no to you, I'll pick you up at 6,bunso".
"Okay, so I'll go na, rest and sleep well, okay? Sulitin mo ang pahinga ngayong araw na to at bukas busy ka na naman sa school at sa company. Wag kang iinom." Minsan iniisip ko ilang taon na ba tong kapatid ko.
"Oo na, sige na. Go na or else you'll be late. I'll see you later" Sabay hatid sakanya sa pintuan palabas ng kwarto ko.
-----------------------------------
I don't know if I am doing this right, pero here you go. Enjoy reading!
❤️
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...