Part 3/3
Hello last part of this chapter is here.
Enjoy and Good Night 😊
------
TRICIA'S POVNakauwi na nga ako pero wala naman akong natatapos sa mga dapat kong gawin. Si Jill umalis na hindi ko man lamang nakakausap. Si Uno nakaharap ko na pero hindi man lamang ako nagkaroon ng lakas na loob na kausapin siya.
"Te Aiks, pumayat si Uno, 'no?"
"Hmm? Ewan ko. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Hindi naman 'yon mahilig mag update sa social media accounts niya."
"Pumayat nga siya."
Sa gulat niya sa sinabi ko muntikan niya pa ako masabuyan ng tubig.
"Nagkita na kayo? Kailan? Saan? Paano? Bakit wala kang nakkwento, Janine Patricia Gerona Robredo soon to be Villarama?"
Magiging Villarama pa nga ba ako?
"Dami mo naman tanong. Nagkita kami noong unang araw na dumating ako. Naabutan niya kami sa sementeryo." Sagot ko.
"Kami? As in nakita niya kayo ni Doc Enzo?" Hala marites era na po si Ate Aiks.
Tumango lamang ako.
"Sandali nga Patricia, e ano nga ba kayo netong si Doc Enzo ha? Kaibigan lang ba talaga?"
Bumalik sa alaala ko ang araw na tinanong ako ni Doc Enzo at nag simulang ikwento iyon kay Ate Aiks.
FLASHBACK
"Doc Tricia, matagal tagal ko ng gustong tanungin sayo 'to pero nawawalan ako ng lakas ng loob at nahihiya ako sayo"
"Ha? Bakit? Ano ba yang gusto mong sabihin?"
"Doc Tricia, pwede bang....
Pwede ba kitang ligawan?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Unang beses pa lamang kitang nakita nahulog na agad ang loob ko sayo. Sino ba namang hindi mahuhulog diyan sa mga ngiti mong nakakatunaw. Sobrang bait at napaka makumbaba mo pa. Kahit sino mahuhulog sayo. Pwede ba kitang ligawan?"
"Doc Rodriguez. Este Doc Enzo, akala ko ba nakikinig ka sa mga kwento ko?Alam mo naman ang mga pinagdaanan ko."
"Oo naman. Nagbabaka sakali lang ako na baka nagbago o binago na ng lugar na 'to ang nararamdaman mo."
"Doc Enzo, I left him kasi akala ko ito ang kailangan naming dalawa. Uulitin ko hindi ako niloko ni Uno. Ako pa nga ang palaging nakakasakit sakanya. At hindi ang lugar na 'to o kahit sino ang makakapag bago ng pag mamahal na meron ako sakanya. Mahal na mahal ko ang tatay ng anak ko at umaasa ako na pagbalik ko sana wala pa din nagbago sa nararamdaman niya. Sorry pero sa iba mo na lamang ibaling ang oras mo. Madami ka pang makikitang iba. Ayaw ko na ulit mangyari na makasakit ng iba tulad ng nagawa ko kay Richie umasa siya pero kay Uno lang talaga ang puso. Ayaw ko na matulad ka din sa kanya Doc Enzo, again sorry. "
" Wag kang magalala hindi ako matutulad sa kaibigan mong si Richie. Naiintindihan ko. I wish you and Uno all the best. Sana maging okay kayo ulit. "
" Sana manatili pa rin tayong magkaibigan? "
Tumango lamang siya.
End of Flasback
"Mabait naman pala ang Doc Enzo pero kay Uno pa din talaga ako. E teka lang, anong reaksyon niya nang makita ka? Si Enzo? "
"The usual Uno. Ngumiti. Nangumusta. Nakipag kamay kay Enzo tapos umalis na din"
"Ha? Ganun lang? Hindi kayo nag usap? Wala siyang reaksyon kay Doc Enzo? As in zero? Nah?"
Nakapadami namang tanong neto. Mas malala pa sa imbestigador.
"Natigilan na din ako e. Gustong gusto ko siya yakapin pero hindi ko nagawa. Gusto ko sabihin na namiss ko siya at miss na miss ko siya pero hindi ko nasabi."
"Hala ka! E kay Doc Enzo nga anong sinabi niya?"
"Nakipagkamay lamang siya after ko sila ipakilala sa isa't - isa."
"Sinabi mo ba kung sino si Doc Enzo? I mean pinakilala mo na kaibigan mo?"
"Hindi. Pinakilala ko lang siya as Dr. Lorenzo Rodriguez, 'yon na 'yon." Sagot ko.
"Ay naku ka Patricia! Dapat sinabi mo na kaibigan mo si Doc Enzo! Baka isipin ni Uno boyfriend mo siya.Tsk."
Napaisip ako sa sinabi ni Ate Aiks.
"Tingin mo? E kasi hindi ko na nga nagawang magsalita pa. Nagulat ako. Hindi na nakapag isip."
"Loka ka. Ewan ko sayo Patricia. Tsk. Wala kang plano na kausapin siya?"
Akala yata ni Ate Aiks madali sa akin 'to. Hindi naman pwede na "Uno nakabalik na ako pwede bang tayo na ulit?" Kung ganoon lang nga sana kadali lahat."
"Naghihintay ako sakanya araw araw dahil sabi mo nga araw araw naman siyang pumupunta kay Primo. Pero wala hindi ko na siya nakita after that day. Last Sunday akala ko dadating siya pero hindi rin."
"Feeling ko talaga inisip niya na boyfriend mo si Doc Enzo. Malakas ang kutob ko. Gusto mo bang magkaayos kayo ulit or hindi na?"
"Syempre gusto ko. Gustong gusto."
"Tawag or text hindi mo kaya? Tawagan or itext mo na baka pwede kayong mag kita."
"Natry ko na. Pero parang nagpalit na ng number."
"Puntahan mo sa bahay nila or sa office. Diba gusto mo naman na makapag usap na kayo? Pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan. Sige ka baka maagaw pa ng iba."
"Sige ka baka maagaw pa ng iba" Hindi mawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Ate Aiks. Paulit ulit. Hindi ako halos nakatulog sa pag iisip. I want him back. Nagmadali akong tumayo, naligo at nagbihis. Lakad takbo akong bumaba ng condo at nag drive papunta sa opisina ni Uno.
"I'm here to see Uno Villarama" agad na sabi ko sa receptionist.
"Do you have an appointment Ma'am?" Tanong niya. Wala na ang dating receptionist nila. Dati rati ay deretso na ako agad sa opisina niya.
"Tell him that Tricia is here." Habang tumatawag siya ay luminga linga ako nagbabaka sakali na makikita si Uno.
"Ms. Trish? Ikaw nga. Tiffany secretary ni Sir Uno."
"Yes naalala ko na. Nasaan siya? Kailangang kailangan ko siya makausap."
"Nakaalis na po siya Ms. Trish kanina pa. Dumaan lamang po siya para sa ilang papeles na kailangan niya."
"Umalis? Anong umalis? May meeting siya sa labas? Anong oras siya babalik? Si Tito Anton or si Kuya Chris nandito ba?"
"Magkakasama po silang umalis kanina pa. Ang alam ko po matatagalan si Sir Uno."
"Kagaano katagal? Saan ang meeting niya? Pupuntahan ko. Please Tiffany I really need to talk him."
Tumingin siya sa kaniyang relo. "Ms. Trish wala po siyang meeting today. Sa US po ang punta ni si Sir Uno. 9:30 na po malamang po nakaalis na ang eroplano niya, 9AM po ang flight niya."
-----
Tricia 💔
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...